Rosanna Roces, nasabihan daw noon na "walang ginawa kundi bumukaka" ng isang senior star

PHOTOS: @therealrosannaroces & @viva_films on Instagram

PHOTOS: @therealrosannaroces & @viva_films on Instagram

Binalikan ni Rosanna Roces ang Ilang mga karanasan sa showbiz noong kasagsagan ng career niya bilang sexy star during the virtual media conference para sa pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar kahapon, January 13. 

Isa daw sa hindi niya makalimutan ay nang minsang masabihan siya ng isang senior actress na: “walang ginawa kundi bumukaka.” In short, minenos nito ang kanyang katauhan at status sa showbiz industry.

Natanong kasi sila ng mga co-stars n'yang sina Alma Moreno, Ara Mina at Maui Taylor kung nakaranas ba sila ng stigma, harrasment o discrimination sa pagiging sexy stars nila noon. 

Wala naman daw naranasang pambabastos ang actress-turned-politician na si Alma Moreno mula sa publiko o mga kasamahan sa showbiz noong kasagsagan ng pagpapa-sexy n'ya sa pelikula. 

Kwento n'ya: “Wala naman akong experience na binastos sa labas kapag namamasyal ako [o] kapag kasama ko ang mga anak ko. Wala akong naramdaman na ganu’n.”

Magkaiba daw kasi ang image n'ya noon sa pelikula kumpara sa personal n'yang buhay. 

Pag nasa shooting kasi ako noon nagpa-sexy...ako kasi ang youngest bold star noon...Na-maintain ko lang ‘yung respeto. Iba kasi ako pag dating sa screen, iba naman pag dating sa personal kasi nakamaong ako, naka-t-shirt or polo. Kahit make-up wala ako,” sey pa ng 61-year-old actress.

Kumbaga totoong-totoo ako kaya siguro hindi ako nakaramdam na bastusin ako. Kapwa artista na senior namin noon, wala naman akong nakaeksena na minaliit ako sa awa ng D’yos.

Medyo hawig naman ang k'wento ni Ara sa naging salaysay ni Alma dahil kung sexy daw s'yang manamit sa mga shows ay kabaliktaran naman daw kapag hindi na showbiz work ang kanyang pupuntahan. 

"Stigma...ano lang pag kunwari nagso-show lang, ‘yung tipong mga lalaki grabeng makatingin sa ‘yo lalo na pag sexy ang suot mo," aniya. "Pero pag kaswal lang o wala akong showbiz function, lagi akong naka-polo at pantalon.

Kunwari pag nagmo-mall ako, sobrang balot ako, binabaligtad ko kasi nga gusto ko ipakita na trabaho lang ang ginagawa ko sa pelikula and so far wala naman bad experience."

Kung meron man daw siyang maituturing na masaklap na karanasan, yon ay noong hindi daw matanggap ng naging boyfriend n'ya ang kanyang pagpapa-sexy sa showbiz. 

Nagkaroon ako ng non-showbiz boyfriend na hindi lang natanggap kasi hindi ako nagpaalam sa kanya noon, bigla na lang niyang nakita sa tabloid na naka-ganu’n [nakatakip ang kamay sa dibdib] ako

"E, hindi pa uso ang mga FHM magazine noon, wala pang Instagram kaya sa tabloid [cover]. Na-shock lang sila kasi itinitinda sa street," dagdag pa ng award-winning actress.

Kwento naman ni Maui, nasabihan daw s'yang hooker sa club ng mommy ng dini-date n'ya noon dahil din sa pagpapa-sexy n'ya sa pelikula. 

Ako, I had a relationship na una, nagpa-sexy ako pero hindi natanggap,” pagbabalik-tanaw ng aktres. “Pangalawa, I was dating this guy and I was introduced to the mom. And I recall, sinabi ng mommy n'ya na, ‘Di ba ano siya, hooker sa club?’"

Nagulat daw noon si Maui dahil na-judge s'ya dahil sa kanyang trabaho.

"'What are you saying!?' Parang alam mo ‘yun, na-shock ako kasi that’s how they looked at you pala," pagpapatuloy n'ya. "So ‘yun ang experience ko sa guy I was dating na hindi natuloy kasi the parents were against."

Para naman kay Rosanna Roces, mas nakaranas daw s'ya ng stigma sa pagiging sexy star n'ya noon mula sa mismong mga taga-industriya.

Pinakamahirap na stigma sa showbiz ay ‘yong nasa loob na rin ng showbiz [nagmula]," lahad n'ya. "Parang sinasabing, ‘ay wala namang alam gawin ‘yan kundi maghubad.’ So, naging mahirap para sa akin sa pagtawid [mula sa pagpapa-sexy to serious actress]. 

Lalo na pag awards night? Magaling ka naman pero hindi ka pananalunin kasi sexy star ka lang. Laging ganu’n kaya ang hirap bago ka nakatawid sa pagiging serious actress. 

Sa relasyon wala namang problema sa akin kasi very strong ang personality ko. So, hindi pa ako nakarinig ng salita na hindi ko magugustuhan dahil parang tatamaan ka na.”

Pagre-recall pa ni Osang [nickname ni Rosanna]: “Nakakarinig ako nang hindi maganda sa loob ng showbiz mismo, pero sa labas may pangilan-ngilan [na] p'wede nang palampasin. ‘Yong kasamahan mo sa industriya ang lalait sa ‘yo, p'wede na ring palampasin.” 

Pero napikon daw si Osang nang makarating sa kanya ang below-the-belt na komento ng isang senior star nang minsang ma-interview s'ya sa isang talk show. 

Mas senior sa akin na sinabi [sa talk show staff] na bakit daw ako ini-interview ng one-on-one? Bakit daw sila nu’ng in-interview magkakasama? Bakit daw ako binibigyan ng ganu’ng spot, e, ‘wala naman ginawa ‘yan kundi bumukaka?’

Ganu’n ‘yong term niya na tinandaan ko talaga. Parang siya lang ‘yung magaling?”

Hindi daw 'yon pinalagpas ng aktres at kahit mas senior ito sa kanya ay 'di n'ya napigilang bweltahan ito nang slight.

Nu’ng nakarating sa akin ‘yong sinabi niya, dinaanan ko [at] sinabi ko sa harap niya,  ‘Pasensya ka, panahon ko ngayon!’” pagtatapos ni Osang.

Samantala, maliban sa kanilang apat, kasama din nila sa movie under the direction of Darryl Yap ang tatlong young sexy-drama actresses na sina AJ Raval, Rose Van Ginkel, at Ana Jalandoni.

Mapapanood ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar na produced by Viva Films at VinCentiments simula January 29 exclusively sa VivaMax.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Rosanna Roces and son Onyok make peace after several years of not communicating

Direk Adolfo Alix, Jr. to helm new BL series for Taiwan-based streaming platform featuring supporting roles from Rosanna Roces, Alan Paule, and more

Pika's Pick: Are Superstar Nora Aunor and Rosanna Roces doing a project under Direk Darryl Yap?

Pika’s Pick: Rosanna Roces tells grandson Gab Revilla: “Mas piliin mo lagi maging mabuting tao. Wag mong tularan kaming mga nauna sa’yo” in her birthday message to him

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.