Priscilla Almeda, dinepensahan ang nobyong si Jomari Yllana sa isyu ng sustento sa mga anak nito sa ex-partner na si Joy Reyes

PHOTOS: @jyllana on Facebook, @joyfullyenjoyingjoy on Instagram

PHOTOS: @jyllana on Facebook, @joyfullyenjoyingjoy on Instagram

Ipinagtanggol ng aktres na si Abby Viduya, also known as Priscilla Almeda, ang kanyang actor-politician boyfriend na si Jomari Yllana sa mga reklamo ng dati nitong karelasyon na si Joy Reyes.

Kahapon, June 22, ay unannounced na bumisita si Priscilla sa set ng online show na Take It…Per Minute, Me Hanun! hosted by Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu

Matapos ang kanilang kumustahan ay natanong ang nagbabalik-showbiz na aktres tungkol sa kinasasangkutang isyu ni Jom at ng ex-partner nito na may kinalaman sa sustento sa mga anak nila. 

“As much as possible I don’t read ‘yong mga ganyan kasi ano ‘yan, e, part ‘yan ng past n’ya,” sagot ni Priscilla. “Part ‘yon ng past n’ya [so] it should stay in the past. Pero it always come out in the open now because of what she [Joy] does.”

Aniya, may mga batang involved sa isyu kaya hindi daw s’ya makapag-komento tungkol dito. 

Pero sa akin naman, ano ‘yan, e, everything is gonna be handled and I really can’t comment that much kasi may legalities ‘yan, kasi there are minors involve,” paliwanag n’ya. “And also, pinalaki ako ng magulang ko na, ‘If you have nothing nice to say about someone, don’t say anything at all.”

Dagdag pa ng aktres, “Jom is a very, very good dad and I see how he provides for the kids.”

Sa puntong ito ay natanong s’ya ni Manay Cristy tungkol sa kulang na supply ng gatas na pinapadala ni Jom para sa dalawa nilang anak ni Joy. Anim na box daw kasi ang demand ni Joy pero apat lang daw ang pinapadala ni Jomari

“I don’t know but every 15th and 30th I see all the receipts and I see what’s being sent,” lahad n‘ya sa show. “Everything is documented… Mahal na mahal n’ya ‘yong mga anak n’ya. Mahal na mahal ni Jomari ang mga anak n’ya.

Pag dating sa ganyan, we’re talking about ganyan kalaking box with five [boxes] inside,” sey pa ni Priscilla habang ikinukumpas kung gaano iyon kalaki. “So, apat… Twenty ‘yon for two children. At bi-weekly ‘yon na pinapadala. Hindi for one month. That’s bi-weekly. 

“I can comment on that because I see that. Pero whatever na nangyayari sa side nu’ng ex n’ya wala akong p’wede i-comment… I don’t know. I can’t answer for her.” 

Samantala, umaasa si Priscilla na darating ang panahon na muli n’yang makakapiling ang kanyang tatlong anak na nasa poder ngayon ng kanyang Canada-based ex-partner.

“I have communications with the kids and, eventually, madadalaw ko sila,” pagbabahagi n’ya. “Iba lang kasi ang laws ng Canada. It’s hard for me to fly them out. 

“But, you know, given time, siguro mapuputa rin sa’kin ang mga anak ko. That’s what I am praying and wishing for,” pagtatapos ni Priscilla.

Sa ngayon ay naghahanda s’ya sa lock-in taping nila para sa upcoming Kapuso action series na Lolong na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Aiko Melendez documents father-and-son bonding moment over a racing suit that Jomari Yllana is passion on to his son, Andre

EXCLUSIVE: Andre Yllana answers Random Questions from pikapika

Andre Yllana, “go na go” sa posibleng kasalan ng nanay na si Aiko Melendez at ng boyfriend nitong si Vice Governor Jay Khonghun

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.