“Presidential scenes” sa First Yaya, ikinonsulta daw sa Malacañang; JD Domagoso, aware daw sa mga issues ng lipunan kahit laki sa karangyaan

Direk LA Madridejos (inset) vouch for the humility and willingness to learn nina JD Domagoso at Cassy Legaspi. Both celebrity kids are playing as loveteam in their first acting job for GMA-7, First Yaya.

Photos: @joaquinaticsofc | Screengrabs from First Yaya ZoomCon

Direk LA Madridejos (inset) vouch for the humility and willingness to learn nina JD Domagoso at Cassy Legaspi. Both celebrity kids are playing as loveteam in their first acting job for GMA-7, First Yaya.

Fictional president of the Philippines na isang single parent din ang role ni Gabby Concepcion sa First Yaya. Mai-in love siya sa magandang yaya ng kanyang mga anak na gagampanan ni Sanya Lopez.

Pero kahit fiction lang at p’wede namang ilihis sa tunay na mga kaganapan, sinikap pa rin ng daw ng production staff ng First Yaya na gawing makatotohanan ang mga “presidential” scenes ni Gabby. Pati raw ang maliliit na detalye na tungkol sa presidente ng bansa ay sinikap nilang mailapit sa tunay gaya ng Sagisag ng Pangulo at mga protocols na nakapalibot dito.

“Nagkaroon po tayo ng ganu’ng research,” paniniyak ni Direk LA Madridejos. “Actually, meron pong kinausap sila bago pa nila isinulat ’yong script, bago pa makarating doon sa pilot script, nagkaroon sila ng maraming researches sa kung paano ’yong president, ’yong day ng president, ’yong PSG (Presidential Security Guard)... 

“I remember last year bago mag-pandemic, nag-tour pa sa Malacañang para doon sa mga ganu’n. And may close coordination din naman po kami sa kanila. So, from time to time, kunwari merong hindi p’wedeng mangyari sa script or hindi tama ’yong pagkasulat, ’yong pagkaka-mount, we value their opinions talaga. Pag sinabi nila na hindi p’wede, hindi yan mangyayari, hindi talaga.”

Maging ang mga nagsiganap daw na PSG gaya ni Pancho Magno ay dumaan pa sa training para tama ang mga galaw nila onscreen.

“Nagkaroon sila ng training kung paano sila gagalaw kapag kunwari may emergency na ganito, kunwari may assassination attempt or pa’no bababa si presidente ng kotse, san sila. ’Yon mga ganu’n... 

“Medyo tedious lang,” pag-amin ni Direk. “But for the show, for the craft of doing this show, worth it po siya. Isa ’yon sa mga gusto namin, ’yong isang maliit na bagay pero sana ma-appreciate ng mga manood.”

Samantala, naging curious kami sa exactness din ng character naman ni JD Domagoso, ang poging anak ni Isko Moreno, na gaganap bilang isang aktibistang mau-ugnay sa isa sa mga anak ng presidente (which will be played by Cassy Legaspi, anak naman ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi).

Unlike his dad kasi na laki sa hirap at nagtrabaho bilang basurero at tadyak boy (pedicab driver) sa Tondo noong araw bago pa ito naging artista—and eventually ay Mayor ng Maynila—laki sa sarap na, so to speak, itong si JD. Malayong-malayo ang karanasan niya kumpara sa kanyang ama. 

Thus, we asked, kung despite by ng kanyang privileged life ay aware ba siya sa mga issues ng lipunan na ipinaglalaban ng mga taong gaya ng sa character niya sa First Yaya?

“Aware na aware na po ako sa mga nangyayari dito sa Philippines,” bibong sagot ni JD. “I don’t have to act much when it comes to sa galit sa gobyerno— not na galit ako sa dad ko hindi naman sa ganu’n.

“Sa mga issues lang dito sa Philippines...nage-gets ko po ’cause I’m a very empathetic na person. So I really feel the struggle. Kahit hindi ako nag-i-struggle, nage-gets ko ’yong struggle ng iba.” 

Ang First Yaya ang first acting project ni JD at tila pinagla-loveteam sila ng GMA-7 ng baguhan ding si Cassy Legaspi. Dito magkaka-alaman kung may chemistry ba ang dalawang celebrity kids.

Pero kung si JD daw ang masusunod, sana raw ay si Cassy pa rin ang itambal sa kanya sakaling may next project sila.

Maganda naman ang feedback ni Direk LA sa dalawa at ang new loveteam nga raw ang isa sa mga added spice ng teleserye na kaabang-abang din.

“Sina JD and Cassy isa sa mga rekado ng First Yaya na aabangan ninyo and yes hindi ako magsisinungaling sa inyo, may struggle to do their scenes lalo po si Direk Rechie [del Carmen, second unit director]...lagi po sila ’yong madalas nilang kasama. 

“Pero normal ’yon sa mga nag-start. Pero lagi kong na-appreciate pag ang isang bagong artista—lalo na sa backgrounds nila na with their parents’ legacy—ay laging willing matuto, willing bumababa, willing mag-start sa baba to learn the craft. I really appreciate it kay Cassy at JD.”

Ang First Yaya will premiere on GMA-7 on March 15.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Geneva Cruz, sinupalpal ang online bully na nagsabing maitim ang kanyang singit: “Pakialam nya sa singit ko, akin yun!”

Tala: The Film Concert director Paul Basinillo, quoting veteran photographer Jun de Leon, describes Sarah Geronimo as “a chameleon.”

Lady Gaga stars as convicted murderer Patrizia Reggiani in House of Gucci

Baron Geisler to sell “Tililing” inspired shirts, proceeds to go to mental health organizations chosen by cast members

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.