Sam at Catriona, first ever Filipino Influencers na a-appear sa Amazon Prime

Couple Sam Milby and Catriona Gray are currently in Mauritius in East Africa to film for Amazon Prime’s highly-rated travels series na Global Child.

PHOTOS: Cornerstone Entertainment and @sammilby on Instagram

Couple Sam Milby and Catriona Gray are currently in Mauritius in East Africa to film for Amazon Prime’s highly-rated travels series na Global Child.

Ang bansang Mauritius pala sa East Africa ang pinuntahan ng lovebirds na sina Sam Milby at 2018 Miss Universe na si Catriona Gray. Hindi kasi nila sinabi sa kanilang October 1 posting sa Instagram kung saan ang tungo nilang dalawa nang mag-post sila sa kani-kanilang Instagram accounts ng similar photos na nakasakay sa eroplano. 

It turned out, sa Mauritius pala kung saan pagkagaganda rin ng mga beaches. At ang biyahe nila ay para sa guesting sila sa Global Child project ng Amazon Prime Videos. 

Sam and Cat were chosen among Pinoy influencers to take part sa #GlobalChild, ang highly-rated Travel series ng sikat na US-based paid-subscrption app.

Sa Travel with Purpose show, hosted by Augusto Valverde, mapapanood ang episode ng dalawa, kung saan ipapakita silang exploring and highlighting some of the amazing tourist spots in Mauritius while giving back to people in need. 

Ayon sa press release ng Global Child at Cornerstone, it’s first season “was distributed to global acclaim on ten major airlines carrying 350 million passengers and Amazon Prime with a reach of almost one billion viewers.
 
“The Show has since gone on to become one of the highest rating travel series in Amazon Prime. It is also streamed on Vizio & Tubi and broadcasted in national cable channels in the US as well as other international networks.
 
“Global Child is now entering its third season and has filmed in 20 countries, featuring 35 five-star hotels and more than 25 influencers from multiple continents. 

“Sam Milby and Catriona Gray will be the First Ever Filipino Influencers to be featured on this show.”

Kaya naman sakay ng Emirates Airlines noong October 1, kinunan ang mag-dyowa ng larawan na pinost ng dalaga sa kanyang Instagram account.

Ito ay may caption na: “Sooo excited to be seeing more of the world with my second favourite adventure buddy (first of course, is mama @mitagray)! Its been a long trip but such a relaxing and seamless one thanks to @emirates. #Emirates

“Which part of the world are @samuelmilby and I off to for our first on-screen project together? Follow @globalchildtv for updates.”

#CSGoesGlobal


 Nag-post din si Sam ng larawan nila ni Catriona sa IG account niya na ang caption ay, “Off for an adventure with my Koala! When it comes to travelling, comfort is a priority but more so safety. Super enjoyed the trip to our destination and also felt very safe. Thanks @emirates. Excited for the week ahead!  @globalchildtv #CSGoesGlobal”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)


 Ang cute ng term of endearment ng dalawa, “Koala” ang tawag ni Samuel kay Catriona at “Panda” naman ang tawag ng dalaga sa binata.
 
Pangatlo na ang pares nina Sam at Cat among the “global artists” ng Cornerstone Entertainment dahil may kani-kanyang silang mga bigating international projects.
 
Nauna na si Inigo Pascual na nasa Atlanta, Georgia ngayon para sa taping ng musical drama series na Monarch kasama sina Susan Sarandon, Trace Adkins, at Anna Friel.
 
Sumunod naman si Alex Diaz na kasalukuyang nasa Mexico City para naman sa shooting ng LGBTQIA+ musical movie na may titulong Glitter & Doom.
 
Overwhelmed at proud ang manager ng mga nabanggit na artists si Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment dahil sa achievements ng mga talents niya na nakikilala na sa iba’t ibang bansa. Nauna na nga si Catriona bilang 2018 Miss Universe.
 
Samantala, nang malaman ng Mauritians na nasa bansa nila si 2018 Miss Universe ay kaagad silang nag-message sa IG account nito kung ano ang gagawin at kung may meet and greet siya.
 
Tanong ni @muhammad_el_orangina, “Omg you’re here in Mauritius!! (emoji hearts) Are you gonna have meet and greet or things like that?”
 
Say naman ni @soph_3002, “@muhammad_el_orangina Fanboy moment much?
 
Sagot naman ni @muhammad_el_orangina “@soph_3002 gurl you know it. I legit went cray cray when I saw this.”
 
Pagsalubong naman ang bati ni @_fardil_zafar_zmg, “Welcome to the Paradise.”

Muling nag-post ng larawan ang dalaga at makikitang naka-check in siya sa Four Seasons Resort sila sa Anahita.
 
Aniya, “Bonjour! Day 1 shooting here in Mauritius with @globalchildtv!

“Styled by @justine.aliman19 @styledbypatrickhenry in @yong.studio @arnelpapa 🍃 Captured by @jololuarca.”

 
At mukhang si Cat palang ang may shooting dahil ang boyfriend niyang si Sam ay abala pa sa pag-go-golf base sa pinost niyang video sa Instagram.
 
“Good thing this is just a side shot so you can't see how far off the course my ball went.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.