“Nag-deliver lang ako ng premiere night invites kay Mayor Joy [Belmonte],” panimulang biro sa amin ni Direk Darryl Yap nang makausap namin siya over the phone matapos ang kanyang courtesy visit kay Mayor Joy Belmonte sa mayor’s office nito sa Quezon City Hall.
Naganap ang kanilang pagkikita kaninang alas diyes ng umaga, July 26. Makikita sa larawang ipinost sa VinCentiments page na naging maayos ang kanilang pagkikita.
the seal, the mayor, the director #MiMpremierenight JULY 29 • SM NORTH EDSA • THE BLOCK QUEZON CITY #MAIDinMALACAÑANG AUGUST 3 • CINEMAS WORLDWIDE
Posted by VinCentiments on Monday, July 25, 2022
Sa SM The Block in Quezon City kasi gaganapin ang red-carpet premiere ng Maid in Malacañang this Friday, July 29, at inaasahang maraming malalaking personalidad from both showbiz and politics ang dadalo. And for this reason, kakailanganin nila ng tulong ng Quezon City government for traffic and security.
Ayon kay Direk Darryl, si Mayor Joy daw ang humiling na magkita sila, via a courtesy call, para mag-usapan ang tungkol doon.
“Si Senator Imee [Marcos] naman and her are very close and si Boss Vic [del Rosario] told me na imbitahin ko, dalan ko ng invitation at mag-usap kami.
“She’s very gracious, ang bait,” papuri ni Direk Darryl sa mayora.
“And sabi naman niya, she knows politics...it’s just that may mga malalapit sa kanya na nag-reak...”
Ang tinutukoy ni Direk Darryl ay ang kontrobersyal na content niya noong nakaraang kampanya, kung saan na-spoof ang mayora as Mayor Ligaya Delmonte at ang maging ang QC seal ay na-parody din.
Dahil dito idineklarang persona non grata ng Quezon City Council si Direk Darryl Yap, together with Kapuso comedienne Ai-Ai delas Alas (na siyang gumanap sa parody character ni Mayor Joy).
Resulta ito ng resolusyong inihain ni then outgoing District IV Councilor Ivy Lagman na nag-ungat nga sa nasabing video kung saan pinaratangan niya sina Direk Darryl at Ai-Ai ng paglapastangan sa official seal ng lungsod sa pamamagitan ng paggamit ng minanipulang imahe ng official seal ng Quezon City.
“But she told me she’d see what she can do about the persona non grata thing,” dagdag ni Direk Darryl.
“But she’s coming to the premiere along with her councilors,” dagdag pa niya. “And she assured me na magpapadala siya ng security kasi the premiere is gonna be a big event that’s happening in Quezon City.”
Biniro rin daw niya ang mayora na gumawa sila ng content at game naman daw ito.
When asked kung okay na rin kaya si Ai-Ai delas Alas na siyang nag-spoof kay Mayor Joy sa naging kontrobersyal na video...
“Ay, hindi namin napag-usapan. Mabilis lang kasi ang pag-uusap namin. Siguro mga one hour lang.”
So, there.
YOU MAY ALSO LIKE:
Kampo ni Ai-Ai delas Alas, kinundena ang pagdeklara sa kanya sa Quezon City bilang persona non grata
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber