Ruby Rodriguez, bumubuti na ang lagay matapos isugod sa ospital

PHOTOS: @rodriguezruby on Instagram

PHOTOS: @rodriguezruby on Instagram

Bumubuti na raw ang lagay ni Eat Bulaga! Dabarkads Ruby Rodriguez matapos s'yang isugod sa Manila Doctors Hospital noong isang araw, May 20, due to abdominal pain.

Sa kanyang Instagram post today, May 22, ibinahagi ng noontime show host na mas maayos na ang kanyang pakiramdam kumpara noong mga nakaraang araw.

"Im feelin better," Ruby said on her post. "Still feel pain but not like the other days."

Aniya, nakakatulong daw sa kanyang paggaling ang tanawin mula sa kanyang hospital room. Tanaw daw kasi mula roon ang Rizal Park, National Museum, ilang gusali sa Intramuros. Pero ang favorite view niya sa lahat ay ang view ng Manila Bay. Nawi-witness niya raw kasi ang sunrise at sunset mula sa kanyang all-glass windows.

"The view from my hospital room is the best specially sunset so nice it helps."

Pinasalamatan din ng TV host-actress ang mga kaibigan at taga-suporta na nagpa-abot ng kanilang well-wishes. 

"[T]hanks everyone for ur well wishes hopefully in a couple of days im out. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby) on

Ilan sa mga nagpahatid ng mensahe para kay Ruby ay ang mga aktres na sina Lovi Poe at Arlene Muhlach, mga kasamahan sa Eat Bulaga! gaya nina That's My Baes Tomas Penaflor at Joel Palencia,  co-hosts Pia Guanio at Paolo Ballesteros, at maging ang former Dabarkad-turned-Kapamilya na si Iza Calzado.

SCREENSHOT: @rodriguezruby on Instagram
SCREENSHOT: @rodriguezruby on Instagram

Get well soon, Ruby.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.