Puna ni Ogie Diaz, Ronnie Alonte, kailangan pa ng bonggang acting workshop; “Di ko makita ang sincerity sa character, halatang kabisado lang ang linya.”

Suggestion ni Ogie Diaz, sana ay bigyan pa si Ronnie Alonte ng bonggang acting workshop ng management nitong Star Magic. “Biniyayaan ka na ng magandang mukha, paglaanan din sana ng panahon ang pag-arte,” lahad ni Ogie, pertaining to Ronnie. “Yung ibang artista nga na di biniyayaan ng ganyang mukha, gumuguwapo sa paningin ng audience dahil napakahusay umarte, eh.”

Photos: @iamr2alonte / screenshot: Ogie Diaz Showbiz Update on YouTube

Suggestion ni Ogie Diaz, sana ay bigyan pa si Ronnie Alonte ng bonggang acting workshop ng management nitong Star Magic. “Biniyayaan ka na ng magandang mukha, paglaanan din sana ng panahon ang pag-arte,” lahad ni Ogie, pertaining to Ronnie. “Yung ibang artista nga na di biniyayaan ng ganyang mukha, gumuguwapo sa paningin ng audience dahil napakahusay umarte, eh.”

Anim na taon sa showbiz industry ang aktor na si Ronnie Alonte, pero para sa kilalang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, wala umano siyang nakikitang improvement sa acting skills nito.

Nasanay kasi si Ogie, bilang nagma-manage din ng mga artista, na bago niya ipakilala ang talents niya sa mga producers at directors, ay pinapa-workshop muna niya sila at kinukuhanan ng styling team para mas lalong maging presentable.

Sa madaling salita nag-i-invest si Ogie sa mga talents niya kaya naman may K siyang magsabi kung may improvement ba ang isang artistang tulad ni Ronnie Alonte.

Sa kanyang Facebook account nitong Huwebes, June 16, ay nag-post si Ogie—na kasalukuyang nasa Amerika—na sa TFC (The Filipino Channel) pa umano niya napanood ang umeereng TV series na Love in 40 Days ni Ronnie Alonte kasama ang girlfriend nitong si Loisa Andalio.

Pinost nito ang larawan ni Ronnie na kuha sa eksena ng Love in 40 Days kasabay ng kanyang review o puna sa nakitang output ng aktor.

“Sa TFC ko pa napanood ang ‘Love in 40 Days.’ Eksena nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa restaurant. Nag-e-emote sila pareho tungkol ata sa respective daddy nila,” panimula ni Ogie sa kanyang post review.

“[Taong] 2015 pa nag-start sa kanyang acting career si Ronnie, pero mga ilang taon pa kaya ang kailangan para ma-master niya ang simpleng akting?

“Hinahanap ko ’yung sincerity ng character sa mga mata, hindi ko naramdaman. At halatang kabisado lang ang mga linya. Walang puso ang bitaw. Parang nasa acting workshop stage pa rin siya,” sunod-sunod na pag-o-opinyon niya.

Kasunod nito ay nagbigay siya ng kanyang suggestions para sa personal na ika-uunlad ng guwapong aktor.

“Sana, i-workshop pa siya nang bongga ng Star Magic. Biniyayaan ka na ng magandang mukha, paglaanan din sana ng panahon ang pag-arte.

“Yung ibang artista nga na di biniyayaan ng ganyang mukha, gumuguwapo sa paningin ng audience dahil napakahusay umarte, eh.”

“Hindi naman habambuhay, pa-cute lang tayo nang pa-cute. Masarap din naman ’yung pinupuri ka hindi lang sa kaguwapuhan kundi sa husay din sa pag-arte. Bata pa naman si Ronnie. Kaya pa niyang ayusin at husayan,” tila bawi naman niya.

Ano kaya ang reaksyon dito ng Ronnie at ng Star Magic? In fairness, hindi kinol-out ni Ogie ang acting ni Loisa, ha. Meaning, pasado ito sa kanya.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.