Riverdale Season 4 premiere, “In Memoriam” para kay Luke Perry

Naglabas na ng ilang photos ang Riverdale kunsaan nakikitang malungkot ang buong cast at yakap ni Archie ang umiiyak niyang ina na si Mary Andrews, played by Molly Ringwald.

PHOTOS: @luke____perry & @thecwriverdale

Naglabas na ng ilang photos ang Riverdale kunsaan nakikitang malungkot ang buong cast at yakap ni Archie ang umiiyak niyang ina na si Mary Andrews, played by Molly Ringwald.

Bittersweet ang muling pagsasama ng cast ng Riverdale para sa season 4 premiere nila on October 9.

Kumpleto ang buong cast ng CW series na pinangunahan ni KJ Apa (Archie Andrews), Cole Sprouse (Jughead Jones), Lili Reinhart (Betty Cooper) at Camila Mendes (Veronica Lodge) para sa isang magandang tribute sa aktor na si Luke Perry.

Para sa ika-58th episode ng show titled "In Memoriam" ipapakitang ililibing na ang character ni Perry na si Fred Andrews.

Pumanaw ang 52-year old na si Luke Perry noong nakaraang March 2019 dahil sa massive stroke.

Tiyak na mami-miss ng maraming Riverdale fans si Luke dahil halos lahat ng eksena ng bidang si Archie Andrews ay kasama nito ang kanyang amang si Fred.

Naglabas na ng ilang photos ang Riverdale kunsaan nakikitang malungkot ang buong cast at yakap ni Archie ang umiiyak niyang ina na si Mary Andrews, played by Molly Ringwald.

Lalabas din sa naturang episode ang co-star ni Luke sa series na Beverly Hills, 90210 na si Shannon Doherty. Kung ano ang role niya, malalaman ito sa pagbukas ng season 4.

Ayon sa creator and executive producer ng Riverdale na si Roberto Aguirre-Sacasa, matagal na niyang gustong magkaroon ng guest appearance si Doherty sa show, nataon naman na pumanaw na si Perry.

"We know that we have to address it in some way. But we're giving ourselves a little bit of time and space before we figure out the best way to honor him.

"Luke and Shannon were such good friends, and when we were putting together this tribute episode, we wanted to make it as special as possible, and so we asked Shannen to do a pivotal, super-emotional role. She read the script and immediately said ‘yes.’ It’s very impactful.

"Having seen the scene, I couldn't imagine someone else doing it, and it obviously resonates really deeply because it is one of Luke's friends.

"The episode is really emotional , a tear-jerker. We had the table read for it and I’m not going to lie, we were all crying. But we think it … honors the memory of Luke and it honors the memory of Fred. They were both such amazing human beings that we wanted to really, really craft an emotional and deep tribute to him, which is what I hope this episode is.”

Share naman ni Cole Sprouse: "It was cathartic for all of us to have Doherty on set for the season premiere. I think it really put the cherry on top for that episode and made a nice tribute.”

Madadagdag din sa cast ng Riverdale ang Dawson's Creek actor na si Kerr Smith bilang new principal ng Riverdale High na si Mr. Honey.

“Mr. Honey is a bit of a hard-ass who takes a harder line with the students this year, especially with the seniors.” 

Kerr will have his first appearance in Episode 2, titled “Chapter Fifty-Nine: Fast Times at Riverdale High.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kendall Jenner, Bella Hadid atbp, dawit sa demanda ng pumalpak na music fest sa Bahamas

Hollywood and fans around the globe mourn the death of 90's heartthrob Luke Perry

Lili Reinhart at Cole Sprouse ng Riverdale, messy ang breakup?

Justin Bieber, pinatino ng asawang si Hailey Baldwin

Will & Grace, magre-reboot pero magba-babu na rin sa 2020

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.