Sa “baklang nagiging lalaki pag lasing” analogy kaugnay ng Christine Dacera case, may tanong si Ogie Diaz: “Bakit ako ang naging sampol?”

PHOTO: @ogie_diaz on Instagram

PHOTO: @ogie_diaz on Instagram

Ikinatawa ng Netizens ang reaksyon ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz matapos s'yang gawing halimbawa sa naging statement ni Makati City police chief Col. Harold Depositar na nagiging lalaki daw ang isang bading kapag ito ay nalalasing. 

Kaugnay ang statement na ito ni Depositar bilang pangontra sa naging pahayag ni Gregorio de Guzman last January 5 na s'ya ay isang homosexual at hindi sexually attractive sa kanya ang mga babae. 

Isa kasi si de Guzman sa labing isang naakusahan ng panggagahasa at pagpaslang sa flight attendant na si Christine Dacera na natagpuang walang buhay sa bathtub ng inupahan nitong kwarto sa City Garden Hotel sa Makati City noong January 1. 

Naging national issue na since then ang kaso.

Pahayag ni Depositar sa media: "Lalaki pa rin sila. May instinct ‘yan and… you know, lalo na if you’re under the influence of intoxicating alcohol, and kung may presence of drugs pa — lalo na."

Umani ng samu't saring reaksyon sa social media ang naging pahayag na ito ng Makati City police chief. 

May ilan din na naghalimbawa sa komedyanteng si Ogie Diaz, na bagama't openly gay ay may asawa at limang anak, sa sinasabi ni Depositar. 

Kaya naman kahapon, January 7, nagbahagi si Ogie ng ilang detalye sa personal n'yang buhay sa social media para linawin ang pagkakasali ng kanyang pangalan sa issue. 

"Bakit ako ang ginagawang sampol sa 'Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalake din'?" panimulang tanong ng komedyante sa kanyang Facebook page.

"Una, kahit itanong nyo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing," patatapat n'ya.

Dagdag rebelasyon pa ng talent manager: "Pero totoo sa akin yung when it comes to intimacy kineso eh para din akong straight barako. Pero after cumming to town, titikwas na naman ang mga daliri ko."

Swabe din s'yang bumanat sa mga pulis na humahawak sa kaso ng namatay na flight attendant.

"Saka sa mga kapulisan natin, husayan na lang po natin ang imbestigasyon. Hanapin na lang po natin ang katotohanan at tulungan nyo na lang po ang pamilya ng biktima at mga sangkot na makamit ang hustisya sa maintrigang pagkamatay ng flight attendant.

Litanya pa ni Ogie: "Bumabagsak na po ang morale ng mga kapulisan dahil sa maling opinyon at baluktot na katapangan ng ilan.

"Dapat pag pulis ang pinag-uusapan, kasunod nang deskripsyon diyan ay proteksyon at seguridad — hindi takot at pangamba.  

"Pwede naman nating iangat ang dignidad at integridad ng kapulisan eh. Pero nagsisimula yan sa kanilang hanay, pupuri lang kami kung may kapuri-puri."

Sa dulo ng kanyang FB post ay nakuha pa n'yang magbiro na bumenta naman sa Netizens. 

"Teka. Ba’t napunta na sa pulis ang usapan? So yun nga, mahusay din po ako in bed, charot," pagtatapos ni Ogie.

 

Bakit ako ang ginagawang sampol sa “Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalake din”? Una, kahit itanong nyo sa misis ko,...

Posted by Ogie Diaz on Wednesday, January 6, 2021

As of this writing ay meron ng mahigit 11K na reactions ang post na ito ni Ogie sa Facebook.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ogie Diaz, niyaya daw ng isang aktor para sa "one night stand" noon; inamin ding na-in love kay Michael Locsin at Romnick Sarmenta

Enchong Dee and Ogie Diaz slam MMDA spox Celine Pialago for her "drama serye" remark against grieving political prisoner Reina Mae Nasino

Donita Nose at Ogie Diaz, dinipensahan si Tekla matapos itong ipa-Tulfo ng live-in partner; ebidensyang video, “planted” umano sabi naman ng manager ni Tekla

Ogie Diaz confirms that Liza Soberano and Enrique Gil's "Make It With You" will no longer air on the Kapamilya Channel

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.