Robin, ayaw maging pulitiko: “wala akong pasensya…gusto n’yo ba may binubugbog ako sa senate? Naku, wag!”

(RIGHT PHOTO) Robin (leftmost) and Daniel Padilla (rightmost) gave their support to Rommel Padilla (second from left) when Rommel filed his certificate of candidacy last October in Cabanatuan City.

PHOTOS: Anna Pingol & @karlaestrada1121

(RIGHT PHOTO) Robin (leftmost) and Daniel Padilla (rightmost) gave their support to Rommel Padilla (second from left) when Rommel filed his certificate of candidacy last October in Cabanatuan City.

Minsan nang sinubok ni Robin Padilla na pasukin ang pulitika at ito ay nang tumakbo siya para maging vice-governor ng Nueva Ecija noong 1995. Hindi niya ito napagtagumpayan at ipinaubaya na sa kanyang Kuya Rommel ang mundo ng pulitika.

Si Rommel—na kilala rin bilang tatay ng matinee idol na si Daniel Padilla—ay naging board member na ng Nueva Ecjia at nagtangka ring maging vice governor ng nasabing lalawigan noong 2007 elections, but failed. In 2016, he once again secured a board member position. At ngayong darating na mid-term elections in May 2019, muli nang nag-file si Rommel ng kanyang COC (certificate of candidacy) last October, this time seeking to be Nueva Ecija’s first district representative.

Pero noong nakaraang taon ay consistent na lumalabas ang pangalan ni Robin Padilla sa mga surveys na naglalagay sa kanya sa ika-13th spot ng mga posibleng makakuha ng seat sa senado. 

Hindi ito naka-inspire sa action star para muling pasukin ang pulitika, particular na ang senado.

Sa media conference ng pelikula niyang Bato The Gen. Ronald Dela Rosa Story, noong Huwebes ng hapon, January 24, nilatag ni Robin sa mga members of the press ang mga dahilan kung bakit ayaw na niyang mag-pulitika.  

“Isa lang po ang pulitiko sa pamilya [namin], si Rommel na ’yon,” bungad na paliwanag ni Binoe (palayaw ni Robin).

“Si Rommel ay tatakbong congressman. E, against tayo sa anti-dynasty…mahirap naman ’yong ako mismo, hindi ka susunod. Practice what you preach. Tama na isa, si Rommel na ’yon…si Kuya Rommel talaga ang public servant, e.”

Dagdag niya: “Hindi ako p’wede diyan. Wala akong pasensya. Kailangan diyan mapagpasensyang tao. Gusto mo ba may binubugbog ako sa senate? Naku, wag!

“Tama na po isa sa pamilya…hindi po…talagang ano po ako, against political dynasty.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mariel Padilla, kinilig sa dinner invitation ni President Duterte

Robin Padilla’s daughter Zhen graduates from film course in Australia

IN PHOTOS: Mariel Padilla pulls off an advanced surprise 50th birthday party for husband Robin Padilla

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.