Rabiya Mateo, sumagot sa pambu-bully sa kanya ng mga Indonesian pageant fans dahil sa isang kumalat na edited video niya

PHOTO: @rabiyamateo on Instagram

PHOTO: @rabiyamateo on Instagram

In-address ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang pageant fans matapos umano siyang makatanggap ng mga pambu-bully sa social media. 

Nag-ugat diumano ito sa clip mula sa naging interview ng Pinay beauty queen with pageant vloggers para sa Critical Beauty Salon YouTube channel na in-upload last December 12. 

Sa naturang video, isa sa napag-usapan ang kagustuhan ni Rabiya na maging artista someday at gumanap na isang kontrabida dahil challenging daw ‘yon para sa kanya. 

Pinag-sample pa si Rabiya ng isa sa mga pageant vloggers at binigyan ng scenario kung saan nanalo kunwari s’yang Miss Universe pero nagprotesta daw ang kanyang first runner-up. 

Um-acting naman ang 24-year-old Ilongga beauty queen. Sadly, ito ang portion ng interview na kinuha at ikinalat ng haters at bashers ng dalaga na napag-alamang mula sa Indonesia. 

To the unfamiliar, matagal nang matindi ang rivalry sa pagitan ng mga Filipino at Indonesian pageant fans. 

Dahil nga wala doon ang kabuuang context ng interview at pinalabas pa na hindi maganda ang pag-uugali ni Rabiya, pinagpiyastahan iyon sa mga pageant pages sa Indonesia. 

Kaya naman sa kanyang series of Instagram Stories ngayong araw, December 15, binigyang linaw ni Rabiya kung ano ang buong nangyari sa portion na ‘yon ng interview.

“This needs to stop,” panimula n’ya sa kanyang IG story. “This video was cut and some people are making issues out of this and trying to bully me in IG.

“In the first part of the video which was not included here we talked about the fact that Im gonna accept any role in the future I wanted to be an antagonist because I really wanna challenge myself,” paliwanag ni Rabiya.  

“The host gave me a situation and I had a disclaimer that this is just a role before and after this video which was also cut. 

SCREENSHOT: @rabitamateo on Instagram

“I have never done anything to discredit or insult other candidates but putting words in my mouth and creating problems out of nothing is just toxic and it has to stop,” frustrated ba pahayag pa n’ya. “No one should be bullied even public figures because that is unkind and pure evil.

Pinaalalahanan din ng lecturer-turned-beauty queen ang mga pageant fans na p’wede namang sumuporta sa kani-kaniyang kandidata nang hindi nang-aapak ng ibang tao. However, nilinaw niya na wala naman daw s’yang galit sa mga Indonesian fans in general.

“We can support our own candidates without destroying others. This needs to stop. I have nothing but love and admiration for Indonesians.” 

SCREENSHOT: @rabiyamateo on Instagram

Dagdag pa ni Rabiya: “Pageants should be fun. We need to create a positive image in empowering women. I know bashers will always be there but can we not normalize things that are evil and not right?

“Hatred is an acquired behavior. We can surely unlearn it and start doing the right thing,” pagtatapos n’ya.

SCREENSHOT: @rabiyamateo on Instagram

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

LOOK: MUP 2020 Rabiya Mateo “paints the town red” in her Iloilo homecoming

MUP 2020 Rabiya Mateo on her boyfriend of six years: “He just made me promise not to leave him. And I’m gonna do my best to fulfill it.”

MUP 2020 Rabiya Mateo on bashers calling her “retokada”: "Stop calling anyone ugly. If that's how you see things and maybe then, it's your soul that needs a surgery.”

Patricia Javier to MUP 2020 Rabiya Mateo: "Even [if] we don’t know each other personally yet but I can feel you're a good soul."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.