Robin Padilla, kinumpirmang hiwalay na ang anak na si Kylie at si Aljur Abrenica at third party ang dahilan; “Sabi ko, ‘Lalaki ’yang asawa mo. Pasalamat ka nga at lalaki.”

Ani Robin, pinagsabihan niya sina Aljur at Kylie na wag i-daan sa social media ang paglalahad ng mga marital woes nila at kung maaari ay maging magka-ibigan pa rin kahit hiwalay na. “Kasi para sa akin ha, ang dalawang mag-asawa na hindi na magkasundo, hindi kayo dapat maghiwalay na magka-away. Bakit? Nagmahalan naman kayo. Nasarapan naman kayo pareho. “Bakit? Dahil nagtaksil ’yung isa? Tao ka, mangyayari at mangyayari ’yan. P’wedeng hindi mangyari...kalokohan na hindi mangyari. Lalo na at nasa showbiz tayo.”

Photos: @robinhoodpadilla | @kylienicolepadilla

Ani Robin, pinagsabihan niya sina Aljur at Kylie na wag i-daan sa social media ang paglalahad ng mga marital woes nila at kung maaari ay maging magka-ibigan pa rin kahit hiwalay na. “Kasi para sa akin ha, ang dalawang mag-asawa na hindi na magkasundo, hindi kayo dapat maghiwalay na magka-away. Bakit? Nagmahalan naman kayo. Nasarapan naman kayo pareho. “Bakit? Dahil nagtaksil ’yung isa? Tao ka, mangyayari at mangyayari ’yan. P’wedeng hindi mangyari...kalokohan na hindi mangyari. Lalo na at nasa showbiz tayo.”

Matagal nang napapabalitang hiwalay na ang mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica matapos ang halos tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ang mga Instagram posts nila—lalo na ni Kylie—ang isa sa naging daan para pag-isipan ng mga netizens na there’s trouble in paradise.

Si Kylie, ay noong January pa ang huling post kasama si Aljur o buong pamilya nila.

Pero bagama’t naiintriga, walang direktang naging pag-amin ang dalawa.

Maliban nalang doon sa naging maikling pahayag ni Aljur noong Mayo during the story conference ng pagbibidahan niyang pelikula sa Vivamax na Nerisa.

Sa the storycon, sinagot niya, for the time, ang mga katanungan tungkol sa estado ng relasyon nila ni Kylie.

He said: “Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan...nagka-problema kaming dalawa at na-mimanage namin when it comes to posting...na-spread sa mga tao...Pero to set the record straight, sinasabi ko nga, we’re good, we’re talking and we’re doing everything when it comes to...what’s best sa aming dalawa at sa mga bata.”

Pero ang ama na ni Kylie na si Robin Padilla ang kaswal na nagkuwento na hiwalay na nga ang anak niya at manugang na si Aljur.

Nangyari ito sa interview ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube Channel na in-upload kahapon, July 7.

Kaswal na tinanong ni Ogie si Robin kung paano raw nito hinarap ang isyu na naghiwalay sina Kylie at Aljur, lalo na at babae ang sa kanya.

“Wala… wala naman… una, walang sinasabi ang anak ko,” saad niya. “Kasi, ’yun naman ang noon pa, palagi kong tinatanong si Kylie. ‘Agrabyado ka ba?’ Hindi naman daw. ‘Okey lang ako, Pa.’ 

“’Eto, noong tinanong ko siya ulit, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, Pa. Ako ang nakipaghiwalay, e.’ Wala namang papel ang Tatay du’n.

“Hindi ka dapat makialam, away ng mag-asawa ’yan, e. May mga anak pa. Siyempre, sa akin ang remembrance, e, ’yung mga apo, nasa nanay.  Pero, hindi isyu sa akin ’yun.”

Dagdag pa ni Binoe, palayaw ni Robin, ang mahalaga lang daw sa kanya ay walang sakitang-pisikal na natanggap ang anak.

“At saka siyempre, walang sakitan ng pisikal. ’Yun lang naman ang sinabi ko kay Aljur.  Kasi, tumatawag si Aljur sa akin, e. Hindi ko sinasagot.”

