Ricci Rivero, bakit nga ba nag artista?

PHOTOS: @ricciiirivero

PHOTOS: @ricciiirivero

Ibinahagi ni Ricci Rivero kung bakit niya sinubukan ang mundo ng showbiz sa presscon ng kauna-unahang niyang pelikula horror na pinamagatang “OTLUM” kamakailan. Ito ay isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon sa direksyon ni Joven Tan. Kabilang ito sa mga leading aktors kasama si Jerome Ponce, makikita din sina John Estrada, Kiray Celis, Michelle Vito, Irma Adlawan at Pen Medina sa pelikula. 

Sabi ng bagong aktor, super fan daw ito ng tambalang “KathNiel” at napanood na niya ang halos lahat ng movie nila sa cinemas.

Lahad pa nito, “I transferred from DLSU to UP, pag transfer ko I can’t play for a year so that’s the time na naging open ako sa mga offers and try yung mga field na to”

Walang gagawin ang aktor sa isang buong taon at ayaw naman daw nitong maging tambay lamang.

Dagdag pa nito, mahilig din daw ito na mag try ng something new dahil nasa age ito ng kabataan na mahilig mag explore.

“Sinabi ko sa sarili ko, why not give it a try?”

 

Panoodin ang kabuuang sagot ng aktor:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.