Ryza Cenon, nakaramdam ng pressure sa pagko-comedy; bitbit hanggang sa set ang pagiging nanay

Mula sa kanilang bahay ay nadadala daw ni Ryza Cenon sa set nila ang pagiging ate at nanay niya sa kanyang co-star. “Nagiging ate po ako sa set minsan. Minsan lumalabas ’yong pagka-nanay ko po,” natatawang lahad n’ya.

PHOTOS: Melo Balingit

Mula sa kanilang bahay ay nadadala daw ni Ryza Cenon sa set nila ang pagiging ate at nanay niya sa kanyang co-star. “Nagiging ate po ako sa set minsan. Minsan lumalabas ’yong pagka-nanay ko po,” natatawang lahad n’ya.

Aminado ang aktres na si Ryza Cenon na may pressure sa kanya ang pagko-comedy dahil nasanay s’ya sa mga projects na heavy drama.

Inilahad n’ya ito kahapon, March 9, sa media conference for their upcoming Kapatid comedy series na Kurdapya

Tumatak na bilang serious actress si Ryza dahil sa mga ginampanan n’yang mga karakter sa mga teleseryeng Ika-6 na Utos, FPJ’s Ang Probinsyano, The General’s Daughter, at FPJ’s Batang Quiapo.

Kaya naman kinumusta ng entertainment press ang pagko-comedy n’ya dahil alam ng lahat na bago ang genre'ng ito sa kanya. 

Na-excite ako na may pressure kasi s’yempre iba po sa akin ’to, e. Talagang first time kong gumawa ng comedy,” lahad ng aktres sa press people.

Dahil first time, hindi daw niya maiwasang madala sa mga eksena nila ang pagiging serious actress n’ya. 

Sabi ko nga kay Direk [Easy Ferrer]… nagmi-meeting kami n’yan, na sobrang challenge sa akin ’to. Minsan kasi nade-deliver ko ng serious ’yong scene,” natatawang kuwento n’ya.

Sabi n’ya [Direk Easy], ‘I-light mo lang kasi nagiging serious drama [ang dating].’ Kasi doon ako nasanay.

Masasabi naman daw n’ya na maayos n’yang nagampanan ang role n’ya bilang si Margie, ang pa-sweet na kontrabida sa mga kambal na karakter ni Yassi Pressman. 

Pero ’yon nga, ’yong pagiging mataray ko dito medyo nakakatuwa. Mapapansin n’yo weird nu’ng atake pero okey naman s’ya,” pagtitiyak ni Ryza.

Sa kabila ng pressure, happy daw ang aktres na nabigyan s’ya ng chance na masubukan ang mag-comedy at hindi s’ya nakakahon sa mga seryosong kontrabida roles. 

Lahat naman po ng artista gustong maka-try ng ibang genre para makapag-explore. For me, lagi kong sinasabi na challenge ito pero kailangan kong gawin para ma-experience ko s’ya. Nag-e-enjoy naman po ako,” aniya. 

Thankful din s’ya na napuri ng press people ang look n’ya ngayon. 

Natanong pa nga s’ya kung ano ba ang sikreto n’ya na kahit kasi pamilyado na ay nami-maintain pa rin n’ya ang pagiging mukhang bagets. 

Masaya lang po siguro. Natutuwa rin po ako na makasama silang lahat,” nakangiting sagot ni Ryza.

Pag-amin pa n’ya, nadadala n’ya sa set nila ang pagiging ate at nanay niya sa kanyang co-star.

Nagiging ate po ako sa set minsan. Minsan lumalabas ’yong pagka-nanay ko po,” natatawang lahad n’ya.

“So, natutuwa po ako na makatrabaho sila, especially si Direk. First time ko maka-trabaho si Direk.”

Malaki rin daw ang pasasalamat n’ya sa Viva dahil dinadagsa na naman s’ya ng projects ngayon. 

Ipapalabas na sa mga sinehan ang movie nila ni Joseph Marco na Kunwari Mahal Kita, napabilang s’ya sa action series na FPJ’s Batang Quiapo, at heto't kasama s’ya ngayon sa Kurdapya

Sobra’ng pasasalamat ko sa Viva na after three years na pahinga hindi po nila ako pinabayaan,” pagtatapos ni Ryza.

Maliban kina Ryza at Yassi, kasama rin sa Kurdapya sina Marco Gumabao, Nikko Natividad, Katya Santos, Lander Vera Perez, Jela Cuenca, at marami pang iba.

Mapapanood ang Kurdapya simula March 18, 6:00 PM sa TV 5, at March 19, 8:00 PM sa Sari Sari Channel.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ryza Cenon, binalaan ang partner na si Miguel Cruz na wag siyang sosorpresahin ng proposal; “‘Baka mamaya di pa ako ready, mapahiya ka.’”

Ryza Cenon, nawindang sa water bill nila na umabot sa mahigit P120K; “Ano kami may carwash?”

Ryza Cenon, nahikayat magpa-check ng dibdib ng kaibigang si Chynna Ortaleza

Exclusive: Ryza Cenon, aminadong may post-partum [depression] pa rin

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.