Sa muling pagganap ng mga gay roles, Baron Geisler, gandang-Sheryl Cruz daw ang aura

In his upcoming action-comedy movie na Barumbadings, transvestite ang role ni Baron along with Jeric Raval and Mark Anthony Fernandez.  At ani Baron, kinarir niya ang “pagpapaganda,” “Ayoko magpatalo. Gusto ko mas maganda ako sa kanilang dalawa.”

PHOTOS: @baron.geisler on Instagram & @YouthAndPower2016 on Facebook; INSET: @officialsherylcruz on Instagram

In his upcoming action-comedy movie na Barumbadings, transvestite ang role ni Baron along with Jeric Raval and Mark Anthony Fernandez.  At ani Baron, kinarir niya ang “pagpapaganda,” “Ayoko magpatalo. Gusto ko mas maganda ako sa kanilang dalawa.”

Masaya at nag-e-enjoy daw ang aktor na si Baron Geisler sa pagganap sa mga gay roles na ibinibigay sa kanya kahit pa medyo challenging din ang mga ito for him. 

Ito ang inilahad ng Viva actor sa virtual tsikahan n’ya with Roldan Castro, Nonie Nicasio, Chuffa Mae Bigornia sa online show na Tonite L na L sa Facebook page ng Abante Tonite last September 3.

Napag-usapan kasi sa show ang nalalapit n’yang TV series entitled Di Na Muli produced by Cignal Entertainment and SariSari Network, Inc. na ipapalabas TV5. 

Gusto ko lang i-promote’yong sa Channel 5. Viva Production po ito,” pagbabahagi ni Baron. 

“It’s called Di Na Muli. Sa September 18 na ilalabas, starring Julia Barretto, Marco Gumabao, Marco Gallo, and many, many more. It’s a fun, light, dramatic serye so, maganda ’to. It’s very entertaining, actually.”

Nang matanong ang mahusay na aktor kung ano ang role n’ya sa upcoming teleserye, natatawang sagot n’ya, “Babae. Hahaha! Parang si Chuffa Mae. Bongga! Kasing ganda ko si Chuffa Mae doon… Malandi ako dito. Hahaha!”

Hindi daw na bago kay Baron ang gumanap sa mga role na ganito at nag-e-enjoy daw s’ya sa pagbibigay-buhay sa mga ganitong karakter sa pelikula. 

Madami ng beses [akong gumanap na bading]. ’Yong Jay na ginawa namin nina Direk Francis [Pasion] noong 2008. And then ’yong Jologs nu’ng 2005 po ata o 2004. At marami pang iba,” pagre-recall pa ng aktor.

Hindi na s’ya bago for me. I enjoy playing gay roles and I have one coming out in November. Hindi ko alam kung definite pero ang sabi po sa akin November 8 lalabas po ang Barumbadings, directed by Darryl Yap.”

Ang Barumbadings ang upcoming LGBTQ film ni Direk Darryl Yap kung saan kasama ni Baron ang mga aktor na sina Mark Anthony Fernandez at Jeric Raval na pawang gaganap bilang mga cross-dressing gays.

At dahil sa kanya na rin nanggaling na hindi na sa kanya bago ang mga gay roles, natanong pa si Baron kung natsa-challenge pa ba s’ya playing those characters.

Opo, s’yempre,” sagot n’ya. “Medyo masakit sa balakang at sa paa kasi itong Barumbadings kailangan girl talaga. Feeling ko ako si Rochelle [Pangilinan] ng SexBomb [Girls], parang ganu’n. 

Pero habang naka-high heels kami nina Mark Anthony Fernandez and ni Sir Jeric Raval, e, umuupak po kami ng mga tao. Action po ito.

Hindi kaya sila nagpatalbugan sa pelikula?

Sa gandahan, medyo. Hahahaha! Ayoko magpatalo. Gusto ko mas maganda ako sa kanilang dalawa,” tugon pa ni Baron. 

Pero actually, in all fairness, pantay lang ’yong ganda naming tatlo. So, maganda. Nag-blend naman.

Napuri pa n’ya ang “beauty” ng kanyang mga Barumbadings co-stars. 

Si Sir Jeric, mas maganda s’ya sa anak n’yang si AJ [Raval]. Mukhang ano, e…Singaporean-Japanese beauty, e,” pagbibida ni Baron. 

Si Mark Anthony naman, a better version of Ms. Alma Moreno. Parang ganu’n ’yong ganda n’ya, ’di ba? Hahahaha!”

E, sino naman kaya ang kahawig ng beauty n’ya sa movie?

Parang feeling ko kamukha ko si Sheryl Cruz, e. Hahahaha!” aniya.

Pero kahit daw action-comedy ang Barumbadings, may lesson pa rin daw na mapupulot dito ang kanilang audience. 

“[Para sa akin] mapa-lalaki, mapa-babae, bakla, tomboy… Parang sa pandemya, ano? Lahat tayo nakakaranas ng ganitong pang-aapi, pang-aabuso, pinagtatawanan,” paliwanag n’ya.

Pero ang atin dito, pinaglalaban natin ’yong karapatan natin bilang tao maging sino pa man tayo basta nasa tama tayo, wala tayong sinasaktan. Pero pag tayo minaliit kailangan nating tumayo. Parang ganu’n,” pagtatapos ni Baron. 

Anyway, bago ang Barumbadings sa November, mapapanood muna si Baron sa Di Na Muli na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Marco Gumabao, at Marco Gallo, kasama sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Katya Santos, Lander Vera-Perez, Mickey Ferriols, Liz Alindogan, Andre Yllana, at marami pang iba, simula September 18 sa TV5.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Baron Geisler, ginalingan mag-artista matapos mabato ng script sa mukha ng isang direktor noong araw

Baron Geisler at misis na si Jamie Evangelista, “magpapatulong sa Science” para makabuo ng anak na lalaki

Baron Geisler to begin training to become Philippine Navy reservist

Baron Geisler pleads to netizens not to bash Liza Soberano for her statement on “Tililing” poster

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.