Regalong bahay ni Dimples Romana sa loyal kasambahay na si Ate Vi, galing pala sa Oh, My Dad! talent fee

Photos: @dimplesromana | Screengrab from Dimples Romana Official Youtube Channel

Photos: @dimplesromana | Screengrab from Dimples Romana Official Youtube Channel

Ngayong May 5, 2021 ang ika-isang taong anibersaryo o pag-gunita sa pagpapasara at hindi pagbibigay ng Kongreso ng prangkisa sa ABS-CBN.

Isa ang Kapamilya homegrown actress na si Dimples Romana sa mga dumanas ng pangamba noong mga panahong iyon.

Although nagtuloy-tuloy pa rin naman ang mga proyekto niya—including product endorsements—

kahit may pandemic at nawalan ng free-TV access sa ABS-CBN, masakit pa rin para kay Dimples ang sinapit ng TV network na kanyang pinagmulan. At patuloy siyang nasasaktan sa tuwing magbabalik-tanaw sa mga naganap.

“I think, lahat naman kami… lahat tayo, actually. Kasi siyempre, tayo ang magkakasama,” panimula ni Dimples nang makausap namin siya via direct messaging.

Although nanatili siyang Kapamilya, nagpa-alam naman daw siya nang maayos noong tanggapin niya ang alok noon na gawin ang Oh My Dad! sitcom sa TV 5.

Nito lamang April 2021 nagtapos ang Oh My Dad! at halos kasabay nito ay napapanood pa rin siya sa mga ABS-CBN shows tulad ng Huwag Kang Mangamba.

“I was asked by our bosses, ‘Dimples, can you do it’ Ako naman, masunurin. So, sabi ko, ‘Sige po, p’wede naman po,” paliwanag niya sa pagtanggap niya sa TV5 project.

“In fact, when I was borrowed for TV5, I was also afraid. But of course, I was with a lot of our Kapamilya because my director there was Direk Jeffrey Jeturian. Even our producer, even Kuya Ian (Veneracion), we’re all from ABS.

“It really gave me confidence that of course, I’m working with family. Ngayon naman, I’m very happy kasi most of the Kapamilya shows are being shown on TV5.”

Diretsahan naming tinanong si Dimples kung pumasok din ba sa isipan niya na lumipat ng ibang network especially noong mga panahong very uncertain ang lahat.  

But more than transferring, mas pumasok umano sa kanya na mag-semi retire na. Yun nga lang, inisip niya ang mga production staff ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

“Hindi ako masyadong nag-isip noon kung meron ba akong kailangang gawing move. Kasi at that time rin, if you remember, in one of my presscons, I was saying that I’m going to lie-low.”

Natatawang kuwento pa niya: “Napagalitan pa ko ni Kuya Allan (Real, her manager) dahil sinabi ko na magse-semi-retire ako.

Imagine kung gano’n ang way of thinking ko, wala ako do’n sa mindset na yun. Ang mindset ko, ‘Okay, if I’ll semi-retire now, paano naman ang mga taong umaasa sa akin?

“Kasi, I knew that a lot of people we’re gonna lose their job. And I was thinking, baka with the things that I’m doing and the work that I’m doing, baka I can help them. It would open doors for them as well.

“That’s why most of my team naman for my production team are all Kapamilya. So, noong time na ’yun, that was my only concern.”

Ang tinutukoy ni Dimples na production team ay ang mga kinuha niyang taga-ABS-CBN na siyang mga katulong nila ngayon ng asawa niyang si Boyet Ahmee sa pagbuo ng mga online contents. Sa ngayon, bukod sa YouTube Channel ni Dimples na Dimples Romana Official ay mas sarili na ring Channel ang kanyang mister called Papa Boyet.

Dagdag-k’wento pa ni Dimples, kaya rin naman daw niya naisip na mag-semi-retire na noon ay dahil gusto niyang mas mabigyan ng oras ang pamilya niya. Matatandaan na noong 2019 ay ilang beses na-ospital ang kanyang asawa na sa tuwing isusugod sa ospital ay wala siya at nasa trabaho.

