Rayver Cruz, kinabahan sa first-ever eksena nila ni Christopher de Leon na lolo ng nobya niyang si Janine Gutierrez

“Sobrang good experience. Sobrang solid na experience to be alongside o na maka-eksena mo man lang ’yong isa sa mga iniidolo mo, ’di ba? The best ’yon.”—Rayver Cruz on having worked with his idol, Christopher de Leon

PHOTOS: @rayvercruz & @sgt.pepper8 on Instagram; INSET: @janinegutierrez on Instagram

“Sobrang good experience. Sobrang solid na experience to be alongside o na maka-eksena mo man lang ’yong isa sa mga iniidolo mo, ’di ba? The best ’yon.”—Rayver Cruz on having worked with his idol, Christopher de Leon

Inamin ni Kapuso actor Rayver Cruz na kinabahan daw s’ya sa naging eksena nila Christopher de Leon sa pelikulang On the Job: The Missing 8 (2021), ang sequel ng On the Job (2013) ni Direk Erik Matti.

Natanong kasi tungkol dito si Rayver sa kanyang virtual press conference kahapon, September 9, after n’yang mag-renew ng contract sa GMA Artist Center. 

At ayon nga sa multi-hyphenate celebrity, kinabahan daw s’ya sa first-ever acting experience niya with the Christopher de Leon.

Maliban kasi sa lolo ito ng nobya n’yang si Janine Gutierrez ay idolo daw talaga n’ya ang tinaguriang “Drama King” ng local entertainment industry.

Kinabahan po ako kasi, s’yempre, si Sir Christopher de Leon ’yon,” natatawang lahad ni Rayver sa press via Zoom.

“If I remember, may batuhan kami ng lines. Sakto ’yong haba ng eksena pero medyo marami din akong sinasabi. Tapos ’di pa nagsa-start ’yong take kinakabahan na ako. Feeling ko magkakamali ako,” natatawa pa ring pagpapatuloy n’ya.

Hindi naman daw mahirap ka-eksena si Boyet [nickname ni Christopher] kaya hindi rin nagpatalo sa kanyang kaba ang Kapuso hunk. 

Sobrang bait ni Sir Christopher de Leon. As in, parang tropa lang,” saad n’ya. 

Pero hindi ko pinapahalata na…Ang bilis na ng tibok ng puso ko kasi kabado ako. Kasi s’yempre, alam mo na… ’Yan ’yong ano natin, e, kumbaga ’yong mga pioneers natin... nakakakaba.

Rayver went on, “Pero ayon, okey naman. Sobrang good experience. Sobrang solid na experience to be alongside o na maka-eksena mo man lang ’yong isa sa mga iniidolo mo, ’di ba? The best ’yon. 

Naitawid naman. Ano na lang, e, pakapalan na lang talaga ng mukha. Hahaha!”

Kasama rin sa pelikula ang mommy ni Janine na si Lotlot de Leon pero wala daw silang eksena na magkasama. 

Hindi na kami nagkita [sa shoot] kasi ’yong role ko kasi for the second film is para talagang… Mapapanood n’yo naman, e. May connection pa rin [ang character ko] sa first [film],” sey pa ni Rayver. 

Ang On the Job: The Missing 8 ang entry ng Pilipinas sa ginaganap ngayong 78th Venice International Film Festival sa Italy.

At ngayong may bago s’yang kontrata sa Kapuso network, natanong ang 32-year-old talented actor kung ano pang character ang gusto n’yang magampanan sa telebisyon o pelikula kung mabibigyan s’ya ng pagkakataon.  

Parang maganda din mag-action-drama sa GMA kasi magaling din sila sa mga ganu’n,” sagot n’ya. “And siguro, drama na may bali na malayo siguro from Rayver.

Masarap mag-portray ng role na medyo bastos na pangit ang ugali na bad boy pero mamahalin ng tao. ‘Yong ganu’n,” pagtatapos n’ya.

Maliban sa pinagbibidahan nila ni Glaiza de Castro na Nagbabagang Luha na pinapalabas sa GMA Afternoon prime, magsisimula na ring mag-shoot sina Rayver para sa bagong season ng singing competition on TV na The Clash kung saan co-host n’ya si Julie Anne San Jose.

Congratulations, Rayver!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

This is Showbiz Episode No. 31: Rodjun and Rayver Cruz, magkapatid na, mag-best friends pa

Tukso ni Rayver Cruz sa kasintahang si Janine Gutierrez, ito daw ang unang nag-“I love you” sa kanya

Pika's Pick: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz start filming their upcoming movie "Torpedo" in Samar

Diego Gutierrez at Rayver Cruz, kapwa devastated sa pagkamatay ng idolong si Kobe Bryant

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.