Rocco Nacino, payag na unahin ng misis niyang si Melissa Gohing ang volleyball kaysa magka-baby

PHOTOS: @nacinorocco & @gohingmelissa on Instagram

PHOTOS: @nacinorocco & @gohingmelissa on Instagram

Wala daw problema sa aktor na si Rocco Nacino na unahin ng asawa n’yang si Melissa Gohing, na member Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League, ang paglalaro ng kanyang sport kaysa sa plano nilang magka-baby. 

Iyan ang inilahad ng Kapuso star sa naging interview sa kanilang mag-asawa last March 13 sa programang Sarap, ‘Di Ba? hosted by Carmina Villarroel, Zoren Legaspi at ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy

Kinumusta kasi ng Legaspi Family ang celebrity couple ang buhay mag-asawa nila almost two months matapos silang ikasal. 

“It’s different kasi everyday makikita mo s’ya. Pag gising mo s’ya ‘yong makikita mo,” pagbabahagi ni Melissa.

“We finally see how each other sleeps,” tugon naman ni Rocco. “Magkasama kami mag-CR. Magkasama kami maligo. Ganu’n na. Ganu’n ang buhay mag-asawa. It’s so much fun kasi everyday is another opportunity for us to learn more about each other.”

Natanong din ang dalawa sa ginagawa nilang adjustment ngayong lock-in taping ang ganap sa mga TV productions at naka-bubble din ang mga sports games because of the pandemic. 

S’yempre, may disadvantage na hindi tayo magkakasama,” lahad ng Descendants of the Sun PH actor. “I won’t get to see the house. Excited ako lagi umuwi ngayon and spend time here. Usually kasi, gusto ko, nasa labas ako, e. Now, I always report to going home to my wife.”

Sey naman ni Melissa, “Pag naglaro ako sa Philippine team before, I think ‘yong max I was gone for 25 days. Kaya naman understandable. Work is work. We’re here to support each other all the time. Nakaka-miss, s’yempre, mami-miss n’yo ‘yong isa’t isa.

Isa pa sa nausisa sa newlyweds ay kung may balak na ba silang magka-anak. 

Dito ipinaliwanag ni Rocco na gusto na n’yang maging ama pero wala pa daw balak si Melissa na magka-baby sila. 

Ako yong gusto magka-baby agad,” pag-amin ni Rocco sa show. “Si Mel ang gusto pa mag-trabaho.

Wala naman daw problema dito ang 33-year-old actor kaya okey lang sa kanya ang naging pasya ng kanyang misis. 

Sa akin naman, ayaw ko lang nu’ng may regrets,” aniya. “Sa akin naman, hindi ako nakapag-volleyball. I want to give her that also. Kapag talagang sawa na s’ya sa volleyball, and she feels na sapat na ‘yong nabigay n’ya to the sport, doon na kami magbabalak [na magka-baby].”

Sa ngayon ay  wala pa daw “legit” na honeymoon ang bagong kasal dahil nga sa mga travel restrictions pero nagkaroon daw lang sila ng “mini-honeymoon” sa Boracay weeks ago. 

Matatandaan na nag-isang dibdib sina Rocco at Melissa noong January 21 sa isang Navy warship sa Maynila matapos nilang ma-engage noong November 2020.

Maliban sa naging kasal nila sa Navy ship, plano din daw ng mag-asawa na magkaroon ng Christian wedding kapag bumuti na ang sitwasyon.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Rocco Nacino honors his “mi amor” Melissa Gohing on her birthday; says she is the “beautiful impact” in his life and others

Pika's Pick: Rocco Nacino shares throwback photo that showed him wearing a beret; along with a DOTS photo and says "Bata pa lang si Diego, nangarap na syang maging bahagi ng Special Forces."

Rocco Nacino, naglaan na daw ng dalawang kwarto sa bagong bahay para sa mga future anak

Pika's Pick: Rocco Nacino gives a glimpse of his future master bedroom; runs survey on whether to put curtains or blinds in his floor-to-ceiling glass windows

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.