Tahasang din daw niyang sinabihan ang dalawa na tigilan ng mga ito ang kaka-post sa social media ng tungkol sa marital discord nila.

“Minessage ko lang siya [Aljur], sabi ko, ‘Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media. Nakakahiya ’yan!’

“’Yung nag-aaway sila sa social media, tumigil kayo riyan. Wala akong ano riyan...problema n’yo ’yan, isipin n’yo ang mga anak niyo.

“Kasi, baduy na baduy ako sa...social media [nag-away].”

Dahil doon ay biniro pa ito ni Ogie na, ‘Ang old school mo, ha.’ 

May katwiran naman si Robin kung bakit ayaw niya na sa social media tila naglalabas ng saloobin ang anak at manungang.

“Para sa akin, balang-araw makikita at makikita ng mga anak n’yo ’yan. Hindi maganda ’yun,” esplika ni Binoe.

Dagdag pa niya, mas maganda kung maghiwalay man ay manatili sanang magka-ibigan.

“Kasi para sa akin ha, ang dalawang mag-asawa na hindi na magkasundo, hindi kayo dapat maghiwalay na magka-away.  Bakit? Nagmahalan naman kayo. Nasarapan naman kayo pareho.

“Bakit? Dahil nagtaksil ’yung isa? Tao ka, mangyayari at mangyayari ’yan. P’wedeng hindi mangyari...kalokohan na hindi mangyari. Lalo na at nasa showbiz tayo.”

Base sa pahayag ni Robin, malinaw na si Kylie ang nakipaghiwalay kay Aljur.

“Tinanong ko siya, s’yempre,” patuloy ni Robin. “Ang una kong tinanong sa kanya, ‘Sinaktan ka ba?’ ’Yun ang unang tanong, s’yempre, do’n lang naman tayo papasok kapag nasaktan ang anak mo.

“Wala naman. Mabait din naman si Aljur,” sabi pa niya.

Ani pa ni Robin, siya daw ay hanggang pag-uusisa lang pero hindi raw siya makiki-alam dahil usaping mag-asawa ’yon. Sakali raw maki-usap sa kanya si Aljur na pag-ayusin sila ay hindi niya ito p’wedeng pagbigyan.

“Nababaduyan ako ro’n,” direktang sagot niya.  “Dalawa lang ang p’wedeng mag-ayos niyan— si Kylie lang at si Aljur. Sa akin ha, opinyon ko, baduy sa akin ‘yon. Wala tayong ano diyan.”

Katwiran niya, kung mapipilitan lang magsama dahil sa pakiusap niya ay baka mas lumala at umabot sa pisikalan. ’Yon daw ang hindi niya mapapayagan.

“Sa akin ha, kapag nilapitan mo ko sa gano’n, titingnan lang kita. Walang p’wedeng umayos niyan kundi ’yung dalawa. Kasi, makikialam tayo, pipilitin natin ’yung dalawa. Magsasama ngayon ’yung dalawa dahil sa atin.  E, kung magka-pisikalan ’yan? Sino ngayon ang mag-aaway na? Tayong dalawa na? Gusto mo ba ’kong kaaway?

“Ayoko no’n… ayokong maging magka-away tayo. ’Yun lang naman ang point ko. Sila lang naman ang mag-aayos niyan, ’Tol.

“Ako Tatay, do’n lang ako.”

In the same manner, hindi rin naman daw siya papayag na kausapin niya si Aljur sakaling hilingin ito ng anak sa kanya.

“Hindi rin ako papayag kapag sinabi sa akin ni Kylie. Ano sasabihin ko kay Aljur? ‘Gago ka, bakit ka nambabae?’ 

“E, ano ang sasabihin sa akin ni Aljur, ‘Bakit kayo Pa, hindi ba kayo nambabae?’” natatawang pag-i-imagine niya ng scenario.

“Ayokong masagot no’n. Ayoko. Mapapahiya ako ro’n.” 

However, kay Robin na rin nanggaling na allegedly ay third party raw na dahilan ng hiwalayan.

“Meron daw, e,” direktang saad niya.

Pero katwiran ni Robin, hindi naman daw imposibleng magkaroon ng ibang babae si Aljur. 

“Ano ba ’yun? Ka-imposiblehan ba ’yun? Hindi ’yun ka-imposiblehan. ’Yun ang sinasabi ko kay Kylie,  ‘Lalaki ’yan.’”

Naiintindihan daw niya kung nagawa man ito ni Ajur.

“Natural!  Sino maiintindahan ko? E, lalaki ako.”

Diretsahang sinabi ni Ogie kay Robin na nangyari rin kasi sa kanya ang ganoon na diretso rin namang sinagot ng aktor ng: “Ilang beses!”

“Hindi ano ’yun… kaya lang, hindi na uso ang mga martir ngayon. Tanggapin natin ’yon, wala na tayo ro’n,” patuloy niya.  

“Kasi ako, ’yun ang unang-una kong sinabi kay Kylie nang mag-usap kami.  Sabi ko, ‘Lalaki ’yang asawa mo. Pasalamat ka nga at lalaki.

“E, wala, hindi raw niya kaya. Okay.  E, ’di naman kasi ako ’yung tipo na magiging abogado mo ’ko.

“E, hindi naman, anak ko ’yun, e.  Alangan namang maging abogado mo pa ko. Kagaguhan ’yun.”

Bagama’t naganap ang mga naganap, hindi daw kailangang humingi pa sorry sa kanya si Aljur.

“Wala, wala… hindi naman kailangan. Ang baduy no’n, Pare.  Mag-sorry ka kung sinaktan niya ng pisikal. Kasi, p--a, hahantingin kita, Aljur.  Wag mong gagawin sa anak ko ’yun. P-----a, hindi ko sinaktan ’yang batang ’yan. ‘Wag mong gagawin ’yun, Pare.

“Pero ’yung ganyang babae-babae, natatawa pa ko diyan. Cool ako diyan.”

Dugtong pa ni Robin, “Sa panahon ngayon, wag tayong maglokohan. Sa panahon ngayon, hindi ako naniniwalang merong lalaki na makakatanggi sa tukso.”

Kay Robin rin nanggaling na sa tingin naman niya ay  naghiwalay naman nang maayos sina Kylie at Aljur.

“Mukha naman, kasi noong Father’s Day, nandoon ang mga bata. Nag-uusap naman sila.”

“Wala ng love?,” tanong ni Ogie.

“Imposibleng wala ’yan. Meron ’yan,” pag-tanto naman ni Binoe. “

So, p’wede pang maayos kung may pagmamahal pa?

“Sana!,” positibong sagot naman niya. “Para sa mga bata. Sa mga anak nila. At sana, ’wag nilang patagalin kung magbabalikan naman sila.

“Kasi, kapag tumagal ’yan, mas maraming mangyayari.”

 Sa puntong ito, pinuri ni Ogie si Robin dahil sa kalmadong attitude niya sa pinagdadaanan ng anak at manugang.

“Dapat naman gano’n, e, ’di ba? Cool lang tayo dapat,” saad naman niya.

“Kasi ako, ’yung mga father-in-law ko rin naman noon, cool lang, e. Wala ring drama. Sobra na nga tayo sa drama.”

February this year nang maka-amoy ang mapagmatyag na Netizens na tila may pinagdadaanan ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na cryptic posts ni Kylie na tila may kinalamang lahat sa relationship gaya ng: “I’m submissive, not stupid,” More self-love, baby girl,” at “Free.” May pahabol pa siyang post na kita ang kanyang ring-less left hand.

Agad ding dinelete ni Kylie ang mga nasabing posts na bagama’t hindi pinangalanan si Aljur ay agad naka-trigger sa kanilang mga taga-subaybay na isiping may di-kagandahang nagaganap sa loob ng kanilang pagsasama.

Sina Aljur at Kylie ay nagpakasal noong December 11, 2018. The marriage produced  two handsome boys—Alas Joaquin, 3; and Axl Romeo, one and a half years old.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aljur Abrenica, umaming nagka-problema sila ng asawang si Kylie Padilla

Mga cryptic posts ni Kylie Padilla, patama ba sa asawang si Aljur Abrenica?

Aljur Abrenica, kasama si Kylie Padilla at dalawa nilang anak sa kanyang 31st birthday celebration

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.