Siyam na taon na mula noong huling gumawa ng pelikula si Ryan Agoncillo at ito ay ang Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap? para sa Film Development Council of the Philippines noon pang 2013.
Kaya naman maraming na-excite sa balitang muling sasabak ni Ryan sa pag-arte at mangyayari ito next year. At hindi lang ito basta acting comeback dahil ito ay para sa prequel ng pasabog na project ni Direk Erik Matti na On The Job: The Missing 8 na katatapos lamang humakot ng awards mula sa Gawad Urian at sa The EDDYS Awards for Movies.
Sa variety.com unang nabalita ang tungkol sa OTJ prequel na s'yang kukumpleto sa kanyang OTJ political crime thriller trilogy.
In the yet-to-be-titled prequel, gaganap si Ryan bilang si Rene Pacheco, isang military man na papasukin ang pulitika at makakatunggali niya ang isang corrupt na mayor, si Pedring Eusebio, na gagampanan naman ni Jericho Rosales, na huli namang napanood sa pelikula noong 2018 via The Girl in the Orange Dress.
Ang OTJ: The Missing 8 ang kasalukuyang representante natin sa Oscar's at ito rin ang pelikulang nagbigay kay John Arcilla ng kanyang Volpi Cup sa prestihiyosong 78th Venice International Film Festival noong 2021.
Samantala, kahit mas kilala si Ryan bilang TV and event host, may lalim ito sa pag-arte kaya tiyak na magkakakabugan sila ni Echo sa OTJ prequel na ito. Paniguradong na-challenge ang Eat Bulaga host sa kakaibang offer ni Direk Erik kaya nag-desisyon siyang basagin ang halos isang dekadang hindi pag-arte.
Naku, mas bongga sana kung isasama rin sa cast si Judy Ann Santos!
Sa third quarter pa ng 2023 magsisimulang gumiling ang kamera para sa nasabing proyekto ng Reality MM Studios nina Direk Erik at Dondon Monteverde.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber