Rey Valera, nilabanan ang depression sa pamamagitan ng pagkanta

PHOTO: Rey Valera Facebook

PHOTO: Rey Valera Facebook

Magsasama sa unang pagkakataon sa isang concert ang mga beteranong OPM singers na sina Rey Valera at Joey Generoso sa February 7 na gaganapin sa Palacio de Maynila.

Sa press conference ng dalawa nitong Martes, January 14, naikwento ni Rey na nagkasama na sila ni Joey sa mga gigs at shows dati noong lead vocalist pa ng Side A ang huli. At first time nga nilang magtatanghal nang magkasama sa iisang concert ngayong solo artist na si Joey. 

Maliban sa Manila concert nila, na Maynila na may title na "The Acoustic Playlist,” magkakaroon din ng concert tour ang dalawa sa US sa buong buwan ng May. 
 

 

Prepare to feel the love as OPM ICONS Rey Valera and Joey G sing you their timeless hits and your most beloved songs in...

Posted by Starmedia Entertainment on Saturday, January 11, 2020

Tila punong-puno ang schedule ni Rey Valera kaya natanong ng entertainment press kung kakayanin ng kanyang katawan gayong galing sya sa isang operasyon last year. 

Hindi kasi nakasama ang sikat na singer-composer sa concert tour nga mga career contemporaries niyang sina Hajji Alejandro, Marco Sison at Nonoy Nonoy Zuñiga last August to September 2019. 

Sumailalim sya sa operasyon last minute bago mag-concert dahil sa nagdikit-dikit umano ang bituka nya. Inamin din ng beteranong singer na nagsauli sya ng mahigit P2 million, na dapat ay kanyang talent fee sa producers, pero hindi nya ito pinanghihinayangan.

Sa kwento ni Rey during their concert’s press conference, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan. In fact, nilabanan daw niya ang depression sa pamamagiyan din ng pagkanta.

Ani Rey: “Alam mo ang ginawa ko to survive 'yong loneliness saka 'yong depression.... kasi magiging depressed kayo, magiging suicidal kayo, palagi kang [nakahiga]. Mainit na 'yong likod mo eh. Tapos ano eh, saksak dito, saksak doon [ng karayom]. Whatever. Kung ano anong ilalagay sa iyo

"Pero alam nyo may isa akong kanta na lagi kong kinakanta. Pabulong o pasigaw o ano. Alam nyo kung anong kanta?"

Sa punting ito, inawit ng singer ang kantang “You are my Sunshine” ni Johnny Cash.

“You are my sunshine, my only sunshine...”

Paliwanang nya: "Dinadala ako sa ibang lugar na parang... hindi ko maramdaman 'yong mga tusok. At kung anu-ano."

Muling itinuloy ni Rey ang pag-awit.

"You make me happy when skies are gray...

"Totoo 'to. At minsan umiiyak na din ako. Dahil parang... you're so helpless eh. Akala mo ikaw ang may control sa buhay mo, ikaw ang control sa sarili mo. Hindi. You are there so helpless.”

Dagdag pa ng beteranong singer, umabot din umano sa puntong binabasa na ng mga medical personnel at mga nagbabantay sa kanya ang kanyang bibig upang hindi ito matuyo. 

Gayunpaman, ipinagpapatuloy lang daw nya ang pagkanta hanggang sa maka-recover ang kanyang katawan.

"Really. Totoo 'to. Hindi ko alam kung hindi dahil sa kantang 'yon hindi ako magsu-survive. I don't know why that song."

Sinabi ng “Maging Sino Ka Man” singer-composer na gagawin nila ang lahat upang matuloy ang mga nakalatag na concerts ngayon.

"Gagawin namin lahat para matuloy [ang concert at US tour], at alam namin na nag-aantay din ang mga fans. 

"Pero sabi ko nga, God willing, we will be there."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.