Sanya Lopez, hindi pa ready'ng i-give up ang virginity

PHOTOS: Melo Balingit

PHOTOS: Melo Balingit

Bagamat Wild and Free ang title ng launching movie ni Kapuso star Sanya Lopez [with leading man Derrick Monasterio] at ganito rin ang description ng character na ginampanan niya dito, ay kabaligtaran daw ito ng ugali niya in real life dahil up to now ay wala pa siyang boyfriend.

 

Sa Q&A portion ng press conference ng Wild and Free na ginanap sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City last Tuesday (September 25) ay naging game naman ang no-boyfriend-since-birth na si Sanya sa pagsagot sa maseselang tanong ng mga members of the entertainment media and bloggers gaya ng kung kailan nga siya magbo-boyfriend at kung kailan din niya balak ipamigay ang kanyang “bato,” na ang ipinakakahululugan ay ang kanyang virginity.

 

Ayon kay Sanya, na 22-years old palang ngayon, mas priority niya ang career at this point kesa magka-boyfriend.

 

“Siguro mas tutok po ako ngayon sa kung ano ’yong ginagawa ko,” explain ni Sanya. “Siguro kapag mahal na mahal mo ’yong ginagawa mo medyo ayaw mo namang ibigay sa boyfriend mo na medyo…alam mo ’yon? Na hindi full ’yong binibigay mong pagmamahal sa boyfriend  mo dahil nahahati ganyan.

 

“Pero p’wede namang maging inspirasyon sabi nga ni Direk [Connie Macatuno]. Pero sa akin po kasi medyo hindi po ako sanay na nahahati pa dahil sobrang in love po ako sa trabaho ko ngayon.”

 

Pero sa tanong na kung kailan niya ipamimigay ang kanyang “bato,” ito raw ang hindi niya sigurado talaga dahil “hindi ko pa po naiisip yan.”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.