Priscilla Almeda, hinanap ang sarili kaya iniwan ang showbiz while at the peak of her career; relationship Jomari Yllana, “last stop” na raw niya

Staying for good na sa Pilipinas si Priscilla Almeda after 16 years in Canada and since nandito na rin lang siya, might as well, magbalik showbiz na rin daw siya. At napili niyang magpa-handle sa Viva Artists Agency dahil bilib daw siya sa pagbu-boom ng Viva despite the pandemic.

Photos: @abby_viduya

Staying for good na sa Pilipinas si Priscilla Almeda after 16 years in Canada and since nandito na rin lang siya, might as well, magbalik showbiz na rin daw siya. At napili niyang magpa-handle sa Viva Artists Agency dahil bilib daw siya sa pagbu-boom ng Viva despite the pandemic.

Two years nang nasa Pilipinas ang dating sexy actress na si Priscilla Almeda (also known as Abby Viduya) after 16 years of living off the grid in Canada.

Dadalawin lang niya supposedly ang first love niyang si Jomari Yllana pero dahil na-rekindle nang husto ang kanilang teen-age romance at nag-blossom into true love, mukang for good na dito sa Pilipinas si Priscilla. And since nandito na rin lang siya, might as well, magbalik showbiz na rin siya, di ba?

At napili niyang magpa-handle sa Viva Artists Agency dahil bilib daw siya sa pagbu-boom ng Viva despite the pandemic.

And she’s going to retain using Priscilla Almeda dahil ito daw ang name na nagdala sa kanya sa kanyang swerte.

Bungad na tanong kay Priscilla—na mas sanay kaming tawaging Abby—ay kung nakikita na niyang tatanda sa Pilipinas sa piling ni Jomari Yllana.

“Oh, yeah!” mabilis at masayang sagot niya. “Ito na. Diba matanda na kami? Hahaha! Hindi, joke lang. Yeah, I see myself growing old with him. Ito na. Ito na ’yon. This is the last stop na. Hahaha!”

Dahil ngayon lang din namin siya naka-tsikahan—courtesy of her VAA virtual press conference—mula nang magbalik-Pinas, napa-throwback kami kung bakit ba niya iniwan ang showbiz noon gayung she was at the peak of her career. Bihira kasi ang gumagawa ng ganoon na tatalikod na napaka-gandang opportunity.

Na-burn out ba siya?

“Hindi naman sa burn out, maraming ibang factors,” panimulang k’wento niya. “During that time magulo ang personal life ko. I just wanted peace and quiet. That’s it. That’s why I left. I wanted peace and quiet.”

Aniya, masyado na siyang naingayan at naguluhan sa mundong iniikutan niya.

“Iyan ’yong time na party days...so many parties going on. And there were little things na gusto kong maiwasan. Alam mo na ’yon, diba? There came a time na parang ayaw mo na, diba? It’s very rampant during that time in the business. Ayon ’yon. It was just a personal choice na I wanted to just go,” dagdag-paliwanag ni Priscilla na hindi direktang tinukoy kung ano ang mga iniwasan niyang iyon.

Moreover, ito din ang time na nalaman niyang she was an adopted child. Nagkaroon siya ng longing na makilala ang kanyang biological pamilya na natunton niya sa Canada.

“Kasi that was bothering me, when I found out I was adopted. I wanted to spent time with my biological family also.”

She found the opportunity to do just that nang minsang mag-shooting daw siya ng isang pelikula sa New York, na kapit-bahay lang ng Canada. 

“During the break of the shoot, pumunta ako sa Canada. Na-meet ko ’yong biological mom ko and my biological siblings. Parang gusto kong maging mom. ’Yong ganu’n? Parang I was trying to find myself during that time. And I think that’s why I stopped also.”

At kahit bongga ang tinalikurang career, wala daw siyang pinagsisihan o pinanghinayangan sa naging desisyon.

“Hindi ko naman pinagsisisihan ’yon because what I went through, it made me the person that I am today. It made me a strong person. ’Yon ang masasabi ko.”

At tutal ay nasa throwback mode kami, we took the chance an rin na ipalinaw sa kanya ang myth na naging boyfriend niya ang three members ng Gwapings noong 90s at hindi lang si Jomari. Siya lang kasi ang girl na associated sa Gwapings at that time na panahon ng mga young love, sweet love.

“Aray ko! Hahaha!” hirit niya na halatang nabigla sa tanong.

“Baby, oh!” sumbong pa niya kay Jomari na nasa tabi niya bagama’t wala sa camera ng Zoom.

“No, no, no,” deny niya. “Mark [Anthony Fernandez] was always like little brother to me. Eric [Fructuoso] had his own world…Hahaha! Si Jom lang, si Jom lang. Napa-inom ako ng water kay Anna! Hahaha!”

Ipinaliwanag naman namin where we were coming from and it’s from a recent interview namin kay Mark Anthony Fernandez who said na babae ang madalas nilang pag-awayan ng Gwapings noong araw dahil kokonti daw ang leading ladies noon. E, dahil siya nga lang ang associated sa Gwapings noon, kaya she came to mind.

“Baka iba ’yong pinag-aawayan nila. Hindi ko na alam ’yon. Hahaha!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.