Sagot ni James Yap sa tanong ni Vice Ganda kung babaero ang mga basketbolista: "Torpe kami."

PHOTOS: @jamesyap19 & @privatebenjamin on Instagram

PHOTOS: @jamesyap19 & @privatebenjamin on Instagram

Game na nakipagkulitan ang basketball player na si James Yap kay Vice Ganda sa latest episode ng online show na Gabing Gabi na Vice na in-upload last October 3. 

Habang naka-lockdown dito sa Pilipinas ay nag-aral pala magluto si James. 

"Nagpapagturo ako magluto sa mom ko kasi parents ko nandito," k'wento ng Rain or Shine player sa online interview n'ya with Vice via Zoom.

Nasa Italy naman ngayon ang kanyang fiancee na si Michela Cazzola kasama ang kanilang mga anak na sina Michael James at Baby Francesca.

Si Mic nag-decide na kung pwede umalis na lang," paglalahad pa n'ya ng matanong sa kanyang recent travel sa Italy. "Ang sabi niya sa akin, mas okay naman daw doon dahil nakakalabas ‘yung bata.

Napunta rin ang usapan sa basketball dahil magbabalik na uli ang PBA [Philippine Basketball Association] kaya naman pupunta na daw sina James sa Clark sa Pampanga kung saan mag-a-undergo daw sila sa tinatawag na "bubble."

"Parang NBA [National Basketball Association sa Amerika]. Hindi ka makakalabas," paliwag ng 38-year-old basketball player. "Ang gagawin mo lang mag-ensayo at mag-practice. Kumbaga, bahay at ensayo ka lang. Bawal ka ng lumabas kahit saan. Mga two months 'yon. Two months na walang labas. Basketball lang talaga."

At dito na nga diretsahang tinanong ni Vice ang kaibigang basketbolista.

"Babaero ka ba, James?" pagha-hot seat ni Vice kay James. "'Pag basketball player ba totoong babaero? I-defend mo 'yong mga basketball players sa bintang na 'yon."

"Hindi. Hindi totoo 'yon, Vice," sagot naman ng tinaguriang Big Game James. "Alam mo kami, 'yong mga basketball player, araw-araw... Takot nga sa magaganda 'yon, e, katulad n'yo, e. Alam mo 'yon? 

"Everyday, [nagpa]practice kami, 'di ba, magkakasama puro lalaki. Everyday 'yan," pagpapatuloy ni James. "So hindi kami sanay na makakita nang magaganda. Kapag nakakita kami ng maganda natotorpe kami. Ganu'n. Nai-intimidate kami sa mga babae.

Hindi naman ito lumusot kay Vice na na-issue din sa noon sa basketball player na si Terrence Romeo.

"Nai-intimidate o nasasabik sa mga babae dahil araw-araw puro lalaki kasama n'yo?" nakakatawang pambabara ni Vice kay James. "Kaya kapag nakakita kayo ng babae para kayong nakawala sa kural. 'Hay babae! Babae! Sayang yan! Babae! Minsanan lang 'to. Itodo na natin. Babae!' Ganu'n."

Muli, pinanindigan ng shooting guard ng  Rain or Shine Elasto Painters ang kanyang naunang pahayag.  

"Torpe kami, Vice. Torpe kami," ani James.  

Hindi naman nagpaawat si Vice. 

"Naku, kilala ko ang mga eksena n'yo," aniya. "Ang dami kong kaibigang basketball players dati. 'Pag off season magtatatawag na 'yan. 'Sis, labas tayo. Punta tayo ng Revel [at the Palace, BGC].' Ganyan, ganyan. Nagkalat na 'yang mga 'yan sa The Fort. 

"Alam na alam mong off season na. Ayan na. Nagkalat na sila, o. Tapos 'yong mata ambibilis. Kala mo talaga buong court 'yong naiikot ng mata, e."

Dumepensa naman si James at sinabing: "Ganu'n din naman kayo, 'di ba? 'Pag bakasyon umaalis kayo. Oh... Enjoy. Ganu'n din ang mga players. 'Pag season kasi 'yong focus talaga nasa trabaho."

Isinalang din ni Vice si James sa usong "Jojowain o Totropahin Challenge" at ilan nga sa female celebrities na "totropahin" nito ay sina Nadine Lustre, Maja Salvador, Bea Alonzo, Ivana Alawi at Ruffa Gutierrez.

Pasado naman daw para "jowain" ang mga beauty queens na sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach, maging ang komedyanteng si Pooh. 

PANOORIN ang kabuuan ng Gabing Gabi na Vice with James Yap dito:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: James Yap and Michela Cazzola’s daughter Francesca turns two

Pika's Pick: James Yap and Michela Cazzola’s panganay MJ (Michael James) turns 4!

Pika's Pick: James Yap sends son Bimby, who just turned 13, birthday greetings by posting a series of their together throwback photos

Manny Pacquiao, James Yap, and other local sports celebrities tribute the NBA legend Kobe Bryant; post rare photos of their encounter with the Black Mamba

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.