Regine Velasquez, napaiyak sa Unified concert dahil sa pag-aalala sa anak na si Nate

“I also want to say that sa panahon ngayon parang lahat ginagawang joke and it’s very painful. Alam ninyo po, ang kindness libre po. Maybe we should all try compassion. Hindi po yan binibili. It’s free. Pag meron kayong nakitang taong nalulungkot, try to be more compassionate. Hindi po kayo mamatay doon. We all need that.” —Regine

Photos/Videos: Melo Balingit

“I also want to say that sa panahon ngayon parang lahat ginagawang joke and it’s very painful. Alam ninyo po, ang kindness libre po. Maybe we should all try compassion. Hindi po yan binibili. It’s free. Pag meron kayong nakitang taong nalulungkot, try to be more compassionate. Hindi po kayo mamatay doon. We all need that.” —Regine

Dahil Valentine’s Day, February 14, ang takdang araw ng unang pagtatanghal ng historic Unified concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo, natural lang na kasama sa konsepto ng show ang pagtalakay sa pagmamahalan—pero hindi lang confined sa romantic love, kundi sa mas malawak na sakop nito: pagmamahal sa kapwa at sa kalikasan.

Ito ang tumahi kumbaga, para mapangatawanan ang titulong Unified, by advocating peace and unity through love.

Sa bandang dulo ng concert, nagpalabas pa ng isang audio-visual presentation sa mga big screens sa loob ng Araneta Coliseum, kung saan may iba’t-ibang taong nagbitiw ng kani-kaniyang pangako kung paano sila makaka-contribute sa mas ikagaganda at ikaka-payapa ng mundo.

Sina sarah at Regine ang naunang magsalita sa AVP.

Regine: Minsan parang gusto mo na ring sumuko...

Sarah: Parang mahirap lumaban, minsan nakakapagod...

Regine: But we all need to fight...

Sarah: We need to do what we can to make the world a better place... 

Regine: We need to fight negativity with positivity.

Sarah: We need to bring more light to darkness.

At dito na pumasok ang mga common tao na isa-isang nagsalita. May matandang lalaki na nagsabing “Ako’y magsisipag para tularan ng ibang tao.”

“Magta-trabaho ako para sa pamilya ko at hindi magnanakaw,” bitiw ng isa pang mama.

“I will not discriminate based on physical looks,” ani isang babae.

“I will be kinder,” pangako ng isa pang ale.

Sarah: I will continue to use my voice and my music to spread love and unity. This is our home...

Regine: Let’s fill it with positivity...let’s fill it with love.

Pagkatapos ng AVP ay dinyuwet ng mag-ate ang classic “Imagine” ng The Beatles.

Matapos noon, muling nag-spiel ang dalawang performers.

“Love is not just romantic, not just between two people,” pasok ni Songbird. 

“Yes, importante po na minamahal din natin ang ating tahanan, ang ating planeta. We take care of our Mother Earth, this is our home...” sagot naman ni Popstar.

Sa puntong ito, inawit naman nila ang “What the World Needs Now” American singer na si Jackie DeShannon.

Matapos noon, ay kailangan muli nilang mag-spiel. But this time around, mas mahaba ang naging ad lib ni Songbird. Personal ang naging hugot ni Regine sa mga nasabi tungkol sa mga nangyayari sa mundo.

“But you know, Sars, with all the things happening all over the world...” panimula ni Songbird na agad naudlot dahil nanginginig na ang boses nito.

“Naiiyak ako...” tuloy niya. “Theres not a day that I’m not worried because I have an eight year old son. And it’s very hard to explain why he has to wear a mask every time he has to go to school...and I don’t know how to explain it to him—and of course he’s a child, you know, he can’t keep it in his face.... and I can’t explain why he can’t go out and play or mag-play date. Mga gano’n ba? It’s so hard to explain to him. And I am so afraid and I’m always in fear and I cannot naman stop him from going to school...” 

Obvioulsy, ang NCorona virus scare ang partikular na tinutukoy niya na hindi niya umano maipaliwanag sa anak na si Nate Alcasid kung bakit nangyayari.

Regine went on: “And also I cannot explain to him that we have ruined this world...it’s so hard to explain that the world na dinatnan po nila, hindi na kagandahan. Polluted na ’yong air...’yong anak ko po may hika. And he does not understand why sometimes he can’t breathe. Pangit na po ’yong air natin.

Ang dasal ko po tonight, we all learn how to take care of our   earth like it’s the only one we have.”

At some point, tumayo si Sarah para ikuha ng tissue ang kanyang Ate Redge.

Pero hindi po roon nagtapos si Songbird. Bukod sa pag-aalaga ng kalikasan, hinikayat din niya ang mga nanonood to be more compassionate and kind.

“I also want to say that sa panahon ngayon parang lahat ginagawang joke and it’s very painful. Alam ninyo po, ang kindness libre po. Maybe we should all try compassion. Hindi po yan binibili. It’s free. Pag meron kayong nakitang taong nalulungkot, try to be more compassionate. Hindi po kayo mamatay doon. We all need that.” 

“And sometimes smile lang, Miss Redge,” pang-sang ayon ni Sarah na taimtim lang na nakikinig sa kanyang idolo.

“Minsan smile lang matutuwa ka na diba?” muling sabi ni Regine. “But we wanna say thank you everyone again for being here [at the Areneta Coliseum] tonight. And our prayer for tonight is that we make this world a better place for our children.”

“’Coz we can,” agree ni Sarah na magiging nanay din in the future.

“We can. In our own little ways, we can,” pagtatapos ni Regine.

At dito na nila inawit ang huling piyesa nila [bukod sa encore na Frozen  2 theme song], ang inspiring song na  “Rise Up,” ni Andra Day.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.