Wala raw reaksyon si President Bongbong Marcos, Jr. [PBBM] sa mga kritiko n’yang taga-showbiz na very vocal kung maglabas ng saloobin sa social media against him.
Sinabi n’ya ito sa exclusive interview sa kanya ng TV host-actress na si Toni Gonzaga sa online show nitong Toni Talks na in-upload on YouTube kahapon, September 13, na kaarawan din ng pangulo.
Isa kasi sa napag-usapan nila sa nasabing panayam ang pagkaka-banggit ni PBBM sa creative industry sa pinaka-una n’yang State of the Nation Address [SONA] nitong July.
Dahil dito ay nahingi ni Toni ang reaksyon ng pangulo patungkol sa showbiz industry na masasabing dominated ngayon ng mga ayaw sa kanya.
Matatandaan na karamihan sa mga artista ay aktibong sumuporta kay dating Vice President Leni Robredo na naging katunggali n’ya sa nakaraang eleksyon.
“You said something really nice about the creative industry in your SONA and alam naman po nating lahat na marami sa aking kasama sa industriya are very vocal na against you. What is your reaction to that?” tanong ni Toni kay PBBM.
“That’s their opinion,” maikling tugon ng president.
Hindi rin s’ya nag-dwell sa issue at, bagkus, ay nag-focus s’ya sa talento ng mga Pinoy na hinahangaan abroad.
“But again, it’s clear that the creative industry is an important part of our culture, even of our image and look abroad. If you go around Asia and you go to the hotels, you go to the bars, ang tumutugtog laging Pilipino, ’di ba? We have somehow a special affinity to the performing arts,” lahad n’ya.
Gusto n’ya umanong bigyang pansin ang ito dahil ang creative and entertainment industry ang isa sa pinaka-lubhang naapektuhan nang umiral na pandemya.
“I’ve seen many of my friends in the creative [industry]…two and a half years walang concert, walang trabaho. I’m not only talking about the performers. I’m talking about the caterer, the driver, the crew…walang trabaho ito for the last two years, e, ang laking asset,” paliwanag pa n’ya.
And speaking of creative industry, naitanong din sa kanya ni Toni kung may pag-asa bang makakuha ng broadcast franchise ang ABS-CBN sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sagot ni PBBM, suportado n’ya ang pagbibigay ng prangkisa sa TV network basta’t ma-address umano ito ang mga issues nito na natalakay sa kongreso from June to July 2020.
Matatandaan na iba’t ibang issue ang inilatag against the Kapamilya network at kabilang dito ang hindi umano pagbabayad ng tamang buwis, unfair labor practices, alleged foreign ownership, and biased news coverage.
“Again, I have not changed my position ever. The question about the ABS-CBN franchise is really some of the violations, some of the problems that they have encountered during the hearings and in the investigation in the House of Representatives. As so long as those are attended to and those are resolved, then there’s no reason actually for the Committee on Franchises in the House to deny them a franchise,” lahad n’ya.
“Again, my view and my opinion and my position is that so long as all of those issues that were brought up during the hearings and in investigation in the House of Representatives have been attended to and have been resolved,” dagdag pa n’ya.
“I know there’s a suspicion that it’s always because of the political positions they took, which is against PRRD [President Rodrigo R. Duterte]. The actual technical reasons are these issues that were found during the hearings in the House,” pagtatapos ni PBBM.
YOU MAY ALSO LIKE:
On-the-set LOOK of the most controversial movie of the year, MAID IN MALACAÑANG
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber