Rob Guinto, walang-takot nakipag-love scene with controversial actor Kit Thompson

Pag-amin ng Vivamax bombshell na si Rob Guinto, kinabahan s’ya noong umpisa nang malaman n’yang makaka-trabaho n’ya ang kontrobersyal na aktor na si Kit Thompson. Pero hindi umano dahil sa kinasangkutan nitong kontrobersya ng umano’y pambubugbog kamakailan kundi dahil sa seniority at sa stature na nito sa showbiz.

PHOTOS: @rblyngnt & @kitthompson_15 on Instagram

Pag-amin ng Vivamax bombshell na si Rob Guinto, kinabahan s’ya noong umpisa nang malaman n’yang makaka-trabaho n’ya ang kontrobersyal na aktor na si Kit Thompson. Pero hindi umano dahil sa kinasangkutan nitong kontrobersya ng umano’y pambubugbog kamakailan kundi dahil sa seniority at sa stature na nito sa showbiz.

Unknown to many, naka-balik acting na pala ang kontrobersyal na aktor na si Kit Thompson na kamakailan lang ay nakasuhan ng pambubugbog umano sa kasintahang si Ana Jalandoni habang nagbabakasyon sila sa Tagaytay.

Kasali pala siya sa Vivamax movie na Showroom na pinagbibidahan ni Rob Guinto.

Kamakailan lang ay nag-virtual media conference ang pelikula pero wala si Kit kaya ang sexy actress na si Rob ang natanong ng entertainment press ukol sa kanyang naging karanasan sa pakikipag-eksena kay Kit, partikular na sa mga intimate scenes nila.

Pag-amin ng Vivamax bombshell, kinabahan s’ya noong umpisa nang malaman n’yang makaka-trabaho n’ya si Kit, hindi dahil sa kinasangkutan nitong kontrobersya kundi dahil sa seniority nito sa kanya sa showbiz.

Nu’ng una kinabahan ako kay Kit...Kit Thompson ’yon, e. Maayos naman ’yong eksena namin both,” panimulang saad ni Rob.

“Actually, sobrang bait ni Kit ka-eksena,” papuri pa ni Rob sa kanyang co-star. “S’yempre, Kit Thompson…malaking pangalan. Talagang kinabahan din ako na maka-eksena si Kit.”

Dagdag pa ng actress-vlogger, hindi umano n’ya inasahan na mabait at palakaibigan pala ang aktor nang makilala na n’ya ito. 

Si Kit okey naman actually katrabaho and hindi ko in-expect na makikilala ko pa si Kit nang ganu’n,” saad n’ya. 

Sobrang friendly ni Kit sa amin and bawat eksena namin talagang nagtulungan din kami kung paano namin maisasalba ang eksena na ’yon… Nagtutulungan kami lalo na du’n sa eksena namin na nakita n’yo sa trailer. Medyo challenging,” natatawang sabi pa n’ya. 

Kalaunan ay tinumbok na ng press ang nais nilang pakahulugan sa tanong na may kinalaman sa takot at kaba sa pakikipag-love scene sa aktor na nabalita ngang nambubugbog umano ng babae.

Ani naman ni Rob, never naman daw n’ya inisip ang kinasangkutang issue ng kanyang co-star dahil ibinubukod daw n’ya ang trabaho sa mga personal issues. 

Hindi po. S’yempre, work is work. Hindi ko inisip ’yon. Actually, wala talaga sa isip ko ’yon,” pahayag n’ya. 

Maayos daw sa set ang aktor at ibinabalik lang niya dito ang maganda nitong pakikitungo sa kanya.

Si Kit sobrang galing na aktor and kahit off-cam mabait s’ya. Sobrang maasikaso sa mga co-actors and friendly,” muling papuri n’ya sa aktor.

Samantala, mabubusog daw ang mga mata at imahinasyion ng audience sa kuwento at mga eksena sa bago nilang pelikula dahil tinodo raw niya ang pagpapaka-daring dito lalo na sa mga ekena nila ni Kit.

Ito talaga ’yong pinaka-daring na eksena na ginawa ko…kasi meron nga ditong eksena na nakita n’yo doon sa trailer. Medyo challenging ’yong nangyari sa amin doon sa eksenang ’yon kaya abangan n’yo,” natatawang pambibitin pa ni Rob.

Iikot ang kuwento ng movie nilang Showroom sa dalawang sales agents na gagampanan nina Rob at ng actress-writer na si Quinn Carrillo. Magtatagisisan ng galing sa pagbebenta ng condominium units ang dalawa at gagawin nila ang “lahat” para maka-benta.

Mapapanood ang Showroom, na kinatatampukan nina Rob Guinto, Quinn Carrillo, at Kit Thompson, simula ngayong November 11 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.