Rocco Nacino, inaming “worst wrong move” niya noon ang maging babaero

Sa showbiz, dalawa lang ang napabalitang naging karelasyon niya—sina Sheena Halili at Lovi Poe.  Sa ngayon ay happily married na ang actor at navy reservist sa volleyball athlete na si Melissa Gohing. The two became a couple in 2017, got engaged in November last year, and got married in January this year.

PHOTOS: @nacinorocco on Instagram

Sa showbiz, dalawa lang ang napabalitang naging karelasyon niya—sina Sheena Halili at Lovi Poe. Sa ngayon ay happily married na ang actor at navy reservist sa volleyball athlete na si Melissa Gohing. The two became a couple in 2017, got engaged in November last year, and got married in January this year.

Napaamin ang aktor na si Rocco Nacino na naging babaero daw s’ya during his younger years at itinuturing n’ya daw ’yon bilang kanyang worst wrong move. 

Nangyari ang pag-amin sa guesting n’ya sa programang Mars Pa More hosted by Camille Prats and Iya Villania na ipinalabas kahapon, October 19.

Sa “Lightning Laglagan” segment kasi ng Kapuso morning show ay natanong ang To Have And To Hold lead actor kung ano ba ang masasabi n’yang worst wrong move n’ya sa buhay. 

Maging babaero,” tila nahihiya pang sagot ni Rocco. 

Nang mahingan s’ya ng paliwanag nina Camille at Iya, sinabi n’yang nag-ugat daw ’yon sa naranasan n’yang panloloko mula sa pinaka-una n’yang nakarelasyon. 

“Worst wrong move na nagawa ko ang tahakin ang pagiging babaero kasi may k’wento ako d’yan...” lahad ni Rocco sa show. 

Kauna-unahang relationship ko, niloko ako so naging coping mechanism ko na dapat manloko ako.

Natanim daw sa isip n’ya na maghiganti sa mga sumunod n’yang mga naging kasintahan dahil sa isip n’ya hindi daw s’ya ang dapat masaktan sa isang relasyon.

Pero dumating naman daw ang panahon na na-realize niyang hindi ’yon tama. 

Tapos after so many years doon ko na-realize na mali pala ang ginagawa ko,” pagpapatuloy ng StarStruck Season 5 graduate. “Noong napagalitan ako, inupo ako ng mga taong nagmamahal sa akin sa buhay, [doon ko napagtanto na] ‘Ay, mali pa.’ Hahaha!”

Matatandaan na noong 2012 ay napabalitang nagkakamabutihan si Rocco at ang aktres na si Sheena Halili pero naputol din ’yon noong 2013.

Noong 2014 naman, umamin si Rocco sa relasyon nila ni Lovi Poe pero nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa noong 2016.

Sa ngayon ay happily married na ang actor at navy reservist sa volleyball athlete na si Melissa Gohing. The two became a couple in 2017 and got engaged in November last year. 

Last January nang magpakasal sina Rocco at Melissa na ginanap sa isang naval warship na naka-dock sa Maynila.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.