But when the pandemic happened, naisip nga ni Dimples na ituloy ang paggagawa ng mga online contents at tumanggap pa rin ng mga trabaho. Aniya, ang pagtangap ng trabaho ang naisip niyang way para din makatulong. 

“Of course, when the pandemic happened, naisip ko na baka mas makakatulong ako kung magta-trabaho pa rin ako, which is true. Kasi, I got to hire at yung mga director, writer ko, they we’re  all Kapamilya and they’re all good with what they’re doing.”

At dito rin inilahad ni Dimples na ang matapang niyang pagtanggap ng proyektong Oh My Dad! ng TV5 sa kabila ng pandemya ay dahil sa may pinaglaanan siya ng kanyang talent fees mula dito.

“That show na ginawa ko sa TV5, ang Oh My Dad! na pinahiram ako [ng ABS-CBN], ’yun ang pinambayad sa bahay ni Ate Vi,” masayang kuwento niya.

Si Ate Vi ang kasambahay nila sa loob ng 17 taon na sinorpresa nilang mag-asawa nang regaluhan ng sarili nitong bahay. Nagsisimula pa lang daw kasi sila ni Boyet sa pagbuo ng pamilya ay kasama na nila ito. 

At nabanggit din ni Dimples na madalas, kahit sa mga desisyon na ginagawa nila tulad ng pagbili ng mga properties, tinatanong daw nila ang opinyon nito.

Sabi pa ni Dimples: “Hindi ko lang kasi na-explain noon kasi, nobody was asking about it. Inisip nila, bakit siya lumabas sa TV5? Bakit niya ginawa ang show na ‘to?

“Ang hindi nila alam, kasi ngayon p’wede ko nang sabihin kasi alam na naman ni Ate Vi. Okay, nagpa-pandemya… hindi ko pa na naibibigay kay Ate Vi ang pangako ko sa kanya long time ago.

“Now, nabigay ko na sa kanya... actually, after no’ng unang lock-in ko, naibigay sa kanya. October ’yun. Kasi, nakuha ko na ang suweldo ko,” saad niya.

Fully-paid daw ang bahay na iniregalo nila sa kasambahay na kapamilya na ang turing nila. Hindi raw kasi mailalagay sa pangalan nito kung hindi niya cash babayaran.

“Fully paid siya kasi, kapag ni-loan ko yun, hindi sa kanya maipapangalan, sa pangalan ko. So, I wanted to make sure na bayad fully.

“At kaya ’yun nabayaran because of Oh My Dad!  Kumbaga, nagdagdag lang ako nang konti kasi maganda ’yung bahay niya. So, nagdagdag lang ako nang konti from some of my branded contents para mabuo ko ang full payment ni Ate Vi.

“Kaya noong time na tinatanong ako, ‘Dimples, bakit ka gumawa?’ Hindi ko masagot kasi, ano ba ‘yun, e, kay Ate Vi na bahay yun.”

Yun daw ang naging motivation niya kung bakit niya pinili pa ring mag-trabaho during pandemic times kahit na may halong-takot kapag nagla-lock-in taping.

“It really felt natural for me because it was a dedicated job for the house of my other family member, which is, Ate Vi,” lahad niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dimples Romana opens restaurant in Singapore

Kapamilya stars and supporters, inalala ang isang taon nang pagkaka-shutdown ng ABS-CBN

Mark Hamill leads Star Wars legends’ “May The Fourth” Quarantune celebration to raise funds for students

Mark Bautista, nagpa-planong gawan ng Part 2 ang kanyang “controversial” book na Beyond the Mark?

Sunshine Dizon, kinilig sa pa-hashtag ng fans na #SunshineDizonAsDrFoster; aniya, “relate” siya sa naagawan-ng-asawa role kung sakaling ialok sa kanya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.