Sanya Lopez, pantasyang makatambal si Solenn Heussaff sa isang lesbian-themed project

“Ang hot n’ya lang. ’Tsaka feeling ko kaya n’ya agad na kumunek sa akin din, e, so isa s’ya mga nakikita ko, tinitingnan ko.”—Sanya on Solenn

PHOTOS: @sanyalopez & @solenn on Instagram

“Ang hot n’ya lang. ’Tsaka feeling ko kaya n’ya agad na kumunek sa akin din, e, so isa s’ya mga nakikita ko, tinitingnan ko.”—Sanya on Solenn

Ang kapwa Kapuso actress na si Solenn Heussaff daw ang gustong makatambal ni Sanya Lopez kung magkakaroon s’ya ng lesbian-themed project. 

Sinabi ito ni Sanya sa entertainment press kahapon, July 29, sa kanyang virtual media conference after she renewed her contract with the GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network. 

Ngayong may panibagong kontrata na ang aktres ay natanong ito kung ba ang susunod n'yang maio-offer sa kanyang mga fans. 

Dahil ayaw pa ni Sanya magkuwento dahil nasa planning stage pa daw ang lahat ay naglatag na lang s'ya ng mga projects na gusto n’yang ma-try, personally. 

Gusto ko i-explore ’yong lesbian [-themed project], maging lesbian,” lahad ng Kapuso primetime actress sa press. 

Gusto ko s’yang i-explore kasi hinahanap ko rin ’yong ‘What if, ano kaya ang pakiramdam pag pinartner ka naman sa isang babae?’ Natsa-challenge ako and gusto ko talaga mga challenging roles.”

At kung s’ya daw ang pipili ng kanyang makakapareha, ang hot momma na si Solenn Heussaff daw ang first choice niya. 

Kasi wala lang, ang hot n’ya lang,” natatawang paliwanag ni Sanya. “’Tsaka feeling ko kaya n’ya agad na kumunek sa akin din, e, so isa s’ya mga nakikita ko, tinitingnan ko.

Nagkasama na sila ni Solenn sa top-rated series na Encantadia kung saan gumanap s’ya bilang si Sang’gre Danaya habang ang role na Cassiopeia naman ang ginampanan ni Solenn. 

Naglalaro din daw sa isip niya either si Glaiza de Castro or Rhian Ramos.

Kasi napanood ko na sila [sa lesbian-themed series na The Rich Man’s Daughter]. Parang… What if sila naman ’yong i-partner sa’kin? So, na-excite ako du’n.

Pero at present daw ay nag-e-enjoy pa s’ya sa paggawa ng romantic comedy series lalo’t maganda ang pagtanggap ng viewers sa tambalan nila ni Gabby Concepcion sa katatapos lang na First Yaya.

Sa ngayon kasi gusto ko pang i-explore ‘tong romcom kasi ngayon lang ako nakagawa ng romcom talaga, e,” aniya. 

Bukod pa du’n, gusto ko rin ma-try na maging superhero. Kasi sa Encantadia apat naman kami. Gusto ko sana… ‘Ano kaya ang pakiramdam kung ikaw naman na parang sa’yo nakasalalay ang lahat?’ So, gusto ko rin naman ng ganu’ng superhero.”

Nine years na sa showbiz industry si Sanya mula nang ma-discover s’ya ni late Master Showman German “Kuya Germs” Moreno noong 2012. Feeling blessed daw s’ya ngayon na muling mapagkatiwalaan ng GMA.

Sabi ko nga, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang pumipirma. Hindi ko alam kung nae-excite ba ako o sobra lang talaga ’yong saya na nararamdaman ko,” pagbabahagi n’ya. “Kasi dito ko po naramdaman na, totoo po ’yon, e, na pinahalagahan ka ng GMA Network at alam nila na meron silang plano para sa’yo

“Partly, ’yong nararamdaman ko, nandu’n ako sa kailangan kong galingan. Kailangan kong galingan pa at ayokong masira ’yong tiwalang binigay nila para sa akin,” pagtatapos ni Sanya.

Anyway, mapapanood si Sanya kasama sina Anjo Damiles, Rita Avila, Arny Ross, Yesh Bruce and Pipay sa “To Love Again” episode ng Wish Ko Lang this Saturday, July 31, sa GMA Network.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil naranasan ang hirap ng pagsasaing sa kalang de-uling, Sanya Lopez, “napa-praning" sa tuwing mauubusan sila ng gas ngayon

Royce Cabrera, balak tuhugin ang magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto

Mga aso ng magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto, may sariling kwarto sa lilipatan nilang bahay

Sanya Lopez, napadalas daw ang punta noon sa Baclaran Church habang ginagawa ang pelikulang Wild and Free: “Sabi ko, ‘Lord, makasalanan na ba ako kapag ginawa ko ito?’”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.