May ginawang paglilinaw ang Kapuso couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid tungkol sa nag-viral nilang photo kamakailan.
Ito ay ’yung photo kunsaan may suot si Bianca na singsing at hawak ni Ruru ang kamay niya na ipinost niya sa social media. May caption pa ito na: "I found the right one."
Maraming netizens ang nag-speculate na engaged na ang dalawa at ang larawan ang nagsilbi nilang announcement. May mga naghinala pang malapit na silang ikasal.
Pero sa interview ng dalawang Sparkle stars sa 24 Oras, nilinaw nila na hindi tungkol sa engagement nila ang post na iyon kundi patikim para sa pagsasamahan nilang teleserye sa ilalim ng GMA Public Affairs.
Ayon kay Bianca, matagal na raw ang photo na iyon na naka-store sa kanyang phone. Nilabas daw niya iyon dahil perfect time daw dahil for the first time ay magtatambal sila ni Ruru sa isang teleserye na ang title ay The Write One.
Nakipag-meeting na raw ang dalawa sa creative team ng GMA Public Affairs para sa magiging istorya ng teleserye nila ni Ruru.
Magsisimula na raw mag-taping ang dalawa bago matapos ang taon. Excited pareho sina Ruru at Bianca dahil sa magandang tema ng kanilang pagsasamahang teleserye.
“It’s about second chances. It’s about love. I guess the acceptance of what your story really is,” sey ni Bianca.
Tungkol naman sa engagement issue, sey ni Ruru: “’Yun ang gusto naming i-clear. Wala pang gano'n."
Tungkol naman sa singsing sa daliri ni Bianca, paliwanag ng aktres na tatlong singsing daw iyon na pinagsama niya at sumisimbolo iyon sa love, hope, self-worth, and respect.
Sey ni Bianca: "Sa pinakababa ’yung may diamond pear shaped, it’s a ring that came from Ruru. Second, ’yung may sapphire and blue diamond, that's the ring that I got for myself last year. The gold ring with the small diamond was an engagement ring of my mom. That symbolizes hope for me that she is with me always."
So, malinaw na walang engagement kundi taping ng teleserye ang magaganap kina Ruru at Bianca na huling nakitang magkasama sa “blood carpet” ng Halloween party ng Sparkle na The Sparkle Spell noong nakaraang October 23 sa Xylo at the Palace sa BGC, Taguig City.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber