Sanya Lopez, inalala si Kuya Germs sa tagumpay niya sa showbiz

Pangako ni Sanya Lopez sa malaking tiwala na ibinigay sa kanya ng GMA Network: “Siguro po ang magagawa ko lang, ang maisusukli ko po sa binigay n’yo sa aking ito… Gagawin ko po talaga ang best ko at hindi ko po kayo bibiguin sa binigay po n’yo na ito. At mananatili po akong Kapuso. Maraming salamat po.”

PHOTOS: @sanyalopez on Facebook & GMA Network

Pangako ni Sanya Lopez sa malaking tiwala na ibinigay sa kanya ng GMA Network: “Siguro po ang magagawa ko lang, ang maisusukli ko po sa binigay n’yo sa aking ito… Gagawin ko po talaga ang best ko at hindi ko po kayo bibiguin sa binigay po n’yo na ito. At mananatili po akong Kapuso. Maraming salamat po.”

Hindi napilang maiyak ng aktres na si Sanya Lopez dahil sa saya sa panibagong tiwala na ibinigay sa kanya ng GMA Network.

Last September 28 kasi ay pumirma s’ya ng network contract kasama ng mga big bosses ng GMA, sina Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, President and COO Mr. Gilberto Duavit, Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Mr. Felipe S. Yalong, Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, and more.

Ito ang naging laman ng kanyang vlog na in-upload n’ya sa kanyang YouTube channel kahapon, October 2.

Dahil sa malaking tiwalang natanggap n’ya, hindi napigilang maiyak ng tinaguriang First Lady ng Primetime.

“Sobrang hirap magsalita ngayon. Speechless ako kasi…. grabe po kayo,” naiiyak na sabi ni Sanya right after her contract signing. 

“Sobrang thank you po sa tiwalang binigay n’yo po sa akin. Ang masasabi ko lang po, e, sobrang proud po ako at overwhelmed with happiness dahil sa tiwalang ibinigay n’yo po sa akin,” she continued.

Kasunod nito ay inalala at pinasalamatan ng aktres ang late star-maker na si German Moreno na s’yang naka-discover sa kanya.

Ito raw kasi ang naging way para makapasok s’ya, pati na ang kuya niyang si Jak Roberto, sa showbiz at makilala ng mga bosses ng Kapuso network.

“Maraming salamat kay tatay, Kuya Germs, kasi s’ya po ’yong naging daan para po makilala ninyo ako,” ani Sanya.

Isinali kasi s’ya nito noon sa Walang Tulugan with the Master Showman bago s’ya nabigyan ng break sa pantaseryeng Encantadia noong 2016.

Sadly, hindi na nakita pa ni Kuya Germs ang success ni Sanya nang magsimula ang Encantadia noong July 2016 dahil sumakabilang buhay na ito January pa lang ng taong iyon. 

Moreover, Sanya also expressed gratitude to the upper management sa pagbibigay sa kanya ng trust and projects.

“At maraming salamat po sa tiwala na binibigay n’yo talaga sa akin. Sa lahat-lahat, sa mga proyekto,” sabi n’ya.

Nalulula nga raw s’ya minsan sa mga ipinagkakatiwalang projects sa kanya ng network kaya may mga pagkakataon daw na kinukuwestiyon n’ya ang kanyang sarili.

“Mismo minsan ako, ‘Nagtitiwala ba ako sa sarili ko? Binigay sa akin ang malaking project na ito?’ Pero kayo po ’yong mga nanguna na magtiwala sa akin,” saad pa ng aktres.

Kung babalikan, malalaking projects nga naman ang naibigay sa kanya ng GMA at karamihan ay mga primetime series pa gaya ng Encantadia (2016), First Yaya (2021), First Lady (2022), at Mga Lihim Ni Urduja (2023).

Inisa-isa n’ya ring pinasalamatan ang mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay, ang mga bosses ng GMA, at kanyang mga talent managers.

“Hindi ko alam kung ano pa ’yong dapat kung sabihin kasi walang katapusang pasasalamat po para sa inyong lahat,” pahayag ni Sanya.

Ibibigay daw ng dalagang aktres ang best n’ya sa bawat project na ipagkakatiwala sa kanya para masulit umano ng network ang trust na ibinigay sa kanya.

“Siguro po ang magagawa ko lang, ang maisusukli ko po sa binigay n’yo sa aking ito… Kasi for me po ’yong kontrata hindi s’ya basta kontrata na pinirmahan lang. Reward po s’ya para sa akin,” pagbabahagi ni Sanya. 

“Simple lang naman po akong tao, simpleng babaeng nangarap na sana one day matupad ko ’yong pangarap ko. At kayo po ang naging daan du’n. Maraming maraming salamat po,” she added.

“Gagawin ko po talaga ang best ko at hindi ko po kayo bibiguin sa binigay po n’yo na ito. At mananatili po akong Kapuso. Maraming salamat po,” pagtatapos n’ya.

Congratulations, Sanya!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Sanya Lopez remains a Kapuso; renews her contract with GMA Network

Sanya Lopez, special request ni Alden Richards para makasama niya sa Magpakailanman special

Sanya Lopez, gusto nang magka-bf pero natatakot ma-in love; aminadong nagtampo sa late father niya noon

Sanya Lopez, nag-aaral nang mangabayo para sa papel na Urduja

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.