Rapper-actor Pio Balbuena, adbokasiyang tulungan ang mga talented tambays; “Hindi lahat ng tambay walang mararating.”

Matagal-tagal na ring nasa showbiz industry ag rapper na si Pio Balbuena at dahil napasok na rin niya ang acting, ina-apply daw niya ngayon ang lahat nang nao-obserbahan niyang teknik sa pagdi-direk sa binuo niyang Tambay Serye na click na click sa masa. “Nandu’n ako sa point na gusto ko naman tumulong doon sa iba lalo sa mga tambay. ’Yon talaga ’yong advocacy ko, e… ’yong mga tambay na hindi nabibigyan ng pagkakataon na mailabas ’yong talent nila, ’yong mga wala talagang pagkakataon kasi nga ganu’n lang ang hitsura nila...’Yong walang masyadong opportunity sa ’yo kasi wala kang magandang damit, kasi hindi ka pang-artista, hindi ka p’wede sa ganitong industriya. Ibibigay ko ’yong pagkakataon na ’yon sa mga talented naman na mga tambay.”

PHOTOS: @piobalbuena

Matagal-tagal na ring nasa showbiz industry ag rapper na si Pio Balbuena at dahil napasok na rin niya ang acting, ina-apply daw niya ngayon ang lahat nang nao-obserbahan niyang teknik sa pagdi-direk sa binuo niyang Tambay Serye na click na click sa masa. “Nandu’n ako sa point na gusto ko naman tumulong doon sa iba lalo sa mga tambay. ’Yon talaga ’yong advocacy ko, e… ’yong mga tambay na hindi nabibigyan ng pagkakataon na mailabas ’yong talent nila, ’yong mga wala talagang pagkakataon kasi nga ganu’n lang ang hitsura nila...’Yong walang masyadong opportunity sa ’yo kasi wala kang magandang damit, kasi hindi ka pang-artista, hindi ka p’wede sa ganitong industriya. Ibibigay ko ’yong pagkakataon na ’yon sa mga talented naman na mga tambay.”

Nasa punto ng buhay at career n’ya ngayon ang rapper-actor and record producer na si Pio Balbuena na mag-give back sa mga tambay na nangangarap umasenso sa buhay. 

Iyan ang inilahad n’ya sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph kamakailan. 

Minsan din naman daw siyang naging tambay kaya lang ay may sumugal sa kanyang talento at ’yun din daw ang kailangan ng mga kakilala niyang tambay, ang mabigyan din ng break sa buhay, not necessarily sa showbiz kundi maging sa negosyo at iba pang trabaho.

Doon niya naisip na bumuo ng Tambay Serye sa Facebook at YouTube, kung saan lumilikha at nagdi-direk siya ng mga situational short films na mga ka-tambay niya at siya ang bida.

Matagal-tagal na rin kasi s’yang nasa showbiz industry at dahil napasok na rin niya ang acting, ina-apply daw niya ngayon ang lahat nang nao-obserbahan niyang teknik sa pagdi-direk sa binuo niyang Tambay Serye na click na click sa masa.

Nandu’n ako sa point na gusto ko naman tumulong doon sa iba lalo sa mga tambay. ’Yon talaga ’yong advocacy ko, e… ’yong mga tambay na hindi nabibigyan ng pagkakataon na mailabas ’yong talent nila, ’yong mga wala talagang pagkakataon kasi nga ganu’n lang ang hitsura nila,” lahad ni Pio.

Kasi galing po ako doon, e,” dagdag niya. “’Yong walang masyadong opportunity sa ’yo kasi wala kang magandang damit, kasi hindi ka pang-artista, hindi ka p’wede sa ganitong industrya. Ibibigay ko ’yong pagkakataon na ’yon sa mga talented naman na mga tambay.

Pangarap din daw niyang isabak sa mainstream ang kanilang Tambay Serye and consequently pati siya ang maging mainstream director na rin. Pero hinay-hinay lang daw muna.

Parang okey pa muna kami ngayon, e, sa ganun,” aniya about their short films.

Ngayon, ’yong mainstream, ’yon nga po, gusto ko talaga ’yan kasi ’yon nga po ang dream namin, e. Actually, p’wede naman po ako mag-pitch sa mga kaibigan ko na parang pamilya ko na sa Vivamax, sila Boss [Vic]. Hindi ko rin po magawa dahil ayokong mapahiya,” saad n’ya. 

