October 2018 nang mag-release ng joint statement ang estranged couple na sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista para isapubliko ang “mutual decision” nila na tapusin na ang kanilang labing-siyam na taong pagsasama bilang mag-asawa.
The ex couple did so para daw maiwasan ang mga maling espikulasyon at tsismis tungkol sa paghihiwalay nila ng landas. Wala silang sinabing dahilan noon kung bakit sila naghiwalay. Pero base sa mga naging interview kay Harlene noong mga panahon na ’yon, may kinalaman ito sa mabigat na feeling of “unhappiness”
Last Sunday, June 2, sa media conference para sa horror movie na Clarita kung saan isa sa mga artista si Romnick Sarmenta, hindi naging madamot si Romnick sa mga kakilalang movie press sa pagbabahagi ng estado niya sa ngayon.
“Siguro the best way to put it would be… life goes on,” panimulang saad ni Nicko (palayaw ni Romnick) nang kumustahin siya ng mga kaibigang press people.
“You have to be very positive. You know, at the end of the day, palagi ko pa rin sinasabi na s’yempre…may mga magtatanong lalo na ’yong mga newlywed couples, ganyan… ‘So, nagsisi ka ba?’ Or ganyan ba? And I say hindi. I am still saying getting married is the best that ever happened to me. I have five beautiful children that I will never get unless nagpakasal ako.
“I’m forever blessed just having my kids at hindi ko rin naman makukuha ’yon kung hindi dahil sa asawa ko, e.”
In fairness sa kanila ni Harlene, napanatili naman daw nila ang friendship nila. Wala na nga lang romantic feeling involved. Kaya naman never naringgan si Harlene ng paninira about Nicko. At ngayong si Nicko ang kaharap ng press, ay hindi rin siya nagpapakawala ng anumang makakasira kay Harlene dahil wala naman daw talaga.
Maski na ang noon pa ay pilit na inuungkat na third party ay wala naman daw talagang katotohanan.
“I think it’s safe to say na unang-una hindi naman siya ’yong… nakakatawa nga meron akong kaibigan lumapit sa akin ang tanong sa akin nahuli ka ba? Sabi ko, ‘Nahuli na ano? MMDA na nahuli ako color coding. Pero yang iniisip mo… ‘
“Wala akong gano’n, e. Sabi ko nga, sana babaero na lang ako, e. Pero hindi wala akong gano’n so wala naman talagang third party, wala naman ibang gritty na dahilan bakit kami nagkahiwalay . It’s just really something that happened along the way… I guess we woke up realizing, ‘ito na ’yon.’”
Kung tutuuusin ay mas naunang napabalitang may dine-date na si Romnick na iba. November palang noong nakaraang taon, or a month after ng kanilang announcement, ay may kumalat na online na mga stolen shots na litratro niya kasama ang isang non-showbiz girl sa isang hotel diumano.
Pero si Harlene ang mas naging open sa naging bago nitong karelasyon after Romnick at ito ay ang dati ring taga-That’s Entertainment (kung saan din kapwa naging part sina Harlene at Romnick noong 80s) na si Neil Eugenio, isang businessman na kasosyo na rin daw ni Harlene ngayon sa ilang negosyo.
Unang namataan in public si Harlene kasama si Neil last April 7, sa Conrad Hotel in Pasay City, kung saan ginanap ang Sinag Maynila Awards. Presenter si Harlene, na isa ng movie producer through her Heaven’s Best Entertainment production, that night at ayon sa napaulat ay ka-holding hands diumano nito si Neil. Tila hindi na itinatago ni Harlene ang pagkahulog ng loob kay Neil. At tila very aware naman si Romnick tungkol dito bagama’t ayaw niyang magbigay ng anumang komento.
Importante lang daw ay masaya ang kanyang estranged wife na siyang nag-file ng annulment case.
“Honestly, I can’t really say anything. . . hahaha!” akmang pag-iwas pa ni Romnick.
Iniiwasan lang daw niyang mapaglaruan sa social media ang buhay nila dahil as far as silang dalawa naman are concerned ay okay ang lahat.
Patuloy niya: “Ako lang like I said, I can’t really say anything about it because no matter what you say naman, people are going to twist it…I’m not saying you...the people who react and comment, they’re going to twist it, ‘Ah, ganyan, kasi ganyan.’ And so, I choose not.
“Like I said, the most important thing is if she’s happy and if she’s happy and then that’s good. The last thing that I want is for my kids to see na meron isang hindi masaya. Dapat makita nila na pareho kaming okey para masabi nila na wala naman palang nagbago. Hiwalay lang sila pero masaya siya, masaya siya tapos okay kami, then okay lahat.”
As for him, hindi naman itinanggi ni Nicko na may consistent siyang dine-date at “kinikilala nang husto” sa ngayon.
“I mean I go out, I hang out with different people. S’yempre naman nagtingin-tingin din ako kasi alam mo ’yon?” natatawang say ng tsinitong aktor. “Ang ayoko sa lahat ’yong ipapakilala mo sa anak mo tapos pagkatapos ng ilang buwan may iba kang ipapakilala sa anak mo. May mali do’n sa picture na ’yon, e. So, I just wanna make sure that whoever I choose, my kids, too.
“Meron naman akong… for lack of a better word, kinikilala nang husto. Para naman, diba?”
Nang tanungin kung ready na siya to enter into another relationship… “Ready is a big word diba? I mean ang hirap sabihin na ‘Yeah, I’m ready for this, I’m ready for that.’ Pag dating doon, ‘Ay hindi ko naisip ito, hindi ko nakita ito…’
“I think it’s really not…at this age, hindi siya pagiging ready. It's finding the right person.”
Hindi naman daw siya nagmamadali lalo pa’t ayaw na niyang magpalipa-lipat pa.
“Unless may plano siyang parang magkaroon ng siyam na anak,” bweltang biro ni Nicko. “Parang hindi ako ’yon, at hindi ko kakayanin. Wala, I’m not rushing. I just wanna take things slowly, you know? And if and when things work out, then great. Kasi ayoko na rin naman no’ng tulad no’ng sabi ko, palipat-lipat? Gusto ko pa rin masabi sa sarili ko, masabi sa…—kasi old-fashioned nga—masabi sa nanay ko, ‘Okey lang ako, maayos ’tong pinasok ko…’ Alam mo yong gano’n?
“I think I’ve given people who care about me more than enough reasons to worry. Tama na.”
Sa ngayon, binubuhos daw ni Nicko ang oras muna sa trabaho. At in fairness, hindi naman nawawalan ng alok ang magaling na aktor.
“I have one streaming now for iWant, ’yong Past, Present, Perfect ta’s may isa pang lalabas ’yong Write About Me Sometime… I think September or August. Tapos baka may gawin ako sa kabila [GMA-7] for pilot and then meron daw inaayos ’yong management.”
Bising-bisi, biro ng press kay Nicko.
“Wala na rin naman akong ginagawa di magtrabaho na lang ako diba? Hahaha!”
Samantala, ang Clarita—kung saan Romnick played as the journalist na sumubaybay sa istorya ng first recorded demonic possession in the Philippines—ay mapapanood na sa mga sinehan on June 12, Independence Day.
YOU MAY ALSO LIKE:
WATCH: Harlene, nagyaya nalang ng inuman kesa umamin sa lovelife