Sa tanong kung hunky ba ang next boyfriend na gusto niya, Julie Anne San Jose, napa-“Oh, my God!”

“I am surprised kasi, tanggap ng tao ’yung team-up naming dalawa ni David.”—Julie Anne on the warm public reception on her teamup with David Licauco for the TV romcom, Heartful Café

Photos: @myjaps | @davidlicauco | @heartful_cafe_official

“I am surprised kasi, tanggap ng tao ’yung team-up naming dalawa ni David.”—Julie Anne on the warm public reception on her teamup with David Licauco for the TV romcom, Heartful Café

Kahit na sa mga nakaraang interviews ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ay sinasabi nitong sa singing niya muna gustong mag-focus, pero mukhang hindi niya nagawang tanggihan ang bagong serye na Heartful Café na magsisimula nang mapanood simultaneously sa GMA-7 at GMA Heart of Asia on April 26, Lunes ng gabi.

“Yung previous series kasi na nagawa ko before, puro mga drama po. Parang first time ko lang to do romcom,” saad ni Julie Anne sa naging virtual mediacon for Heartful Café.

Nag-“yes” din daw siya agad nang sabihan siya na mag-audition para sa role na ginagampanan niya bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist at coffee enthusiast. Na-in love daw kasi siya sa concept ng show.

“At first time ko rin talaga na magkaroon ng romcom,” excited na ulit niya. “Sobrang nag-look forward ako kasi magaling ’yung team namin, ’yung production namin at sobrang light lang ng script.”

Bukod sa halos first time rin daw niyang maka-trabaho ang lahat sa cast, kabilang ang leading man niyang si David Licauco, first time rin daw niyang makakaranas ng lock-in taping.

“First time kong mag-lock-in taping which is new normal for a lot of us because of the pandemic nga rin. 

“At noong nag-preview kami ng show, nakakakilig siya,” natawang sabi nito. “It’s also perfect sa time, kasi ang dami na nating pinagdadaanan. Why not watch something new, fun and light.”

Nagte-taping pa lamang sila, halos nagti-trending na ang Heartful Café sa social media. May mga kinikilig na kasi sa kanilang dalawa ni David.

Isang bagay na ikinagulat kahit si Julie Anne daw mismo.

“Actually, nakagugulat,” nakangiti niyang sabi. “Personally, nakagugulat din talaga. Kasi, it’s been a while rin since the last time na nagkaroon ako ng ka-loveteam sa isang show and I am surprised kasi, tanggap ng tao ’yung team-up naming dalawa ni David.

 “Hindi ko alam kung ano ’yung secret formula, but I guess, doon sa sinabi rin ni Direk (Mark Sicat dela Cruz)... it’s about trusting each other to make it work. And I guess, we’re just comfortable with each other. Sobrang thankful lang talaga kami sa lahat ng sumusuporta sa amin ni David. Kahit na hindi pa pinapalabas, kung ano-ano ang ginagawa nila. Nagpapa-trend sila, kung ano-ano ang ine-edit nila [na memes]. Sobrang active lang talaga nila.”

David, for his part, admitted even earlier on na crush niya ang kanyang leading lady na ngayon. Kaya bago sila naging kumportable ni Julie Anne sa isa’t-isa, balitang naiilang daw si David sa presence ni Julie Anne.

Natawa si Julie Anne sa tsikang ito at saka direktang tinanong si David, na nasa virtual conference din, ng: “Totoo ba?!” 

“S’yempre, nakaka-flatter po and I really do appreciate the honesty and being open as well din,” say ni Julie Anne. “I never had a hard time working with David because he’s easy to get along with, he’s nice and focused siya sa trabaho. That’s why thankful din ako na siya ang partner ko. Mas nakilala ko siya sa set namin, sa show.”

Sa isang banda, pagkatapos ng naging relasyon nila ni Benjamin Alves, wala nang nabalita o nasulat na naging sumunod na karelasyon si Julie Anne.

Kaya tinanong namin ang singer-actress kung handa na ba siyang ma-in-love muli?

“If I’m ready to fall in love?” tila nagulat na balik-tanong ng dalaga. “I don’t know... I think, I’ve always been ready. I’ve always been ready… hindi naman ako sarado, open naman ako sa kahit na anong possibility.

“But right now, I’m happy the way I am. I’m happy as a single woman. Yeah, focused muna sa work ko.”

Pero, ano na ang hinahanap niya ngayon sa isang lalaking mamahalin?

“Well, kasi most people would say or ask me kung ano ’yung gusto ko sa isang guy regarding the physical features or whatever. Parang for me, bonus na lang ’yung looks, e. It’s actually the personality,” lahad niya.

Dugtong pa ni Julie Anne, “Gusto ko lang naman ’yung tao, rerespetuhin ako and ’yung family ko. God-fearing, iintindihin ako at hindi ako lolokohin at tatanggapin ako kung ano ako.”

Gusto rin ba niya na hunky ang katawan ng kanyang future boyfriend?

Ang lakas ng naging tawa ni Julie Anne sa tanong dahil agad niyang nai-konek ito kay David na kilala bilang isa sa mga “Kapuso Hunks.”

“Oh my gosh! Hindi ko alam. I don’t know. Nothing in particular. Kung sino ang ibigay sa akin ni Lord.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sam Cruz at mga kapatid, humihiling ng baby brother, pero mommy nilang si Sunshine Cruz ayaw nang magka-baby pa

Jeffrey Hidalgo, the director, nag-apprentice pala kay Direk Paul Soriano at kay Glorious director Connie Macatuno

Sunshine Dizon, kumpirmadong Kapamilya na

Ate Gay has recovered after hospitalization from pneumonia

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.