Sa tagal na walang dyowa, Angelica Panganiban, muntik na raw magpa-freeze ng eggs

Isa raw sa magiging malaking pagbabago kay Angelica Panganiban ay sigurado daw na magiging pihikan na siya sa pagpili ng trabaho once maging nanay na siya. “Ano ang magiging kasing-worth ng time mo at moment mo na kasama mo siya [baby]? Para iwan mo siya at gawin mo ’tong project na ’to. “I’m sure mami-miss ko...mami-miss ko rin ang mga tao, mami-miss ko rin talaga. “Pero, iba ’to. Ang tagal ko ’tong hinintay, e. Ito na ’yun, e. Wala akong ibang tanging pangarap sa buhay ko kung hindi magkaroon ako ng sariling pamilya.”

Photos: @iamangelicap

Isa raw sa magiging malaking pagbabago kay Angelica Panganiban ay sigurado daw na magiging pihikan na siya sa pagpili ng trabaho once maging nanay na siya. “Ano ang magiging kasing-worth ng time mo at moment mo na kasama mo siya [baby]? Para iwan mo siya at gawin mo ’tong project na ’to. “I’m sure mami-miss ko...mami-miss ko rin ang mga tao, mami-miss ko rin talaga. “Pero, iba ’to. Ang tagal ko ’tong hinintay, e. Ito na ’yun, e. Wala akong ibang tanging pangarap sa buhay ko kung hindi magkaroon ako ng sariling pamilya.”

Sa pamamagitan ng YouTube vlog ng kaibigang si Meryll Soriano, ang Dear Mama Meme, unang nag-open-up ang actress na si Angelica Panganiban tungkol kanyang first pregnancy journey.

Sa pag-uusap nila ni Meryll, kumpirmado ngang sa Subic na talaga nakatira ang celebrity mom-to-be dahil doon nakapirme ang partner at ama ng kanyang dinadala na si Greg Homan.

Ayon pa kay Angelica, magmula umano nang mag-desisyon siyang magkasintahan na bumuo na ng pamilya ay sumige na raw sila sa kaka-try na magbuntis siya. Umabot na raw ng halos isang taon ang kanilang attempt na ito.

Kaya noong mag-positibo siya sa pregnancy test, ’yun daw ang mga panahong hindi na sila halos umaasang dalawa na magbubuntis siya.

“Nagta-try kami ng jowa ko… ng partner ko for a year. Alam yan ng mga close friends ko. ‘Ano ba? Ano ba ang sikreto? Ano ba ang mga dapat gawin?’ S’yempre, ginawa namin ang mga dapat gawin. May mga doctors kaming kinausap. May mga pinainom na vitamins...”

Tinigil na rin daw ni Angelica ang ilang bisyo niya tulad ng pag-inom ng alak.

Pero bandang September daw last year noong makaramdam siya na parang nawawalan na sila ng pag-asa. Sa kabila raw kasi ng mga efforts nila, parating negative pa rin ang kinakalabasan ng mga pregnancy tests niya.

Kaya noong birth month niya, November, nag-desisyon silang mag-pause muna sa pagta-try at palipasin muna ang Pasko.

“Noong dumating ang birthday month, aba’y tinodo ko naman. Na-miss kong uminom. Na-miss ko ang chikahan with friends again. S’yempre, tinuloy-tuloy ko na hanggang mag-Pasko, mag-Bagong Taon. Inisip namin ng jowa ko, ‘Naku, sa January na lang ulit tayo. Gawin nating New Year’s resolution. Pahinga muna tayo ng mga dalawang buwan,” natatawang balik-tanaw niya.  

Pero kung kailan nga raw nila hindi inaasahan, saka naman nangyari ang inaasam nila.  

Ang akala raw niya ay PMS (premenstrual syndrome) lang ang nararanasan niya kung kaya nagiging mainitin ang ulo niya at irritable siya. Akala rin daw niya ay  daratnan lang siya ng kanyang monthly period. 

“Hanggang sa parang napansin ko, mga 15-18 days na ‘’kong delayed. Hindi ko talaga inisip na maaaring buntis ako dahil lahat ng ginawa ko noong December, kabaligtaran sa bilin ng doctor. 

“Parang sinasabi pa ni Greg, ‘Mag-pregnancy test ka kaya.’ Sabi ko, ‘Hindi na, naku, masasaktan lang ako. Hindi naman. Imposible. Kung babalikan ko rin ‘yung calendar, busy tayo no’n, ni wala nga yata tayong panahon na makabuo.’”

Natatawang kuwento pa ni Angelica, meron daw kasi siyang ovulation app.  At dahil hindi pa siya nagla-log na nagkaroon na siya ng period, nagpa-pop na raw ang congratulations message sa kanya ng naturang app.

“Alam mo, ang lakas makabaliw nitong app na ’to, e! Ginagano’n ko pa siya.”

At nagkataon nga raw na mula sa Subic, nagbiyahe siya papuntang Antipolo para sa lock-in taping niya sana sa isang sitcom kasama si Piolo Pascual.

Noon lang daw napansin ni Angelica na panay ang “May I go out” niya dahil lagi raw siyang naiihi. At dahil naka-RT PCR swab test na siya, hindi raw siya makababa sa kahit anong stopover para umihi.

Natatawang k’wento pa niya, “Nakakahiya kasi, parang naki-CR lang ako sa taping.”

Nang mag-pregnancy test nga siya, nakita niya raw ang two lines at do’n lang niya nalamang buntis siya. Kaya sa halip na mag-taping, bumalik na lang siyang muli sa Subic.

“Iba pala ’yung feeling kapag dumating siya sa’yo. ‘Yung parang talagang nanginig ang buong katawan ko. Kasi, naalala ko, binabasa ko ’yung paper na kasama sa pregnancy kit. Na kahit fade ’yung second line, pregnant ka.

“Ilang beses ko na nabasa ’to, pero gusto kong ulit-ulitin na tama ’yung nababasa mo. Dumating talaga sa point na, ‘Buntis talaga ’ko?! Wait lang, ano nangyayari? Ano nangyayari? Ba’t ako nandito?’

“Ning, umihi lang ako sa taping, kailangan ko ng umalis. Nakakahiya!  Napaka-bibo ng anak ko. Alam mo na,” biro pa niya.

At dahil sa pagbubuntis at pagkakaroon ng matatag na relasyon, tila marami nang ipinag-iba sa mga ugali at desisyon ni Angge—palayaw ni Angelica—sa buhay.

As needed by her status, kailangan munang mag-lie low ni Angge sa showbiz.

“Hindi ko na nga alam kung kaya ko pang bumalik sa work, e,” natawang pag-amin niya. “Kaya ko bang umalis? Kaya ko bang iwan ’to [anak ko]? Hindi ko alam. Ngayon, kapag may nagsasabi sa akin na,  ‘Kapag kailangan mo nang magbabantay [sa bata], nandito lang ako.’ Do’n pa lang, nasasakal na ako. Parang, ‘’Wag n’yo kong pangunahan.’”

Isa pang ngayon lang ay wino-worry na niya ay ang mga kalokohan niya noong kabataan niya na posibleng ma-discover ng anak niya in the future.

“Well, ngayon pa nga lang parang gusto kong ipa-delete ’yung mga interview ko in the past, ’di ba? ’Yung mga iba mong kalokohan,” natatawang tsika niya

“Naku, kapag na-research ito ng anak ko, maibabalik sa akin ’yung mga pagkakamali ko noon. Wala na tayong magagawa ro’n.  Kailangan ko na lang gawan ng paraan ’to para maging positive sa anak ko.”

Isa pa rin daw sa magiging malaking pagbabago sa kanya ay sigurado daw na magiging pihikan na siya sa pagpili ng trabaho once maging nanay na siya.

“Ano ang magiging kasing-worth ng time mo at moment mo na kasama mo siya? Para iwan mo siya at gawin mo ’tong project na ’to.

“I’m sure mami-miss ko...mami-miss ko rin ang mga tao, mami-miss ko rin talaga. Pero, iba ’to. Ang tagal ko ’tong hinintay, e. Ito na ’yun, e.  Wala akong ibang tanging pangarap sa buhay ko kung hindi magkaroon ako ng sariling pamilya.”

Sa ngayon, ang gusto raw rin niyang gawin ay mag-online school.

Gusto kong matutong magturo. Mga ‘Early Learnings’ sa mga bagets. Hindi ko alam kung ia-apply ko siya or gusto ko lang magkaroon ng knowledge about it.”

Hindi pa man naipapanganak ni Angelica ang baby nila ni Greg, pero ang kinabukasan na raw ng baby nila ang nasa isipan niya.

“Totoo pala ’yun na kapag magiging nanay ka na, wala ka ng ibang iisipin kung hindi ang future ng anak mo. Kahit feeling mo nakapag-ipon ka—wow, six years old pa lang ako, pareho tayong child star, ’di ba? Bagets na bagets pa lang, e, kumakayod na tayo.

“Parang feeling mo lang may ipon ka, pero hindi ka pala matatahimik.  ‘Ano pa? Ano pa ang p’wedeng pagkakitaan?’”

Tinanong din ni Meryll si Angelica kung ano raw ang mga natutunan niya sa kanyang journey to where she is now—an incoming mom—na p’wede niyang ibahagi sa mga nanays at nanays-to-be na nanonood sa kanila.

“Hindi pa naman ako expert,” sey niya. “Pero siguro karamihan sa inyo, nanonood din or kumukuha ng tips, gustong magka-anak. Ang tagal ko diyan sa ganyang situation.

“Magmula siguro noong mga 25 years old ako. Noong malaman ko na adopted ako, tumatak na ‘yon sa isip ko na sana ibalik naman sa akin ni God na isang araw, magkaroon din ako ng sariling pamilya.

“Simula no’n, nagmamahal ako, nagkakaroon ako ng mga jowa, iniisip ko na ’yon. ‘Eto kaya? Eto kaya ang makakasama ?’ And then, hindi. So, kasama ‘yon. Kasama ’yon palagi sa sakit na nararamdaman ko. 

“Ang tagal kong naging single so dumating na rin ako sa point na magpapa-freeze ng egg. Ang dami ng option na sinubukan. Parang trinopa ko rin si God sa moment na ’yon. ‘Hindi, God… alam kong ibibigay Mo ’to sa akin.’

“Kaya no’ng nangyari siya, iba rin. Pero siguro, ang pinakamaganda sigurong nangyari no’ng kumalma ko. Hindi ko kinulit ang universe, hindi ko kinulit si God. Hinayaan ko siya na ibigay Niya sa tamang tao, sa tamang panahon. Kaya naniniwala ako na kanya-kanyang panahon ‘yan sa pagbibigay ng magandang blessing dito sa atin.”

Sa huli, kung may gusto man daw siyang iwanang marka sa mundo, ano ito?

“Hindi ko alam,” saad naman ni Angelica. 

“Siguro, sana matandaan ako ng mga tao na. masayahin, solid na tropa, Kapamilya. So far, ’yun pa lang. Hindi ko pa alam ang susunod na gagampanan ko sa buhay ko.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angelica Panganiban, niratrat ang basher na “affected sa salitang magnanakaw.”

Pagbubuntis ni Angelica Panganiban, ipinagbunyi nina Kim Chiu, Bea Alonzo, Marian Rivera, Glaiza de Castro at marami pang iba; Zanjoe Marudo, nag-prisinta agad mag-ninong

Once-upon-a-time sexcapade ni Angelica Panganiban sa isang foreigner, idinitalye niya sa isang podcast; “Ang laki ng (bleep)! Ayokong magpatira!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.