Rayver Cruz, ipinasilip ang bagong bahay na regalo sana niya sa yumaong ina

PHOTOS: @rayvercruz on Instagram

PHOTOS: @rayvercruz on Instagram

Bonggang Christmas gift ang iniregalo ni Kapuso actor Rayver Cruz sa sarili na bunga ng kanyang pagsusumikap sa showbiz. 

At isang linggo nga bago mag-Pasko ay ipinasilip n’ya ito sa kanyang mga fans and followers sa social media. 

Nitong Sabado lang kasi, December 19, nag-post ang actor-dancer ng series of photos sa kanyang Instagram kung saan makikita ang isang brand new house na modern ang pagkaka-disenyo.  Makikita ring hindi pa ito fully furnished. 

Sa kanyang post, he dedicated the house to his late mom, Mama Beth who died last year due to pancreatic cancer. 

“'Tis the season to be jolly,” sey ng All-Out Sundays regular performer sa kanyang post. “This is for you mama, I miss you so much.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

On that same day, nag-post din ang kuya n’yang si Rodjun Cruz sa Instagram para i-congratulate s’ya and to express how happy and proud he is sa achievement ni Rayver. 

“Sobrang saya ko para sayo bro @rayvercruz!” sey ni Rodjun sa kanyang post. “Proud na proud kaming lahat sa iyo at sigurado ako na mas lalo sila Mama at Papa in Heaven.”

Dagdag pa nito: “Deserve mo lahat ng blessings na dumadating sa Buhay mo at alam kong Tuloy Tuloy at mas madaming blessings pa ang darating sa iyo, Dahil bukod sa Napakasipag mo ay napakabuti mong tao. I Love you King.”

Nagkaroon din ng nakakaaliw na TikTok dance paandar ang magkapatid na aktor sa harap ng nasabing bagong bahay at ipinost ito ni Rodjun sa kanyang social media last Sunday, December 20. 

Sabi n’ya: “Siyempre hindi pwedeng wala tayong TikTok dance sa New House mo hehe! Congratulations my brother King @rayvercruz!”

Dinagsa din ang IG post ni Rayver ng mga congratulatory messages mula sa mga celebrities na malalapit sa kanya. 

SCREENSHOT: @rayvercruz on Instagram
SCREENSHOT: @rayvercruz on Instagram
SCREENSHOT: @rayvercruz on Instagram
SCREENSHOT: @rayvercruz on Instagram
SCREENSHOT: @rayvercruz on Instragram

Congratulations, Rayver!

 

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Palawan birthday trip ni Janine Gutierrez, plinano pala ng bf na si Rayver Cruz at sister niyang si Max

Pika's Pick: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz start filming their upcoming movie "Torpedo" in Samar

Ex ni Sarah Geronimo na si Rayver Cruz, close kay Matteo Guidicelli; a-attend daw siya AshMatt wedding

Rayver Cruz says his piece on Janine Gutierrez’s viral tweet on Bong Revilla’s television comeback

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.