Richard Gutierrez, feel na feel ang alagang-Coco Martin; hindi raw nailang sa mga eksena nila ni Yassi Pressman kahit kaibigan ito ng wife n'yang si Sarah Lahbati

PHOTOS: @richardgutz, @cocomartin_ph @yassipressman on Instagram

PHOTOS: @richardgutz, @cocomartin_ph @yassipressman on Instagram

Todo papuri si Kapamilya actor Richard Gutierrez sa kanyang co-star and director sa ABS-CBN action drama series na FPJ's Ang Probinsyano na si Coco Martin

Sa online media conference ni Richard na ginanap ngayong araw, August 3, all praises ang Kapuso-turned-Kapamilya actor nang sa wakas ay makatrabaho n'ya si Coco. 

Last month kasi nang ipakilala sa top-rated teleserye ang karakter ni Richard na si Lito Valmoria na kababata ni Alyana na ginagampanan naman ni Yassi Pressman

Sa media conference nga via zoom na naka-live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, hangang-hanga si Richard sa galing ni Coco kung paano nito i-handle ang pagiging direktor at aktor sa serye.

"Yong dynamics namin ni Coco, actually, no’ng first day nga namin, doon pa lang in-establish n'ya na 'yong parang rapport, dynamics...kasi as a director, ramdam ko talaga na pinapaganda n'ya 'yong mga eksena," pagbabahagi ni Chard. "'Yong mga eksena ko nararamdaman ko na inaalagaan n'ya. Kumbaga, ang daming anggulo, ang daming shots, tapos ayaw n'ya ng eksena na parang pwede na."

Talagang mabusisi daw ang actor-director sa mga eksenang kukunan para mapaganda ito. Noong unang salang nga daw ni Richard sa taping ay halos eksena n'ya lang ang inasikaso nito at nakalimutan na ang sarili na s'yang bida pa naman sa show.

"As a director, ramdam ko na alam n'ya 'yong hinahanap ng artista e," paglalahad pa ni Richard. "Alam n'ya 'yong mga shots. Ang galing n'ya as a director and pinaramdam n'ya sa akin na inaalagaan n'ya ako. Katunayan nga n'yan noong first day sa taping parang ako na lang ang kinukunan n'ya. Parang nakalimutan n'ya yata 'yong sarili n'ya na kunan. Kasi naka-concentrate s'ya masyado sa mga eksena ko. Sabi n'ya nga sa akin, 'O, nakalimutan ko nang kunan ang sarili ko ah. Ako naman. Ako naman.'"

Maalaga din daw ito sa set at may sense of leadership kaya nagiging mabilis ang flow ng kanilang shoot. 

"Alagang-alaga ako sa set," sey pa ng aktor. "Si Coco napakabait sa akin. At lahat nung staff n'ya, lahat ng crew... Kumbaga, kilalang kilala n'ya na silang lahat e. Parang well-oiled machine na sila e. Kapag sinabi ni Coco na ganito, alam na kaagad no'ng mga staff, mga cameraman kung ano ang gagawin so ang bilis. Ang bilis no'ng shoot namin. 

"I like that. Gusto ko nang mabilis. Wala masyadong hintayan. Tuloy-tuloy 'yong mga eksena para maaga din kaming matapos."

Napuri rin ni Richard si Coco bilang aktor dahil hindi nga naman madali ang umarte sa kamera at pagkatapos ay pagdi-direk naman ang aatupagin. 

"As an actor naman, ang galing din ni Coco,” pagbibida pa ni Chard sa kanyang co-star and director. “Kasi imagine, switching from director to actor, that's not easy, 'di ba? Pero s'ya, I guess, nakasanayan na n'ya. And I think, 'yong character n'yang si Cardo talagang hulmang-hulma na so ang bilis na s'yang nakakapag-switch from director to actor."

At na-impress din daw s'ya closeness ng ibang mga artista na kabilang sa show at kung paano magtrabago ng mga tao sa likod ng kanilang production.

"Para silang barkada na talaga," na-a-amaze na paglalarawan ni Richard sa media. "Para silang one big family talaga. Very close sila sa isa't isa. And then, 'yon nga gaya nang sabi ko, like, in terms of working, ang bilis kasi 'yon nga, alam na nila kung anong gusto ni Coco, kung anong gagawin

"But the same time, kahit ramdam mo 'yong closeness nila winelcome talaga nila ako sa family nila. Kasi, like, sila Tito Michael de Mesa, sila Kuya Raymart [Santiago], nakasama ko naman before Probinsyano. So 'yon, parang naging part din ako ng family nila kaagad. And I like that. I like 'yong samahan na parang barkada."

Natanong din si Richard kung hindi ba s'ya naaalangan ngayong may mga sweet silang eksena with the leading lady sa teleserye na si Yassi Pressman ngayong ka-love triangle nito at ni Coco ang role n'ya. Besides, close friends pa si Yassi at ang misis n'ya na si Sarah Lahbati

"Yong part na si Sarah and Yassi magka-ibigan, actually parang mas naging relaxed nga ako, e, kasi matagal ko na ngang kilala si Yassi e," pag-amin ni Chard sa online media conference. "Sa mga parties lagi ko s'yang nakakausap, lagi ko s'yang nakikita. Parang relaxed na ako sa kanya. 

"So no'ng ginagawa namin 'yong mga eksena parang wala nang ilangan. Wala na kaming ilangan. Parang mas komportable na kami sa isa't isa. And...'yon. Parang mas relaxed nga ako sa kanya dahil kaibigan s'ya ni Sarah."

May patikim din s'ya sa mga fans ng show at sinabing mas magiging intense ang kanilang magiging eksena nina Yassi at Coco.

"And sa lahat ng supporters na ano....marami talagang Cardo-Alyana, 'di ba? Pero nandito nga si Lito, bagong salta sa Probinsyano. Abangan nila kasi mas magiging exciting pa 'yong kwento, 'yong love triangle naming tatlo. And gagawin talaga ni Lito ang lahat para makuha n'ya si Alyana," pagbabahagi ni Richard.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Richard Gutierrez joins FPJ’s Ang Probinsyano as third wheel to the Cardo-Alyana (Coco Martin-Yassi Pressman) romance

Pika's Pick: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati drop ocean-themed prenup shoot and it’s amazing

Richard Gutierrez and Sarah Lahbati postpone wedding nuptials amidst COVID-19 threats in the Philippines  

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.