RR Enriquez, binanatan si Dawn Chang para depensahan si Toni Gonzaga: “So ikaw pwede mag-make stand? Si Toni hindi? So yung paniniwala mo lang ang importante? Yung paniniwala ni Toni hindi?”

Bukod kay Toni Gonzaga, dinipensahan din ni RR Enriquez si BBM. Kung may mali man daw na nagawa noon ang dating pangulo ay hindi ’yon kasalanan ang anak nitong si Bongbong. “Hindi pwede isisi sa anak ang nagawa ng magulang. Kung ang nanay mo pokpok sa mga Americano dahil uso yan dati sa clark, nabalita yan sa Tv so ang anak pokpok na din dapat kahit nakapag aral ng maayos at Doctor, abogado, nurse etc. na ngayon?”

PHOTOS: @rr.enriquez, @thedawnchang & @celestinegonzaga on Instagram

Bukod kay Toni Gonzaga, dinipensahan din ni RR Enriquez si BBM. Kung may mali man daw na nagawa noon ang dating pangulo ay hindi ’yon kasalanan ang anak nitong si Bongbong. “Hindi pwede isisi sa anak ang nagawa ng magulang. Kung ang nanay mo pokpok sa mga Americano dahil uso yan dati sa clark, nabalita yan sa Tv so ang anak pokpok na din dapat kahit nakapag aral ng maayos at Doctor, abogado, nurse etc. na ngayon?”

Nakakuha ng additional suporta ang sentro ng intriga ngayon na si Toni Gonzaga in the form of former Kapamilya TV host-actress RR Enriquez.

Inuulan kasi ng batikos si Toni matapos s’yang mag-host sa proclamation rally ng UniTeam nina dating senador Bongbong Marcos (BBM) at Davao City Mayor Sara Duterte noong February 8 sa Philippine Arena in Bulacan. 

Isa na rito ang aktres and former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Dawn Chang na diretsahang inusig si Toni sa kanyang Facebook post kagabi, February 9, by asking: “Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?”

Kabilang kasi sa senatorial lineup ni BBM - anak ng late dictator na si Pres. Ferdinand Marcos, Sr. - si SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta na isa sa 70 congressmen na bomoto para hindi na bigyan pa ng panibagong franchise ang ABS-CBN. 

Labis na ikinadismaya ito ng mga ABS-CBN supporters.

Pero para naman sa aminadong “sawsawera” na si RR, naging totoo lang daw si Toni sa kanyang sarili nang ipinahayag n’ya ang kanyang pagsuporta sa UnitTeam.

“I just believed that Toni stood up to what she believes in,” panimula ni RR sa kanyang mahabang IG post. 

Banat naman n’ya kay Dawn, kung ito daw ay may kalayaan sa pagpapahayag sa kanyang pinaniniwalaan, may ganu’n din naman daw na karapatan si Toni kaya hindi daw ito dapat diktahan.

“So if Dawn Chang say’s she will forever cherish standing up to what she believes in……. My question is…… So ikaw pwede mag make stand?! Si Toni hindi???? So yung paniniwala mo lang ang importante??? Yung paniniwala ni Toni hindi [?]” tanong n’ya sa aktres. 

Dagdag pa n’ya, iba-iba naman daw kasi ang naging epekto ng Martial Law ni Marcos sa mga mamamayan noon. May mga nakinabang sa magandang epekto at merong mga naging biktima kaya talagang magkakaroon ng mabahang pagtatalo tungkol sa usaping ito. 

“And one more thing.. Everybody has different views what happened in Martial law… Some people think Martial law is worst. Former President Marcos is worst… To some people hindi! He’s one of the best President!” ani RR.

Dagdag pa n’ya, kung may mali man daw na nagawa noon ang dating pangulo ay hindi ’yon kasalanan ang anak nitong si Bongbong.

“And gaya ng palagi ko sinasabi.. Hindi pwede isisi sa anak ang nagawa ng magulang. I already gave the example before,” paglalahad pa ng dating TV host. 

Paghahalimbawa n’ya, “Kung ang nanay mo pokpok sa mga Americano dahil uso yan dati sa clark, nabalita yan sa Tv so ang anak pokpok na din dapat kahit nakapag aral ng maayos at Doctor, abogado, nurse etc. na ngayon????”

Hirit pa ni RR, masyado daw nakakulong ang mga anti-Marcos sa past kaya puro diumano galit ang nasa dibdib nila. 

“Ya’ll live in the past kaya puro hatred nasa heart nyo.. Kilalanin nyo yung tao. Upuan nyo.. Maybe nagawa ni Toni yun at nakilala nya sila Marcos kaya she chose to support Marcos.. Stop judging him base on the past. Pag aralan nyo yung ngayon, yung mga plano nya. Yung mga nagawa nya!” saad pa n’ya.

Giit pa n’ya, hindi daw s’ya binayaran para sumuporta sa candidacy ni BBM.

“FYI: Hindi din po ako bayad.. Pero I stand for Marcos and I will vote Marcos!!!!!” diin ni RR.

Kinuwestiyon din n’ya ang mga nagagalit kay Toni sa pagsuporta nito kay Marcoleta gayong isa lang naman daw ito sa 70 congressmen na bomoto para hindi na makapag-renew ng franchise ang ABS-CBN. 

“Regarding sa pagkawala ng trabaho ng mga tao sa Abs Cbn.. Hindi natin alam ang tunay na nangyari. Madami ang nag vote at sumang ayon hindi lang isang tao diba?” tanong n’ya. 

“So why would you blame Toni if she wants to support Rodante Marcoleta, who voted against ABS-CBN’s franchise renewal, during the proclamation rally??? I’m sure meron din nagawa ang Abs Cbn bakit nangyari yan.”

Ayon pa sa dating co-host ng Wowowee, may unfair labor practices naman daw talaga noon ang TV network na tinalakay sa hearing nito sa kongreso noong 2020.

“Natatandaan ko dati during my time sa Wowowee napabalita yung mga nag rally na mga cameramen at iba pang mga empleyado ng abs cbn dahil bigla sila tinanggal ng Abs Cbn ng walang kalaban laban… There’s a lot of things happened na hindi kumpleto ang knowledge natin so please stop blaming Toni kung ano napili nya,” depensa pa n’ya sa nag-resign na PBB main host. 

“Para sa akin nakakalungkot talaga yung nangyari para sa mga nawalan ng trabaho. But life doesn’t end there. Ngayon pandemic madami nawalan ng work (hindi lang taga Abs-Cbn) madami ang nalugi ang business but that doesn’t mean na katapusan na ng mundo mo!! Baka mas may maganda pang nakalaan sayo,” pagtatapos ni RR.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.