Rafa Siguion-Reyna, recording artist na

PHOTOS: Melo Balingit

PHOTOS: Melo Balingit

Kahapon, July 11, pumirma ng recording deal ang TV/movie/theater actor na si Rafa Siguion-Reyna.

Ayon mismo kay Rafa, nagulat siya nang latagan siya ni Boss Vic del Rosario ng Viva Commications, Inc. ng offer na maging recording artist. Ito ay matapos siyang mapanood nito sa kanyang performance sa Huling El Bimbo (The Musical) na kasalukuyan pa ring itinatanghal sa Newport Performing Arts Theater Resorts World Manila (up until August 15).

“Ang bilis nga,e,” tila amused na tsika ni Rafa sa pikapika. “Parang last week I found out they’re interested doing a deal and then ang bilis nila agad gumalaw in terms of a contract which is nice. And I appreciate it. It shows on their part that they’re interested. It’s a good experience. I’ve been working with them now for the past year as an actor. In terms of my projects with Viva, I’m very happy. They took good care of me. So I’m very happy to be here.”

Bagama’t nakagawa na ng ilang pelikula (Hari ng Tondo in 2014; Historiographika errata in 2017; and Goyo in 2018) at naging bahagi na rin ng ilang TV dramas (Rhodora X,  Niño, Vampire ang Daddy Ko, and Kambal Karibal with GMA-7; and Nang Ngumiti ang Langit with ABS-CBN), sa theater acting talaga naging bihasa si Rafa. 

Ilan sa mga nagawa na niya ang Grease, La Cage aux Folles, Maynila sa mga Kuko ng Liwanag The Musical, Edgar Allan Hemingway, Baka Naman Hindi, at ito ngang Huling El Bimbo The Musical.

Pero aminado si Rafa na dancing ang first love niya kesa singing. Kahit pa kilala sa mundo ng musika ang iconic lola niyang si Madame Armida Siguion-Reyna (ng Aawitan Kita).

Pero nang maging part na ng mga musicals, lalo na itong Huling El Bimbo, nahasa na raw siya nang nahasang kumanta at enjoy na enjoy na niya ngayong kumanta. Kaya nga happy si Rafa na record deal ang in-offer sa kanya ng Viva, bukod pa sa managerial contract under Viva Artists Agency na pinirmahan niya rin kamakailan.

Rafa (center) with Viva Communications, Inc. Chairman Boss Vic del Rosario (left) and Verb del Rosario (right), Viva’s Executive Vice President for Music Group. 

 

Right after ng pirmahan ng kontrata kahapon ay binigyan na agad si Rafa ng ilang kantang pag-aaralan at pagpipilian para i-record at i-release sa mga digital platforms. Pero personally, type niya ang mga rock song or slow rock gaya ng mga kanta ng Eraseheads, River Maya, at Bamboo.

“’Yong mga rakrakan songs na masayang ikanta with your friends or hanging out,” say ni Rafa. “So I would say, I think I enjoy rock.”

Rafa plays both the guitar and the piano pero “pampa-pogi” lang daw ang level na alam niya sa piano. Mas magamay daw niya ang gitara kaya p’wede rin siyang mag-ala John Mayer, ang American singer-songwriter na nagpasikat ng “Your Body is a Wonderland.”

Asked if he could also write songs, Rafa says: “Yeah meron din, I have some songs din na pero as of now, they’re just in my back… hindi ko pa siya nailalaro in terms of to record. But I’m open to that when I’m ready. I think I can now that we this contract parang I’m maybe more motivated to write again.”

Sa ngayon ay tinatapos lang ni Rafa ang commitments niya sa Huling El Bimbo. By then, makaka-focus na siya sa pagre-recod ng songs and hopefully, makagawa ng movie or TV projects.

Bilang suporta, kasama ni Rafa during the contract-signing ang parents niyang sina Direk Carlitos Siguion-Reyna at screenwriter-actress Bibeth Orteza (both not in photos), na gaya ni Rafa ay mukang may niluluto ding projects sa Viva

 

Meantime, you can get to more more about Rafa through his social media accounts: @rafasreyna on Twitter and Instagram and Rafa Siguion Reyna on Facebook.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Indie pop band The Bed Bites signs with Viva Records

Meet the Cebuana singer Raphiel Shannon

Sue Ramirez returns to first love after nine years

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.