Aminadong kinilig si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa surprise and heartwarming video greeting mula sa aktres na si Kathryn Bernardo para sa kanyang nalalapit na laban sa finals ng Miss Universe pageant sa Hollywood, Florida, USA.
Nauna nang nagpaabot ng kanilang suporta ang #AshMatt couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Pinay beauty queen, maging ang Thai actor-model na si Mario Maurer. This time, ang Box Office Queen na si Kathryn Bernardo naman ang nagbigay ng mensahe kay Rabiya.
Si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ang naging tulay para sa video greeting na ‘yon ni Kathryn na ipinanood n’ya naman kay Rabiya during their virtual tsikahan kahapon, May 12.
Sey ni Kath kay Rabiya sa video, gusto daw n’ya gawing “extra special” ang magiging interview ni MJ sa kanya sa pamamagitan ng nasabing video at para i-boost pa ang kanyang confidence.
“Hello, Rabiya. This is Kath,” panimula ng Kapamilya actress. “MJ told me that she will interview you so I just want to make it extra special by saying hi and by saying congratulations for everything that you’ve done”
Pagpaptuloy n’ya, “I know there’s a lot of pressure for the upcoming pageant but know that the whole Philippines, every Filipino will be cheering for you on that day.
“And ngayon pa lang we’re very, very proud of you so whatever happens proud kami sa ‘yo.
“And we wish you all the best,” dagdag pa ni Kath. “Just be you. Just enjoy the journey and kami na ang bahalang mag-cheer sa’yo dito.
“Good luck sa’yo. I hope to meet you in person and God bless you more. Congratulations in advance,” pagtatapos n’ya.
Kinilig naman ang pambato ng Pilipinas sa mensahe ni Kathryn.
“Oh my God! MJ, na-shock ako,” masayang pahayag ni Rabiya kay MJ. “Naku, nakakakilig naman ‘yon. Di ko ‘yon expected.”
Nagbigay din s’ya ng compliment sa aktres bilang ganti sa magaganda nitong sinabi para sa kanya.
“She’s very beautiful and what I like about her is that she’s genuine and mahal na mahal n’ya din ‘yong fans n’ya. And sana makita ko s’ya in person. Maraming salamat po for that sweet message,” lahad ni Rabiya.
Ipinost rin ni MJ ang nasabing video sa kanyang Twitter account at nanawagan sa publiko na patuloy na suportahan si Rabiya.
“Labanan nyo ang surprise video ko for Rabiya hahaha!” she wrote. “Kinilig nanaman sya eh. Go Philippines!!!
“Let’s bayanihan and vote for Miss Philippines on the Lazada app guys,” MJ concluded.
Labanan nyo ang surprise video ko for Rabiya hahaha! Kinilig nanaman sya eh 😻😂 Go Philippines!!! Let’s bayanihan and vote for Miss Philippines on the Lazada app guys ❤️❤️❤️❤️🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭✨✨✨✨✨✨ pic.twitter.com/Dx9pqdcLGu
— MJ Lastimosa (@MJ_Lastimosa) May 12, 2021
Anyway, sa May 13 (May 14 sa Pilipinas), gaganapin ang national costume competition. Naka-schedule naman ang preliminary competition on May 14 (May 15 sa Pilipinas) habang ang finals naman ay sa May 16 (May 17, Philippine Time).
Kung papalarin, si Rabiya ang magiging ikalimang Miss Universe winner mula sa Pilipinas.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber