Sa pagtatanggol kay Toni Gonzaga, Robin Padilla tinawag na bully si Direk Erik Matti

PHOTOS: @ROBINPADILLA.OFFICIAL, @erikmatti & @tonigonzagastudio on Facebook

PHOTOS: @ROBINPADILLA.OFFICIAL, @erikmatti & @tonigonzagastudio on Facebook

Ipinangtanggol ng aktor at tumatakbong senador na si Robin Padilla ang TV host-actress na si Toni Gonzaga mula sa batikos ng direktor na si Erik Matti.

Isa kasi si Direk Erik sa mga tumuligsa kay Toni matapos itong magpahayag ng suporta sa UniTeam nina former senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte. 

Kabilang pa dito ang senatoriable na si SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta na isa sa 70 congressmen na bumoto para hindi na gawaran pa ng franchise ang ABS-CBN.

Sa kanyang social media post noong February 9, pinuna ni Matti ang pagiging “unbothered” ni Toni gayung ang sinusuportahan nitong kandidato ay ang anak ng dating diktador na maraming umanong kasalanan sa bayan.

Inihalintulad din niya ang kalupitan ng Nazi leader na si Adolf Hitler sa mga Jews sa dinanas ng mga Martial Law victims sa Pilipinas sa panahon ni dating Presidente Ferdinand Marcos, Sr.

“To give your support to any political candidate whether or not out of affinity, blood or loyalty is between you and your conscience. You can do whatever you want with your celebrity power and God’s guidance because this is a free world, after all. But to be brazen, arrogant and snooty makes all of it despicable, disgusting and really crude,” bahagi pahayag ng direktor sa kanyang post. 

Sinalag naman ni Robin ang patutsadang ito ni Direk Erik kay Toni.

Sa kanyang Facebook post kahapon, February 10, sinabi n’yang nakikisali pa diumano ang direktor sa mga taong bumabatikos sa aktres dahil sa kanyang political stand. 

“Ano ba yun napanood mo na sinasabi mo Erik [M]atti [?] Baka propaganda ang ibig mo sabihin. [N]akikisawsaw ka pa sa pagbanat kay TONI G,” pangunang banat ng action star. 

Gaya ng sentimiyento ng mga taga-suporta ng aktres, sinabi ni Robin na karapatan ni Toni na suportahan ang kandidatong gusto nito. Hindi rin naman daw pinakikialaman ng TV host-vlogger kung sino ang susuportahan ni Direk Erik sa eleksyon. 

“Kung May karapatan ka sumuporta sa kandidato mo May karapatan din si TONI G. Hindi ka naman pinakikialaman ng Tao sa sinusuportahan mo. Pa inglis inglis ka pa,” paalala ni Binoe. 

Dagdag pa n’ya: “Artistic at Political freedom niya yun kung sino ang gusto niya suportahan. You love to talk about freedom but you don’t respect the freedom of others”

Tanong pa n’ya kay Matti, “Director ka diba[?] [K]asama sa pinag aralan mo ang pag alam sa two sides ng istorya. Anong makuha mo in Bullying a woman[?]”

 

Ano ba yun napanood mo na sinasabi mo Erik matti Baka propaganda ang ibig mo sabihin nakikisawsaw ka pa sa pagbanat kay...

Posted by Robin Padilla on Wednesday, February 9, 2022

Halos lahat ng nagkomento ay sang-ayon kay Robin. At press time ay meron ng 46K likes, 7K plus comments, at almost 3K shares ang nasabing post ni Robin.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.