Rabiya Mateo, nag-sorry sa mga na-disappoint sa pag-rampa niya sa national costume show ng Miss Universe

PHOTOS: @powerhouseph_ via @rabiyamateo & @pageanttrend on Instagram

PHOTOS: @powerhouseph_ via @rabiyamateo & @pageanttrend on Instagram

Naiyak dala ng halo-halong emosyon si Rabiya Mateo matapos ang ginanap na national costume show ng Miss Universe ngayong araw, May 14.

Sa kanyang Instagram Live kanina, hindi napigilang mapaiyak ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant dahil na-overwhelm daw s’ya sa natatanggap na suporta mula sa Pinoy fans.

Sobrang sarap sa feeling kanina na I was on stage and everybody [was] cheering for me. I know I did my best during the competition,” pahayag ni Rabiya habang nanginginig ang boses. 

“Overwhelmed lang talaga kaya maraming maraming salamat talaga sa lahat ng nagpapakita ng suporta at pagmamahal sa akin.

Humingi rin s’ya ng pansenya sa ilang Pinoy na hindi nagustuhan ang kanyang national costume. 

Kanina kasi, inirampa ng Ilonggo beauty queen ang Philippine flag-inspired costume na ginawa ng late designer na si Rocky Gathercole. May mga nakulangan sa kanyang attire lalo pa’t hindi n’ya naisuot ang headpiece ng jewelry maker na si Manny Halasan

Sabi ko, I’ll do a quick [Instagram] live na I’m so sorry kung na-disappoint man kayo sa’kin,” umiiyak na pagso-sorry ni Rabiya. “But I know I did my best.”

Ibinahagi n’ya rin ang mga naranasan n’ya sa backstage bago magsimula ang show. 

“I even cut my finger earlier and ‘yong stockings ko puno na din s’ya ng dugo,” lahad n’ya. “But I kept fighting kahit wala ng oras. I didn’t have much time to retouch my hair, to retouch my make-up. 

“I was there running for pins. I was running for scissors, for everything just to be able to execute the costume really well.”

Gayunpaman, na-enjoy daw n’ya ang pagrampa sa Miss Universe stage.  

“And I think in myself kanina, I felt really great. Feeling ko nu’ng naglalakad ako I was so beautiful,” aniya. “Nakita ko ‘yong cheer ng mga judges, nakita ko ‘yong sigawan ng mga Pilipino kaya nagpapasalamat talaga ako sa suporta. Thank you so much, guys.”

Humingi rin s’ya ng dasal para maging maayos ang performance nila bukas sa preliminary competition lalo na’t scored event ito sa Miss Universe kung saan kukunin kung sino-sinong kandidata ang papasok sa Top 21. 

“Tomorrow may competition pa tayo. Malaking laban ulit kaya’t ipagdasal n’yo sana kaming lahat na mga girls to execute ‘yong pinaka best performance na kaya namin. Because our goal really is to make our countries proud,” panawagan ni Rabiya. 

Kaya sana, sana maging proud din kayo sa akin kasi it’s never easy pero kinakaya ko para sa inyong lahat,” pagtatapos n’ya with matching flying kiss. 

Sey pa n’ya sa kanyang latest IG photo wearing her national costume, “Tonight was a good night. I had fun. That’s what really matters.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

To the rescue naman si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimo kay Rabiya na present mismo sa venue at napanood ng live ang national costume competition. 

“Mabigat ang head dress mga besh okay lang yun wag isacrifice ang performance sa stiff neck lolz. Ang mahalaga bongga sya,” ani MJ sa kanyang Twitter post. 

Sa kasunod n’yang tweet, sinabi n’yang mas mahalaga ng preliminary at doon daw totodo si Rabiya. 

“21kls yun pakpak mga mars kalma lang kayo,” sayaw n’ya sa netizens. “She carried it like it’s feather weight. Dami parin hanash haaaa. Dun tayo sa prelims totodo”

Sa interview naman ni ABS-CBN reporter MJ Felipe kay Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup, sinabi ng former beauty queen ang dahilan kung bakit hindi naisuot ni Rabiya sa kanyang pagrampa ang headpiece ni Manny Halasan. 

“I’m pretty sure alam n’yo naman na I brought the headdress, the headpiece for Rabiya but unfortunately she couldn’t…nahuhulog,” paliwanag n’ya. 

“So it was hard for her to wear it so we decided na kung saan s’ya mas komportable because mabigat na rin kasi ‘yong wings n’ya in the first place.”

Ikinalulungkot man daw nila ang nangyari, satisfied naman sila sa naging performance ni Rabiya.  

“So we’re so sad na hindi nasuot na hindi nasuot [ang Manny Halasan headpiece] but still Rabiya was able to give us a powerful performance,” pagtatapos ni Shamcey. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bilin ni Shamcey Supsup kay Rabiya Mateo: "Don’t think anymore...It’s gonna fly by so fast. So, I just want you to savor every moment in the Miss Universe competition."

Rabiya Mateo, kinilig sa surprise video greeting sa kanya ni Kathryn Bernardo

Thai actor Mario Maurer, may “good luck” message para kay Rabiya Mateo sa Miss Universe; Rabiya, hindi napigilang mag-fangirl

Manny Halasan, kinikilabutan sa tuwing maiisip na nakapag-collab pa rin sila ng late designer na si Rocky Gathercole kahit papaano para sa national costume ni Rabiya Mateo

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.