Sanya Lopez, napadalas daw ang punta noon sa Baclaran Church habang ginagawa ang pelikulang Wild and Free: “Sabi ko, ‘Lord, makasalanan na ba ako kapag ginawa ko ito?’”

PHOTOS: @sanyalopez on Instagram & Regal Entertainment on YouTube

PHOTOS: @sanyalopez on Instagram & Regal Entertainment on YouTube

Binalikan ni Kapuso actress Sanya Lopez ang mga mapangahas na eksenang ginawa n’ya sa telebisyon at pelikula nang maging guest s’ya sa online show na Tonight With Allan D (#2WAD) hosted by showbiz writer Allan Diones last November 14. 

Napag-usapan kasi kung paano ba nagsimula sa showbiz ang aktres na na-discover ni late Master Showman, Kuya Germs. 

Matapos ang kanyang stint sa Walang Tulugan with the Master Showman, mas nakilala si Sanya nang makuha at gampanan n’ya ang role na Danaya sa top-rated na telepantasyang Encantadia (2016). Napuri ang husay n’ya sa pag-arte at nagsunod-sunod na ang mga naging projects n’ya sa Kapuso network.

“Actually po, hindi pa tapos ‘yong Encantadia, balita pa lang na tatapusin na, kinukuha na po ako nu’ng Haplos (2017) po that time kasi Haplos po ‘yong sumunod sa Enca,” paglalahad ng 24-year-old actress via StreamYard. 

Malaking blessings din po talaga na dumating sa akin ‘yong Encantadia. Friday kami natapos ng taping ng Encantadia. Monday po ay storycon na po [ng Haplos].”

Sa Haplos ay muling nakatambal ni Sanya si Rocco Nacino na katambal n’ya rin sa Encantadia.

Matapos noon ay nakasama naman siya sa action series na Cain at Abel (2018) na pinagbidahan ng mga Kapuso royalty na sina Primetime King Dingdong Dantes at Drama King Dennis Trillo

“I’m happy talaga,” sey ni Sanya sa online show. “Hindi ako makapaniwala kasi Dennis Trillo ba naman at Dingdong Dantes, ‘di ba, pinartner sa akin. Tapos ako, ‘Totoo bang nangyayari?’

Masarap po silang kasama, e. Sobrang welcoming and sila ‘yong unang nag-a-approach sa’yo talaga na parang, ‘Okey lang ‘yan. Kaya mo ‘yan. Naniniwala kami sa’yo.’ Ganyan sila. Mabait naman sila. Napaka-supportive din.

Tila na-challenge naman ang aktres dahil mainit daw agad ang mga eksenahan sa drama series umpisa pa lang. 

Unang scene namin sa Cain at Abel may kissing scene agad kami ni Kuya Dennis...ni hindi pa kami nagkakakilala,” natatawang pagre-recall ni Sanya. “Sabi ko, ‘Okey po. Sure po ba kayo dito?’

Maliban pa doon, nagkaroon din daw s’ya ng kissing scene with Dingdong Dantes naman sa bandang dulo ng series. 

Pero talagang nag-level up ang lahat nang bumida si Sanya sa sexy-drama movie na Wild and Free noong 2018. Sa daring movie ay naka-tandem n’ya si Derrick Monasterio

Pinagpawisan daw ang aktres nang i-flash ni Allan sa screen ang mga still photos ng movie na ngayon ay napapanood na sa Netflix. 

Sobrang kakaiba po [ito] sa lahat ng ginawa ko. As in, ano s’ya, e, wild. Hahaha! Wild talaga. Hahaha!” hindi mapigilang matawa ni Sanya habang nagpapaliwanag. “Kasi first time kong ginawa sa movie na ‘yan ‘yong ganyang eksena.

Dahil aminadong NBSB o no boyfriend since birth ang Kapuso actress, ginabayan naman daw s’ya ng kanilang direktor na si Connie Macatuno.

May natutunan naman po ako, especially kay Direk Connie Macatuno,” tsika pa ni Sanya sa show. “Tinuro n’ya sa akin ‘yong mga bagay na parang, ‘Ito pinapagawa ko kasi gusto ko maipakita mo, Sanya, bilang isa kang aktres, kailangan mong patunayan sa akin kung ano ‘yong pinapakita at kung paano ba ang isang relasyon sa tunay na buhay.’ 

“‘Yon ‘yong sinabi n’ya sa akin. ‘Kailangan mo ngayong patunayan sa kanila na parang may experience ka sa ganitong bagay. Kung talagang magaling kang aktres.’ Sabi n’ya sa aking ganu’n. Hahahaha! 

Hiyang hiya talaga ako,” pag-amin pa ng dalaga. “Sabi ko, ‘Sige, Direk Connie.’”

Ayon pa kay Sanya, habang ginagawa daw nila ang pelikula ay napadalas daw ang punta n’ya sa Baclaran para magbanlaw ng kasalanan, so to speak.

Sobrang dasal na lang ako. And after every scene na ginagawa namin, lagi akong nasa Baclaran [Church],” natatawang pagbabalik-tanaw n’ya. “Pray ako nang pray, Tito Allan. Hindi ko sure kung bakit ako pray nang pray. Sobra. Sabi ko, ‘Lord, makasalanan na ba ako kapag ginawa ko ito?

Thankful naman daw s’ya na gentleman ang leading man n’ya na si Derrick kaya naitawid nila ang mga maiinit na eksena.  

Buti na lang talaga ang naka-partner ko dito e si Derrick Monasterio dahil sobrang close namin,” paliwanag pa ni Sanya. “Tropang-tropa na talaga kami. Magkaibigan kami. Kapag magkasama kaming dalawa wala ng ilangan. ‘Yon naman ang maganda. 

Pero tinanong naman n’ya ako. Sinabi n’ya sa akin, ‘In case talaga na may mga bawal na part na mahawakan or feeling mo hindi ka comfortable, open rin naman ako du’n. Sabihin mo lang sa akin. Talagang iingatan kita.’ Ganu’n po,” pagtatapos ng aktres.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sanya Lopez replaces Marian Rivera in “First Yaya”; thankful for first primetime starring role

Sanya Lopez, willing mag-audition for Darna sa isang kundisyon

Sanya Lopez reveals her photos as 2020 Calendar Island Girl of a liquor brand

Sanya Lopez, muntik na palang masungkit ni Gab Lagman

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.