Ricky Davao stars in an international film

PHOTOS: SCREENGRABBED FROM KILLER NOT STUPID TRAILER

PHOTOS: SCREENGRABBED FROM KILLER NOT STUPID TRAILER

Middle of 2018 palang ay nag-shooting na sa Taiwan ang versatile actor-director na si Ricky Davao. Ni hindi pa niya alam that time kung ano ang title ng pelikula niya pero dahil sa kilala daw sa action-comedy ang director ng movie, ang blockbuster Singaporean director na si Jack Neo, sigurado daw siyang ganu’ng genre pa rin ito. Kontrabida ang role niya sa movie bilang isang Filipino druglord na may dealings sa Taiwan.

 

Natatandaan pa ng pikapika.ph ang kwento ni Ricky Davao last year na napaka-efficient daw ng mga staff and crew ng pelikula. Wala diumanong nasasayang na oras. At dahil hindi niya kilala ang mga co-actors niya na mga sikat pala, manghang-mangha na lang daw siya kapag pinagkakaguluhan na ang mga ito habang nagmamasid lang siya.

 

 

Nakilala ni Ricky ang director na si Jack Neo sa mga pag-iikot niya sa mga film festivals noong mga nagdaang taon. Hindi raw niya akalain na iko-consider siya nito for a role kaya hindi na niya pinakawalan ang chance lalo pa’t ire-release ang pelikula sa iba’t ibang bansa sa Asya. Nakakalungkot lang na tila hindi kasali ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa kung saan ito ii-screen.

 

Bida sa cast ang mga pamosong Taiwanese performers na sina Jay Shih (dating member ng MandoPop or Mandarin popular music duo na Awakening); ang singer-actress na si Amber An at ang actor-host na si Lin Yu-chih, better known as Nadou.

 

Now it can be told na Killer Not Stupid pala ang title ng pelikula na kuwento ng assassin duo na gusto nang magbagong-buhay.

 

 

Si Jack Neo ang nagpauso ng Singlish or Singaporean-English movies sa Singapore through his blockbuster film I Not Stupid noong 2002. He is also credited as the man behind the 9 out of 10 highest grossing films in Singapore.

 

Here’s the official first trailer of the movie kung saan prominenteng-prominente sa mga eksena ang ating aktor na si Ricky Davao:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.