Pero gusto ko po talaga. ’Yon nga po ang goal ng Tambay [series] ngayon, e. From Tambay to Vivamax o kaya from Tambay to Netflix. Definitely, magkakaroon po. May mga for pitch na kami.” 

Dahil sa kanyang mga nabanggit, natanong namin s’ya kung may pressure ba on his part na balansehin ang “angas” ng kanilang content at ang mensahe ng positivity.

‘Yon po ang ginagawa namin ngayon sa Tambay, ’yong hindi habambuhay, e, nand’yan ka sa rurok. Hindi lahat ng tambay walang mararating,” pagbibida ni Pio.

“’Yon po ’yong pinu-push namin sa Tambay Serye,” patuloy niya. “Na kung walang mabigay sa’yo na trabaho at wala talagang tumatanggap sa’yo, tinalikuran ka na ng sistema dahil tambay ka at hinuhusgahan ka dahil sa napakadaming tattoo, hindi naman p’wede na ikakandado mo ’yong sarili mo na doon na lang ang buhay mo. ‘E, kasi wala naman naniniwala sa akin.’ 

Doon sa Tambay Serye nilalabas naming ’yong maraming opportunities lalo na ngayon sa mundo ng social media. P’wede ka magnegosyo. P’wede mo abutin ang lahat sa buhay kahit na ikaw lang. Basta ang importante hindi ka titigil mangarap dahil hindi habambuhay talagang tambay ka.

At dahil sikat na nga ang Tambay Serye, naisip din ni Pio na gawin ng brand ang Tambay. Kaya’t sinisimulan na niyang mag-manufacture ng mga Tambay merchandise starting with Tambay caps, the samples of which ay makikitang palagi niyang suot sa Tambay Serye. Kumbaga, siya na mismo ang maker at endorser nito.

Kung tutuusin ay p’wede niyang solohin ang negosyo dahil siya naman ang creator. Pero naniniwala si Pio na ang true success ay name-measure sa dami natutulungan.

’Yong hiphop caps na ’yon ang magbibigay ng opportunities sa lahat ng tambay sa buong mundo na walang pagkakataon...Uso kasi ngayon sa vintage caps ’yon, e. Umaabot ng P800,000 ang isang sumbrero dahil sa sobrang luma, ’yong mga Raiders [caps]?

“So, sa akin, nagi-start ’yong cap namin ng P1,300 hanggang sa tumataas ’yong resale value ng P5,000 isang cap. Sabi ko, instead ako lang ’yong makinabang dito at kumita, bigay ko sa Team Tambay pati sa lahat tambay sa buong mundo na walang pagkakataon na mag-negosyo.

“Suot ko naman lagi so sagot ko na ang branding and marketing, sila ngayon ang magtitinda. Gusto ko na lahat ng walang trabaho na mga tambay, ’yong mga hindi natatanggap sa trabaho, maging mayaman gamit ’yong produkto na ginawa ko, ’yong Tambay cap.”

Ayon pa kay Pio, magla-lie low muna siya sa paggawa ng kanta at magpo-pokus sa acting at sa kanilang Tambay Serye.

Sa ngayon ay kabilang si Pio sa pelikulang Sitio Diablo kasama na pinagbibidahan nina Kiko Estrada at AJ Raval. Maangas na tambay ang role niya dito. Isang gangster na aligagang manapok na maning-mani lang niyang ipinortray. Mahusay na aktor si Pio at may mata din sa directing. Kaya hindi na nakapagtatakang kinai-inlaban niya ngayon ang filed na ito.

Kasalukuyan nang streaming ang madugong Sitio Diablo sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Alamat, ALLMO$T, HOOD 047 and more headline Viva Music’s new releases this week

AJ Raval on pregnancy issue: “Not true.”

Zeyonce, Angelo Garcia, and the Sitio Diablo OST (featuring Because, Just Hush, Cean Jr., Pio Balbuena, and more) headline Viva Music’s new releases this week

Hiphop superstars Because, JUST HUSH, Cean Jr. make acting debut on Sitio Diablo, joining their peer Pio Balbuena

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.