Rabiya Mateo matapos ang Miss Universe competition: “It was such a beautiful moment to represent you, Philippines.”

PHOTOS: @rabiyamateo on Instagram

PHOTOS: @rabiyamateo on Instagram

Positibo pa rin ang disposition ni Rabiya Mateo na bagama’t natalo sa recently concluded Miss Universe pageant ay itinuturing n’ya itong isang magandang karanasan.

Sa kanyang Instagram post kagabi, May 17, sinabi ng 24-year-old beauty queen na isang karangalan ang maging kinatawan ng Pilipinas sa international competition. 

“It was such a beautiful moment to represent you, Philippines. I am forever honored to be part of the legacy, of our history,” pahayag ni Rabiya. 

Aniya, ibinigay n’ya ang lahat ng kanyang makakaya sa prestigious beauty contest. 

“In my heart, I did everything I can. I trained really hard to be physically fit,” lahad ng lecturer-turned-beauty queen. 

“I would have sleepless nights trying to read articles to be updated. I made a lot of sacrifices people cant sometimes see. Early call time. Late night rest. Trying to be sane and motivated.”

Dagdag pa n’ya, “It was a challenge but it made me so much stronger everyday.”

Pinasalamatan din n’ya ang mga sumuporta sa kanyang pageant journey lalo na si Miss Universe Philippines Creative Director Jonas Gaffud.

”Salamat mga kababayan! Mahal ko kayo!” saad ng Ilongga beauty queen. 

“I also wanna say thank you to my creative director  @jonasempire.ph. I know how much you’ve sacrificed for me. I love you Mama J!” pagtatapos ni Rabiya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Kahapon, May 17, matagumpay na nakalusot sa Top 21 ng Miss Universe si Rabiya base sa kanyang naging performance during the preliminary round. Dahil dito ay nakapagpakitang gilas pa si Rabiya sa swimsuit competition. 

However, hindi na s’ya umabante pa sa Top 10 na para sana sa evening gown competition kaya hindi na n'ya nairampa ang Sarimanok-inspired gown na likha ng Dubai-based designer na si Furne Amanto.

Sa huli, ang pambato ng Mexico na si Andrea Meza ang kinoronahang Miss Universe 2020.

Bagama’t hindi naiuwi ang inaasam na ikalimang Miss Universe ng Pilipinas, naipagpatuloy ni Rabiya ang unbreakable semi-final inclusion streak ng bansa sa nasabing beauty pageant na sinimulan ni Venus Raj way back in 2010.

Sey pa n’ya sa kanyang IG post ngayong araw, May 18, “My Miss Universe journey has ended. I just finished one beautiful chapter. Now, I’m excited to write a new one. More blessings to receive! More people to inspire!”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bilin ni Shamcey Supsup kay Rabiya Mateo: "Don’t think anymore...It’s gonna fly by so fast. So, I just want you to savor every moment in the Miss Universe competition."

Rabiya Mateo, kinilig sa surprise video greeting sa kanya ni Kathryn Bernardo

Manny Halasan, kinikilabutan sa tuwing maiisip na nakapag-collab pa rin sila ng late designer na si Rocky Gathercole kahit papaano para sa national costume ni Rabiya Mateo

Patikim ng international fashion designer na si Furne Amato sa gown na isusuot ni Rabiya sa Miss Universe finals: “[The] gown is like energy. May energy s’ya.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.