Sam Milby, dadalawin ang tatay na may dementia sa Amerika

“Pero pagkatapos ng project na ito I wanna go home and visit my family—my parents... kasi my dad kaka-86 [years old] palang s’ya, may dementia din s’ya...I wanna spend time with them.”

Photos: @samuelmilby

“Pero pagkatapos ng project na ito I wanna go home and visit my family—my parents... kasi my dad kaka-86 [years old] palang s’ya, may dementia din s’ya...I wanna spend time with them.”

Karaniwan nang naitatanong sa mga artista kapag may mga virtual media conferences para sa kani-kanilang projects ay kung kumusta ang buhay-lock in.

Required kasi ngayon sa mga TV and movie production na mag-lock in taping para maiwasan ang makahalubilo ng ibang tao na maaring magdala ng risk ng pagkakahawa sa kinatatakutang Covid-19 virus

At bago pa man magsimula ang mga lock-in tapings or shoots, kailangan ding magpa-swab test ang lahat ng involved sa production para masigurong walang magdadala ng virus sa set.

Yan at marami pang safety and health protocols ang involved sa pagbuo ng isang pelikula o teleserye. Kahit mahirap, pinipilit ng mga taga-industriya na suungin ang mga challenges, simply because life has to go on.

Pero iba-iba ang pananaw ng mga stars regarding lock-in taping, na tumatagal from three to four weeks. Merong type ang ganitong sistema dahil mas nakaka-pokus daw sa trabaho at sa character. Mas marami rin daw naiipon na episodes kapag naka-lock in; or kung pelikula ay mas maagang natatapos ang buong pelikula. Limitado nga lang ang mga locations.

Meron namang naiinip sa lock-in system at feeling nasa loob ng bahay ni kuya ng Pinoy Big Brother na limitado ang galaw at nakakasalamuha. Bukod pa do’n, name-miss nila s’yempre ang mga mahal nila sa buhay na iniwan sa bahay.

Kaya naman natanong ang mga bigating artista ng Ang Sa Iyo Ay Akin (ASIAA)—na nagpa-media con kamakailan para sa kanilang Season 2—kung willing ba silang tumanggap ng panibagong teleserye pagkatapos ng Book 2 ng kanilang successful drama show despite the fact na mahirap nga at challenging ang mga galawan ngayon sa produksyon.

Si Jodi Sta. Maria ay willing daw dahil blessing nga naman ang may trabaho ka sa mga panahong ito. Pero hindi daw agad-agad dahil kailangan muna raw niyang “hubarin” sa sistema niya si Marissa Pineda, ang benggadorang character niya sa ASIAA.

Si Iza naman (who plays Ellice Ceñidoza-Villarosa na naagawan ng asawa), would rather give the chance daw sa iba to distribute the blessing. Isa pa, naka-kompromiso na raw umano siya sa ibang proyekto pagkatapos ng ASIAA.

Ang Diamond Star naman na si Maricel Soriano, na agad tinanggap itong ASIAA after ng kanyang The General’s Daughter, ay willing na willing daw tumatlo. Tatanggapin niya umano kung may offer agad pagkatapos ng ASIAA Season2. 

“Para sa ABS [CBN], gagawin,” maikling say niya na ikina-teary-eyed ng mga taga-ABS-CBN.

Si Sam Milby naman, for his part, ay oo din daw lalo pa’t mas naging appreciative daw siya ngayon sa nagbibigay sa kanya ng work dahil for a while ay nakaramdam din umano siya ng uncertainties dala ng pandemic at ng pagkakasara ng ABS-CBN.

“If I will accept another project with what’s going on? I definitely would. I think the one thing na natutunan ko with what’s going on... kasi it’s not only ’yong pandemya ’yong nangyayari, it’s also ’yong nangyari sa ABS [CBN] and ’yong takot na pa’no ’yong future? Ano’ng mangyayari sa atin and with our work?

“It made me appreciate having work so much more and just loving and appreciating having work ...my heart goes out sa mga kapamilya din natin na nawalan ng trabaho. But me having work now and being with these amazing people and being in the show, it made me so grateful.”

Pero bago raw siya tumanggap ng bagong ABS-CBN project ay sasaglit muna umano siya ng Amerika para dalawin ang mga magulang, lalo na ang tatay niyang may dementia na pala. 

“Pero pagkatapos ng project na ito I wanna go home and visit my family—my parents... kasi my dad kaka-86 [years old] palang s’ya, may dementia din s’ya...I wanna spend time with them but if there’s another project even with what’s going on, I would definitely [do it] ’coz I mean, it’s such a big blessing. It’s such a big blessing talaga.”

Ang home na tinutukoy ni Sam Milby ay ang Ohio state sa US, kung saan siya ipinanganak at lumaki.

Samantala, mapapanood na ang mga new episodes ng Ang Sa Iyo Ay Akin Season 2. It airs weeknights and is accessible via the following: on free TV (A2Z Channel 11); on cable (Kapamilya Channel), on on-demand streaming (iWant TFC), and via and free live streaming (Kapamilya Online Live).

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pagkakadapa ni Maricel Soriano sa taping, nag-iwan ng peklat sa makinis na tuhod niya

Cristy Fermin, niresbakan si Kris Aquino dahil sa panlalaglag daw kay Mr. Fu: "Magdi-dildil ako ng asin 'wag ka lang makasama dahil sa pananakit mo sa mga kasama at kaibigan namin...”

Long-time 'Jeopardy!' host Alex Trebek passes away at 80

Exclusive: Beth Tamayo, small and simple lang ang gustong kasalan with her American fiance

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.