RK Bagatsing denies not wearing underwear

First mainstream movie ni RK Bagatsing ang Cuddle Weather na ipapalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino this coming September. He was last seen in the film Apocalypse Child na isang indie film, which was released in 2015.  After that ay panay teleserye ang naging offers niya, including ang Wildflower noong 2018 kung saan talagang nagmarka siya.

PHOTOS: @bagatsingrk & @sueannadoodles

First mainstream movie ni RK Bagatsing ang Cuddle Weather na ipapalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino this coming September. He was last seen in the film Apocalypse Child na isang indie film, which was released in 2015. After that ay panay teleserye ang naging offers niya, including ang Wildflower noong 2018 kung saan talagang nagmarka siya.

Hindi naman daw totoong hindi nagsusuot ng underwear si RK Bagatsing.

Tinanong namin si RK tungkol dito sa presscon ng Cuddle Weather, ang bagong mainstream film niya under Regal Entertainment kung saan bida siya, dahil may nabasa kaming Facebook post regarding this.

“Of course, nagsusuot naman ako ng underwear pero I prefer boxers,” wika ng partner ni Sue Ramirez sa Cuddle Weather, na dinirek ni Rod Marmol.

Call boy ang role ni RK sa movie and kaya raw niya ito tinanggap ay dahil sa nagandahan siya sa script. 

“At saka ‘yung karakter ni Ram, parang ako sa totoong buhay. Happy-go-lucky, cool, kaya masyado akong nakaka-relate sa karakter ko,” pahayag pa ni RK na marami raw mga ginawang adlib sa movie na pinayagan ng kanilang director.

First time niya lang nakatrabaho si Sue pero gulat sila na maganda ang kanilang rapport sa mga eksena nila.

“Siguro kasi bigay na bigay kami sa roles na ginagampanan namin. Minsan kasi, I have this feeling na baka hindi tama ang acting ko at natatakot akong mapalitan sa role. Ganyan ang pakiramdam ko sa first few weeks ng Wildflower (2018). Pero very collaborative naman ni Direk Rod kaya nagawa ko naman what I need to do sa role ko as Ram,” kwento pa ni RK.

Isa pa raw dahilan kung bakit tinanggap niya ang Cuddle Weather ay dahil sa matagal na niyang gustong gumawa ng mainstream film. Ang last movie niya ay Apocalypse Child noon pang 2015 and after that ay panay teleserye ang naging offers niya.

“Maganda ang kwento ng Cuddle Weather kaya tinanggap ko,” dagdag ni RK. “Saka siyempre, bida ako rito so bihira ang ganyan pagkakataon na maalok ka na magbida sa pelikula.”

Nakatulong daw para magampanan niya nang mahusay ang kanyang role ay yung may nakausap siya na tao na escort service ang trabaho.

“Kakaiba ang role ko rito kumpara sa ginagawa ko sa telebisyon. Making a movie like Cuddle Weather, portraying a sex worker, is a new experience. Hindi palaging ganito.

“Nag-aral kami ng buhay nila, paano sila magmahal sa kabila ng paghuhusga ng mga tao sa paligid nila. Nakausap namin ‘yung mga totoong tao at respeto ang maibibigay namin sa kanila. Ito ang gusto namin ipahatid sa mga tao,” eksplika ni RK.

Cuddle Weather is produced by Regal Entertainment, Inc. and is line-produced by Project 8 San Joaquin for Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 this September.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jericho Rosales is working on a new film with directors Paul Soriano and Lav Diaz

Tony Labrusca, aminadong humbling experience ang kinasangkutan niyang immigration incident early this year.

Janno Gibbs open to starring in another Pedro Penduko film

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.