Ricky Davao, batong-bato na sa “bakasyon” kaya nag-apply maki-direk ng Paano Ang Pasko?

“I am really thankful kay Direk Kaizz (Eric Quizon)...kay Direk Eric who accepted the project. But I’m also very thankful to Direk Ricky (Davao) kasi he really did come here as an actor and he saw na kailangan ng tulong and hindi s’ya nagdalawang isip na tumulong sa amin kaya naitawid...”—Direk Perci Intalan  (Clockwise from left: Ricky Davao, Perci Intalan, Jun Lana, and Eric Quizon)

Photos: Courtesy of IdeaFirst

“I am really thankful kay Direk Kaizz (Eric Quizon)...kay Direk Eric who accepted the project. But I’m also very thankful to Direk Ricky (Davao) kasi he really did come here as an actor and he saw na kailangan ng tulong and hindi s’ya nagdalawang isip na tumulong sa amin kaya naitawid...”—Direk Perci Intalan (Clockwise from left: Ricky Davao, Perci Intalan, Jun Lana, and Eric Quizon)

Movie material pala ng IdeaFirst Company ng power couple na sina Direk Jun Lana at Perci Intalan ang Paano Ang Pasko?, na in-adapt nila for TV nang alukin sila ng TV5 na mag-produce ng tele-serye na eere starting the “ber” months.

Medyo pressed for time na daw sila nang makuha nila ang offer at bagyuhan season pa nang magsimula silang mag-lock in taping.

Initially ay si Direk Perci at Eric Quizon lang ang director at si Ricky Davao was cast as the family driver ng isang pamilyang maraming lihim (at kasali umano siya sa may hawak ng lihim).

Pero dahil sa nakita niyang kailangan nang magbayanihan sa set, nag-prisinta na daw si Direk Ricky na maki-co-direct. 

Bukod nga kasi sa ang laki (literally) at ang bibigatin ng cast, ang daming challenges na sinagupa ng grupo habang nagte-taping sa San Pablo, Laguna.  Naroong naabutan na sila doon nina bagyong Rolly at Ulysses. At nandoon pa ang limitations ng mga health and safety protocols. Plus, ang pinaka-malaking challenge ay ang deadline.

“Totoo yan malaki ’yong project, ang dami nu’ng cast, ang ikli ng oras at ang konti ng araw na natitira bago mag-Pasko,” panimulang paliwanag ni Direk Perci Intalan nang matanong ng pikapika.ph during the Paano ang Pasko? ZoomCon kung bakit kinailangan na tatlo ang maging director ng limited series.

“Ultimately yan talaga ’yon, kailangang magtulungan na. I am really thankful kay Direk Kaizz (Eric Quizon)...kay Direk Eric who accepted the project. But I’m also very thankful to Direk Ricky (Davao) kasi he really did come here as an actor and he saw na kailangan ng tulong and hindi s’ya nagdalawang isip na tumulong sa amin kaya naitawid...”

“Binasa ko ’yong buong k’wento as an actor pero na- absorb ko yon,” salo naman ni actor-director Ricky Davao in the same ZoomCon. 

Pag dating ko sa set, may nangyari... may naganap na kailangan na siguro ang tulong ko o ang trabaho ko doon bilang director...so hindi ako nagdalawang-isip at again kasi ano talaga ngayon, e, I really feel--ako lang--honestly speaking, I feel blessed after eight months of doing nothing wearing short pants and boxers, shorts and sando at home...watching the news, waking at 3 o’clock in morning, etc...feeling paranoid... and here comes a great project. I really feel blessed. So, sabi ko kahit ano gagawin ko for this project.”

Hindi naging totoo sa case nila ang kasabihang “Too many cooks spoil the broth” dahil kahit daw iba-iba sila ng style sa pagdi-direk ay seamless na lumabas ang teleserye.

K’wento ni Direk Perci: “I-share ko lang isang anecdote...napanood ko na kasi ’yong pilot kanina, ’yong first episode, at may isang eksena doon na ganito kagaling—kasi ’yong first part dinirek ni Direk Ricky, ’yong second part dinirek ni Direk Erik. Hindi mo alam kung kelan nagsimula ang aling director. I say that talaga na sobra akong bilib kasi ang galing, e, ang seamless niya.

