Rabiya Mateo, kinontra ng nagpakilalang kapatid ng ex-boyfriend niya; "You never rejected my brother’s proposal."

"You never rejected my brother’s proposal. In fact, you accepted it and wore the ring before your pageant started internationally," pahayag ng nagpakilalang kapatid daw ni Neil Salvacion na dating boyfriend ni Rabiya Mateo.

PHOTOS: @neilows and rabiyamateo on Instagram

"You never rejected my brother’s proposal. In fact, you accepted it and wore the ring before your pageant started internationally," pahayag ng nagpakilalang kapatid daw ni Neil Salvacion na dating boyfriend ni Rabiya Mateo.

Pinagpipiyestahan ng mga netizens ngayon ang Facebook post ng nagpakilalang kapatid ni Neil Salvacion, ang dating nobyo ni Rabiya Mateo.

Nakasaad kasi sa FB post nito ang pagkontra sa mga sinabi ng beauty queen-turned-actress nang mag-guest ito sa Fast Talk With Boy Abunda nitong February 21.

Sa nasabing show kasi ay ipinagtapat ni Rabiya na inalok na daw siya noon ng kasal ni Neil noon pero tinanggihan niya iyon. 

Aniya, "I was so young at that time. I wasn’t ready."

Bilang breadwinner ng kanyang pamilya, inuna daw niya ang kapakanan ng kanyang nanay at mga kapatid. 

"I have a lot of dreams for my family. And during that time, he was ready to settle na ’cause feeling n’ya, okay na s’ya sa buhay," kuwento pa ng Ilongga actress-TV host kay Tito Boy 

"Pero ako, I wanna aspire to be more. So, doon kami nagkaroon ng conflict."

Ayaw daw niyang takasan ang responsibilidad niya sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pag-aasawa.

"So, ako po ’yong breadwinner, e. Dahil wala akong dad, parang nasa akin ang lahat ng responsibilidad na ’yon. Hindi ko pa kaya maiwan 'yon [responsibilities] para mag-asawa," paliwanag pa niya. 

Dahil dito ay nauwi raw sa hiwalayan ang pitong taon nilang relasyon, at kinumpirma ito ni Rabiya ilang araw matapos siyang sumabak sa Miss Universe 2020 pageant.

Pero lumitaw kahapon, February 22, ang FB post mula sa isang nagngangalang "Nhel Ski" at nagpakilala itong kapatid daw ni Neil Salvacion. 

Kinontra ni Nhel Ski ang mga inilahad ni Rabiya ukol sa breakup nila ni Neil, na kanya umanong kapatid.

"Nako! Ate. There’s always an option. To answer a question truthfully or to spill the tea with a fib," maanghang na panimula nito sa kanyang FB post.

Ayon pa sa kanya, totoong nag-propose na noon ng kasal si Neil kay Rabiya at tinanggap umano iyon ng dalaga, taliwas sa mga sinaad nito kay Boy Abunda.

"In addition. I’d like you to pay attention to this. You never rejected my brother’s proposal. In fact, you accepted it and wore the ring before your pageant started internationally," pagsisiwalat nito. 

Ang totoo daw ay may nagawang pagkakasala ang Ilongga beauty habang sumasabak ito sa beauty pageant na naging rason daw sa breakup nila ni Neil. Kung ano ang pagkakasalang ito ay hindi na niya idinetalye.

"Something happened along the way and you opted to commit a sin during the pageant and you have to own up to that," akusa nito kay Rabiya.

Pasalamat na lang daw ang aktres dahil mas pinili umano ni Neil na huwag na lang magsalita. 

"You’re lucky na mas gustong manahimik ng kapatid ko kesa patulan ang mga scripted na sagot mo," pagtatapos nito.

Bukas ang pikapika.ph sa panig ni Rabiya hinggil sa isyung ito.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Rabiya Mateo, umamin sa tunay na dahilan ng break up nila ng non-showbiz ex-boyfriend na si Neil Salvacion noong 2021

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, muling nag-"I love you" sa isa't isa

Rabiya Mateo, deadma muna daw sa lovelife; “Once na nadapa ka, bumangon ka at magpaka-busy ka.”

Netizens, dismayado sa umano’y pang-gagamit ng ex-boyfriend ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion sa beauty queen sa pangarap nitong makapasok sa PBB House

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.