Sa kumukuwestiyon kung bakit inuuna pa niyang tulungan ang ibang lahi gaya ni Miss Myanmar, sagot ni Pokwang: “...hindi ko na iisa-isahin ‘yon [mga tulong ko sa Filipino].”

PHOTOS: @itspokwang27 & @missuniversemyanmar_official on Instagram

PHOTOS: @itspokwang27 & @missuniversemyanmar_official on Instagram

Sinagot ng comedienne-TV host na si Pokwang ang mga kumukuwestiyon sa inaalok n’yang tulong kay Ma Thuzar Wint Lwin na naging pambato ng bansang Myanmar sa katatapos lang na Miss Universe pageant sa Florida, USA.

Matatandaan kasing inalok ng actress-entrepreneur ang kanyang tahanan sa Burmese beauty queen matapos lumabas ang balita na aarestuhin ito kapag umuwi ito sa kanilang bansa. 

Ginamit kasi ni Thuzar ang Miss Universe pageant as her platform para ipakita sa buong mundo ang nagaganap na political crisis ngayon sa Myanmar matapos i-take over ng militar ang kanilang gobyerno noong February 1.

Sa vlog entry ni Ogie Diaz with Mama Loi na in-upload sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel kahapon, May 20, ay nagpaabot ng video message si Pokwang para kay Miss Myanmar.

Dito ay ipinaliwanag n’ya kung bakit napukaw ang kanyang damdamin sa beauty queen.
 
“I’m a fan of a woman like you who are very courageous and who stand for what’s right for her country,” sey ni Pokwang sa video, directly addressing Thuzar.

“And I just want you to know that I’m a huge fan of yours because you’re very strong and very powerful. Again, you are courageous and I like that.”

Muli rin n’yang inulit ang kanyang naging tweet kamakailan na bukas ang kanyang bahay at pamilya para kay Thuzar kung sakaling pupunta ito sa Pilipinas. 

“I just want you to know you have a friend here in [the] Philippines,” pahayag ni Pokwang. “I’m willing to open my house, my humble home for you if you want to visit us and be a good friend. I just want you to know my family is very proud of you.”

Pahabol na mensahe pa n’ya kay Miss Myanmar, “I Just want you to know na I’m very, very proud of you. I’m always praying for you and your family. Stay safe and God bless you and protect you. And God bless your country, of course. God bless, Myanmar.”

Sinagot n’ya rin ang isang netizen na kumukuwestiyon sa kanyang alok na tulong kay Miss Myanmar. Puna kasi nito kay Pokwang, mas inuuna daw ng Pinay comedienne na tulungan ang ibang lahi kesa sa kanyang mga kababayan. 

“Hahaha sa ibng lahi bukas palad nya pro paano sa kapwa pilipino mo tindi mo nman mas mahal mo p ung ibng lahi kysa sa kapwa m n mas nangangailngan,” hanash ng netizen sa Twitter. 

Sagot naman ni Pokwang sa kanya sa video: “Du’n sa mga nagsasabi na bakit daw maraming mahirap naman sa Pilipinas, bakit hindi ko raw ampunin? Bakit daw si Miss Myanmar pa?

“Excuse me, kung talagang followers ko kayo, legit ko kayong fan, alam n’yo kung anong ginagawa kong pagtulong,” pagpapatuloy n’ya. “At hindi ko na iisa-isahin ‘yon. Ang importante, alam ni God kung anong ginagawa ko. Hindi ‘yong mga naka-data lang, na makapag-comment lang. Okey? Kalma.

Nagbigay rin ng mensahe ang Mommy Issues lead actress sa naging kandidata ng Pilipinas na si Rabiya Mateo na kapwa n’ya Ilonggo.

“Rabiya, palangga, kapwa Ilongga. Hindi lang ako marunong mag-Ilongga kasi sa Antipolo na ako lumaki. My family is from Zarraga. My tatay is from Zarraga and my nanay naman is from Bais, Negros [Oriental],” panimula ni Pokwang.

Gusto kong malaman mo, hindi man natin nakuha ang crown, winner na winner ka naman sa puso ng bawat Pilipino at, lalong lalo na s’yempre, nang mga nagmamahal sa’yo, ‘yong mga tunay mong kaibigan, ‘yong pamilya mo. Ang importante, safe ka lagi at makarating ka ng safe dito sa ating bansa.

Pinayuhan rin n’ya si Rabiya na ‘wag nang pansinin pa ang mga nambabash sa kanya sa social media.  

‘Wag mo nang iniintindihin ‘yong kung ano-anong hinahanash [ng iba], no?” aniya. “Alam mo naman ‘yong ganyang tao, madilim ang buhay. 

Diin pa ni Pokwang, “Ang importante, you bring sunshine in every Filipino who watched you, supported you. ‘Yon ang importante du’n. ‘Yon lang. And maganda basta Pilipina. Lahat tayo maganda.”

Hindi naman sinasadyang nakapag-joke pa ang komedyana sa pagsasabing kamukha daw n’ya ang Hollywood actress na si Lucy Liu. Naihambing n’ya kasi ang ganda ng mga Latina candidates sa Miss Universe sa mga local Pinoy celebrities. 

‘Yong mga nakalaban mong mga Latina, makikita mo nga ‘yang mga mukha nila dito, sa mga artista natin dito. ‘Wag lang sa akin. Hindi n’yo makikita. Si Lucy Liu ang makikita n’yo sa’kin. Chos!” natatawang pagbibiro n’ya. 

Ibig sabihin, ang Pilipinas ay bansa nang magagandang tao. Sana hindi lang panlabas na kaanyuan kundi pati sa puso,” pagtatapos ni Pokwang.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Pokwang and daughter Malia visit future summer home in Bataan

"Tenant" ni Pokwang, ayaw magbayad ng rent?

Pika's Pick: Pokwang decries tactic of a dating site that uses her and husband to entice signees

Dahil sa panic, Pokwang, sinermunan ang PBB housemate-turned-vlogger na si Baninay Bautista dahil sa umano’y “clickbait” na titulo ng vlog nito; nobyo ni Baninay, dumipensa

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.