Robin Padilla, humiling ng Sharon Cuneta-Salvador Panelo benefit concert para sa mga batang may special needs; tugon ni Panelo: “Game ako diyan.”

Nagustuhan naman ni Atty. Sal Panelo ang suggestion ni Robin Padilla sa pagkakaroon nila ng benefit concert ni Megastar Sharon Cuneta at payag daw s’yang mag-perform para dito kung sakali.   “Game ako dyan Senator Robin!  Maraming salamat sa suporta mo!” tugon ng former chief presidential legal counsel sa comment section.

PHOTOS: @ROBINPADILLA.OFFICIAL, @SharonCunetaOfficial & @panelo.sal on Facebook

Nagustuhan naman ni Atty. Sal Panelo ang suggestion ni Robin Padilla sa pagkakaroon nila ng benefit concert ni Megastar Sharon Cuneta at payag daw s’yang mag-perform para dito kung sakali. “Game ako dyan Senator Robin! Maraming salamat sa suporta mo!” tugon ng former chief presidential legal counsel sa comment section.

Ngayong nai-release na under Viva Records ang version ng Sana’y Wala Nang Wakas ni senatorial candidate Salvador Panelo, humiling ang aktor at senatorial candidate din na si Robin Padilla ng isang concert na pagsamahan daw sana nina Panelo at ni Megastar Sharon Cuneta.

Sa Facebook post ni Binoe last April 18, nag-suggest s’ya sa pamunuan ng Viva na magkaroon ng benefit concert ang dalawa para sa mga batang may special needs.

“Ano kaya tatay boss Vic ng Viva Films Isang concert sa pagitan ni kambal mam Sharon Cuneta Pangilinan at ni sir sec Salvador ‘Sal Panalo’ Panelo para sa mga special children at maging hudyat na kilosan ng mga senador at magiging senador na makagawa ng panukalang batas para sa kapakanan ng mga batang may special needs,” ani Robin. 

 

Ano kaya tatay boss Vic ng Viva Films Isang concert sa pagitan ni kambal mam Sharon Cuneta Pangilinan at ni sir sec...

Posted by Robin Padilla on Sunday, April 17, 2022

Nagustuhan naman ni Atty. Panelo ang suggestion na ito ni Robin at payag daw s’yang mag-perform para dito kung sakali. 

“Game ako dyan Senator Robin!  Maraming salamat sa suporta mo!” tugon ng former chief presidential legal counsel sa comment section. 

SCREENSHOT: @ROBINPADILLA.OFFICIAL on Instagram

As of this writing ay wala pang tugon sa mungkahing ito ni Robin ang kampo ni Sharon.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang pagkanta ni Atty. Panelo ng “Sana’y Wala Nang Wakas” sa isang event ni Davao City Mayor Sara Duterte sa Quezon City noong March 10.

Hindi kasi ikinatuwa ni Sharon na inawit ng senatorial candidate ang 1986 hit song n’ya sa event ng katunggali ng mister n’yang si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-bise presidente. Wala daw pahintulot ang ginawa ni Panelo. 

Tugon naman nito sa kanya, may permiso daw ito mula sa Viva Records na s’yang copyright owner, at alay daw nito ang kanta sa kanyang late son na si Carlo na may down syndrome.

Hindi kalaunan ay kapwa nag-sorry naman sina Sharon at Atty. Panelo sa isa’t isa kung nasaktan o na-offend man nila ang isa’t isa.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sharon Cuneta, aminadong she “made a mistake” sa mga nabitawang salita kay Panelo; nilinaw na hindi siya maramot na tao

Salvador Panelo, nag-sorry din kay Sharon Cuneta kung nasaktan daw niya ito; niyaya pa itong mag-collab sa advocacy nila para sa mga Children With Disabilities

Matapos ang issue nila ni Sharon Cuneta, Salvador Panelo formally records his cover of “Sana’y Wala Nang Wakas”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.