“Ang galing! Nu’ng pinanood ko parang hindi nagpalit ng director, parang hindi nagpalit ng araw. ’Yon lang siguro [ang] what’s magical about it and siguro dala yan ng ganda ng script. Kahit hindi kami talaga umupo—kaming tatlo—at mag usap na talagang, ‘O, ganito ang atake natin,’  kahit papa’no meron kaming common na vision at nagtutugma s’ya at exciting s’ya kasi parang may kanya-kanya kaming nadadala [na style] pero at same time buo ’yong k’wento.”

I believe ang heart and soul...backbone ng isang project, e, ang k’wento at ang script ang istorya,” dagdag ni Direk Ricky.

“Tungkol doon sa nagtugma-tugma, it’s really because of the material. Nakaka-inspire s’ya. So, doon...kaming mga director sumunod lang kami doon sa thread nu’ng istorya. May konti sigurong slight differences sa attack, but again, it’s really...solid ’yong pagkakasulat, e. So, doon kami nakakapit.”

Bukod sa solid script, the two directors (in behalf of Direk Eric na wala sa ZoomCon), also credit their fabulous artistas, led by the comebacking Maricel Laxa and Julia Clarete, na walang-tapon sa galing.

“Sa galing ng mga artista na nasa cast nito, kahit nagpapalit-palit ng director, kahit na ang bilis-bilis ng galawan...consistent sila,” papuri ni Direk Perci sa cast. 

“Alam na alam nila kung nasaan ’yong character nila, sa’n papunta, sa’n nanggaling, diba? I think it works because of that na half of our job is done dahil ang gagaling ng mga performers.” 

“Tama ’yon,” echo ni Direk Ricky. “Pag mahuhusay ang artista at mababait, very giving... kahit na mainit, init-ulan, init-ulan, bagyo-ulan-init...lahat! Gusto namin ’yong ginagawa namin bilang artista kaya ako nandidito pa hanggang ngayon. At I’m sure karamihan ng artista tatagal pa din sila because they love, they respect what they’re doing, their craft... Alam nila ’yon. So, dumadali ’yong pagtrabaho.” 

As we’ve mentioned, ang Urian awardee na si Maricel Laxa leads the cast. Gaganap siya bilang si Faith, ang matriarch na tutuklas ng isang lihim na matagal ng itinatago ng pamilya. 

Paano Ang Pasko? is also the comeback vehicle of Cinemalaya awardee na si Julia Clarete, who is playing Love, ang panganay ng pamilya na siyang may hawak na sikreto, which will haunt her in the story. Si Beauty Gonzalez naman si Hope, ang pangalawa, at ayon sa kanya ay “paboritong anak” na may nakaraan sa asawa ng kanyang kapatid. 

Ito rin ang magsisilbing first teleserye ni Elijah Canlas, ang 17th Asian Film Festival at 43rd Urian Awards best actor awardee. Siya ay gaganap bilang si Noel, ang apo ni Faith na makakatuklas ng mga lihim na tinatago ng kanyang pamilya.

The rest of the ensemble cast includes Ricky Davao, Allan Paule, Ejay Falcon, John “Sweet” Lapus, Matt Evans, Danita Paner, Devon Seron, Cedrick Juan, Ace Ismael, at ang newbie na si Justine Buenaflor. 

Ang Paano Ang Pasko?, written by Palanca Hall of Famer Jun Robles Lana, ay umiikot sa k’wento ng pagsasama-sama ng pamilya tuwing Kapaskuhan  at kung paano naging hadlang ang sugat ng nakaraan sa pagsalubong sa dapat sana ay masayang okasyon ito.

Produced by The IdeaFirst Company para sa Cignal Entertainment, ang Paano Ang Pasko? ay mapapanood na on weekdays starting November 23 (Lunes), 9:00 PM, sa TV5.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Iza Calzado and Ian Veneracion to lead WeTV original series "B&B: The Story of the Battle of Brody & Brandy"

KC Concepcion, naiyak matapos ang first dinner date nila ng daddy niyang si Gabby Concepcion after lockdown

Martin Nievera releases “new normal” Christmas song “A Brand New Christmas”

Phoemela Baranda is expecting her second child at 40

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.